CHAPTER 15: TRES WITCHES

2.4K 183 17
                                    

Yuan's POV

--

"Yuan"

Bigla nalang akong nakarinig ng mga boses na tumatawag sa pangalan ko. Kagaya nang napanaginipan ko noon, parehong boses ng isang babae at lalaki ang magkasabay na tintawag ang pangalan ko.

Lumingon ako kung saan saan pero tanging kadiliman lang ang nakikita ko.

"Yuan" tawag ulit ng tinig ng pinagsamang boses ng babae at lalaki.

"Magkapakita kayo!!" Sigaw ko sa paligid ngunit walang sumagot.

"Malapit na Yuan, kaunting paghihintay nalang. Malapit na. Maghanda ka." Sabi ulit ng misteryosong tinig.

"Sino ka!? Sino kayo!?" Sigaw ko ngunit kagaya ng kanina ay hindi nila o niya ako sinagot.

May nakita akong isang tuldok ng liwanag di kalayuan sakin kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pang puntahan at takbuhin yon.

Habang papalapit ako sa liwanag ay unti-unti itong lumalaki at nagiging sobrang nakakasilaw.

Humakbang na ko sa loob ng liwanag nang...

----

Bigla nalang akong napabangon sa hinihigaan ko. Sobrang hinihingal at pinagpapawisan ako.

Nasan ako?

Nilibot ko ng tingin ang paligid at napansin kong pamilyar ang silid. Nasa loob lang pala ako ng kwarto namin dito sa bahay ni Gurong Somali.

Inalala ko kung anong nangyari.

"Si Marina!" Alala kong sabi sa sarili ko at akmang tatayo na sana ako sa higaan nang biglang bumukas ang pinto ng silid at inuluwa ang mga gulat na mukha ng mga kaibigan ko.

"Aacckk!!! Yuan!! Sa wakas at nagising ka naaaa!!" Tili ni Marina sabay takbo papalapit sa akin tsaka ako niyakap ng mahigpit.

"Te-teka, Marina. D-di ako makahinga." Sabi ko sakaniya habang tinutulak siya palayo sakin.

"Ay sorry! Naexcite lang. Hehe!" Paghingi niya ng tawad.

Tinignan ko naman yung kaliwa niyang braso na may benda.

"Marina..." Hihingi na sana ako nang tawad nang bigla siyang magsalita.

"Ssh! Wag kang hihingi ng tawad! Okay lang ako ano ka ba! Dapat matuwa ka dahil sigurado na kami na cursed mo nga ang bagay na nagagawa mo." Nakangiting sabi ni Marina sakin.

Agad namang lumapit din ang iba pati na rin si Guro.

"Oo, Yuan. Malakas ang pakiramdam ko na cursed mo yun. Pero sa ngayon ay hindi ko pa matukoy kung anong klase ng kapangyarihan yon." Wika naman ni Guro.

Ibinaling ko namang muli ang atensyon ko sa naka bendang braso ni Marina.

"Oh? Tinitingin-tingin mo diyan? Ayos lang ako, okay? Hindi man kasing bilis ng normal na sugat ang natamo ko at ang paggaling nito dahil sa kapangyarihan mo, gumagaling naman na siya ng paunti-unti kaya wag ka na mag alala. Hindi bagay sayo!" Biglang sabi ni Marina sa akin na tinitiyak na okay lang siya.

Pero kahit na sinabi niyang okay lang siya ay di pa rin maalis sa isip ko na ako ang may gawa noon.

"S-sorry." Nasabi ko nalang ng nakayuko.

"Ang panget mo! Halika na nga at sakto, kakatapos lang namin maghanda ng hapunan. Panigurado akong gutom ka na dahil dalawang araw kang walang malay." Sabi niya sabay hila akin.

The Gifted Cursed | COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon