CHAPTER 2: DISISYON

3.8K 273 5
                                    

Yuan' POV

Lumipas ang mga araw at wala akong ibang ginawa kundi ang magsanay nang magsanay. Nagagawa ko naman ang mga pinapagawa sakin ni Nay Amylia ngunit palagi pa ring hindi sapat ang komento niya.

Ganun din sa aking mga napapanaginipan. Paulit ulit lang ang mga ito ngunit ganoon pa rin at malabo pa rin ang imaheng nakikita ko.

May nabubuo sa puso't isipan ko. Tila ba nangangati akong malaman kung saan patungkol ang mga panaginip kong iyon. Para bang isa 'yong alaala na hindi ko naman naranasan. Alam kong hindi na 'to normal, dahil paulit ulit nalang ang mga nakikita ko.

Kailangan kong kausapin si nay Amylia. Kailangan ko ng sagot.

Kaya kinagabihan habang kumakain kami ng hapunan ay tahimik lang kaming dalawa ni nay Amylia. Kanina pa ko nag iipon ng lakas ng loob.

'kaya ko to!" Sabi ko sa isip ko.

Badtrip! Bakit ba ko kinakabahan!? Gusto ko lang namang sabihin sakaniya na nais kong maglakbay. Bakit naman ganito kabilis yung tibok ng puso ko!? Susmaryosep!

Hindi pa ko nagsasalita nang biglang magsalita at tumingin sakin si nay Amylia.

"May problema ba Yuan?" Tanong niya sakin.

Tinititigan niya lang ako.

Napalunok ako ng laway.

Kinakabahan ako.

Pero kung di ko sasabihin sakaniya, hindi ako matatahimik.

"Uhm.. N-nay!.. ano..." kinakabahan kong panimula.

Nakatitig lang siya sakin, tila ba inaantay niya kung anong sasabihin ko.

Kaya ko 'to, kailangan kong tatagan at tapangan ang aking sarili.

Walang mangyayari kung di ako magsasalita.

"Nay... Gusto kong maglakb--" hindi ko pa tintapos ang sinasabi ko nang magsalita siya.

"Hindi." mariin at may awtoridad niyang sabi.

"Pero nay--"

"Hindi pwede. Hindi kita papayagan sa gusto mo Yuan! Alam mo ba kung gano kadelikado yang gusto mo!? Inalayo kita sa mga communis at lalo na sa mga Enclave para hindi ka mapahamak tapos gusto mong maglakbay!? Wala kang mapapala diyan!!" Matigas na sabi ni nay Amylia.

Ngayon lang niya ko pinagalitan ng ganito.

Alam kong nag aalala lang siya sa kapakanan ko. Pero bakit? Hindi niya ko naiintindihan. Hindi niya niya man lang ako pinagpaliwanag.

Ang bigat sa pakiramdam. Parang tutulo ang mga luha ko ano mang oras.

"S-sige po." sabi ko nalang habang nakayuko.

Tumayo na si nay Amylia at tumungo na sakaniya silid. Iniligpit ko nalang ang mga pinagkainan namin na nagtungo na rin ako sa aking silid.

Doon ko pinakawalan ang bigat na nararamdaman ko. Hindi ko alam, bakit ganito? Bakit ako umiiyak? Ano nga ba ang mapapala ko sa paglalakbay?

Nakatulog nalang ako nang hindi ko namamalayan dahil sa pag iyak.

---

Lumipas na naman ang mga araw na ganoon pa rin ang nangyayari, nasa loob lang ako ng aking silid at nakatitig sa bubong ng aming munting tahanan.

Walang bago.

Pagsasanay dito, ensayo doon. Pakiramdam ko talaga may kulang sa loob ko.

May kulang sa pagkatao ko.

Kagaya ng aking nararamdaman ay ganun ding makikita sa aking kilos ang pagkawalang buhay sa ginagawa naming pag eensayo. Inaayos ko naman ang mag eensayo ko, pero wala lang talaga akong gana magmula noong pagalitan ako ni nay Amylia. Hindi naman ako nagtatampo dahil pinagalitan niya ako, nawala lang ang gana ko dahil akala ko ay papayagan niya ko. Alam kong ramdam 'yon ni nay Amylia pero di nalang din niya  pinapansin.

Pakiramdam ko ay isa akong ibon na pilit na kinukulong sa isang maliit na hawla.

Gusto kong malakabas, gusto kong makalaya at makalipad.

Buo na ang disisyon ko. Gusto kong maglakbay upang magkaroon ng sagot ang mga katanungan sa aking isipan.

"Bahala na!" Bulong ko sa aking sarili sabay tayo at pumunta ako sa maliit na lamesa sa loob ng aking silid. Kumuha ako ng panulat at isang piraso ng papel.

At isang disisyon ang aking ginawa. Isang disisyong hindi ko dapat pag sisisihan.

                                

The Gifted Cursed | COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon