CHAPTER 28: THE BEGINNING OF AN END ( PART I )

2.2K 172 4
                                    

A/N:
Enjoy and happy reading!!! :'>

THIRD PERSON'S POV

"Panginoon..." Pagtawag ni Magnus sa atensyon ni Ignisius na noo'y nakasulyap lamang sa labas ng isang malaking bintanang salamin.

Marahan namang humarap ang matandang salamangkero habang hawak pa rin sa kaniyang kanang kamay ang baston na may berdeng bato na ipinamana pa sa kaniya ng kaniyang ninuno.

"Ano't naparito ka, Magnus? Napagtagumpayan mo ba ang aking iniutos?" Seryosong sambit nito.

"Panginoon, ipagpaumanhin po ninyo ngunit ako ay nabigo. Bukod sa hindi ko inaasahang may iilang mga isinumpa roon ay nabigla rin ako sa pagdating ng isang Gifted." Nakayukong paumanhin ni Magnus.

Namutawi ang pagkadismaya at pagkainis sa katauhan ni Ignisius. Isang malakas na kulay berdeng liwanag ang lumabas mula sa tungkod nito at tumama sa pader na nasa likod lamang ni Magnus, na ikinagulat naman ng huli.

"Walang kwenta! Simpleng utos ay hindi mo magawa-gawa!" Sigaw na sumbat ni Ignisius.

"Patawad po, pangi--" Ngunit hindi pa man natatapos ni Magnus ang kaniyang nais sabihin ay muli namang sumigaw ang matandang salamangkero.

"Sereth!" Sigaw nito.

Agad namang nagtungo sa silid na iyon ang babaeng tinawag niyang, Sereth-- ang kaniyang anak.

Napalingon pa sa pinagmulan ng pagsabog na ngayo'y bahagya pang umuusok ang babae.

"Pinatawag niyo po ako, ama-- panginoon?" Wika ni Sereth nang makapwesto siya sa tabi ni Magnus.

"Ihanda mo ang pinakamalalakas nating halimaw at samahan mo si Magnus na muling sumugod sa lugar kung nasaan ang taong itinakda. Isa lang ang nais ko... Ang paslangin niyo siya!" Maawtoridad nitong utos sa dalawa.

"Masusunod po, panginoon." Sabay na sagot ng dalawa sa kaniya.

"Ngayong araw natin tatapusin ang pagbabalatkayong ginagawa natin. Dahil sa araw ring ito ay tuluyan na tayong maghahari sa buong Armedeia sa oras na mawala ang itinakda!" Pahabol pa nitong wika.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"M-mahal ko... A-ang dami kong gustong itanong. Bakit? Anong nangyari? Paano? Ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula." Sunod sunod na wika ni Amylia kay Somali.

Sila ay kasalukuyang nasa tanggapan ng kaharian ng mga Dryad. Kagaya man ni Amylia na nagtataka sa mga nangyayari, ay nanatili namang tahimik at nakikinig ang magkakaibigang sina Primo, Marina, Marco, at Luna sa pinaguusapan ng dalawa.

"Mahal, ako man din ay nagugulat at hindi makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Pero lubos akong nagagalak na ngayon ay nasa harapan na kita at buhay na buhay." Masayang wika naman ni Somali at muling niyakap ang asawang inakala niyang matagal nang namayapa.

Bumitiw naman sa pagkakayakap ang dalawa at humarap sa mga kasama nilang naroon.

"Magandang gabi mahal na reyna. Ako'y humingi ng pasensya sa aking inasta. Nadala lamang ako ng aking pagkasabik na mayakap muli ang aking asawa." Paghingi ni Somali ng paumanhin kay Reyna Aleeiah. Marahil ay napansin nitong mas inuna niya pang batiin ang asawa at kinalimutan na ang pagbibigay pugay sa reyna ng kaharian kung nasaan siya.

The Gifted Cursed | COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon