Yuan's POV
Isang linggo na kong nananatili dito sa La Cierda at ngayong araw rin ang huling araw ng pistang taon-taon ay ipinagdiriwang nila. Ang pista kung saan nagsasaya ang mga mamamayan ng La Cierda dahil sa matagupay na namang taon ng may kapayapaan sa bayan nila.
At sa loob din ng isang linggong yun ay wala akong ibang ginawa kundi ang tulungan si Marina sa mga gawaing bahay at pagtulong sa mga mamamayan ng La Cierda.
Nawalan man ako ng oras para magsanay para mapalabas ang aking totoong kapangyarihan ay hindi na rin masama dahil nag eenjoy naman ako sa lugar na ito.
Pero minsan ay napapaisip ako, nakakamiss din pala ang mag ensayo. Namimiss ko na rin si Nay Amylia, kumusta na kaya siya? Nabasa kaya niya ang sulat na iniwan ko para sakaniya?
Naalala ko pa ang mga isinulat ko doon.
---
Nay Amylia,
Unang-una sa lahat ay salamat. Salamat po sa lahat ng mga itinuro niyo sa akin simula noong nagkaroon ako ng muwang sa mundong ito. Salamat po sa pagmamahal na ibinigay ninyo kahit na hindi niyo po ako totoong kadugo. Marami salamat po sa pagkupkop ninyo sa akin. Wala pong katumbas ang pagmamahal na ibinigay niyo sa akin.
Pasensya na po kayo kung umalis pa rin ako kahit na hindi niyo ako binigyan ng pahintulot para maglakbay. Pero sana po ay maintindihan niyo po ang dahilan ko. May mga bagay lang po talaga sa aking kalooban ang tila ba kulang. Hindi ko rin po maintindihan ang aking sarili pero alam ko pong sa pamamagitan ng paglalakbay ko ay makikita ko rin ang kakulangang hinahanap ko.
Mahal ko po kayo Nay Amylia at humihingi po ako ng tawad sa aking pag suway sa inyong kagustuhan. Hanggang sa muli po nating pagkikita!
Nagmamahal,
Yuan
---
Naputol ang aking pag iisip ng biglang may kumatok sa pintuan ng aking silid.
"Yuan! Tara na! Ngayon na ang huling araw ng pista di mo dapat ito palampasin!" Sigaw ni Marina sa labas.
"Oo, susunod na ko! Sandali lang!" Sigaw ko sakaniya pabalik at kumuha na ako ng maaari kong suoting pamalit.
Masasabi kong sa loob ng isang linggong pananatili ko dito sa La Cierda ay naging maayos naman ang aming samahan ni Marina. Nagiging mas malapit kami sa isa't isa habang lumilipas ang mga araw.
Noong araw nga na dumating ako dito, kinabukasan ay sinamahan niya kong mamili ng damit at siya ang gumastos at nagbayad ng mga pinamili namin sapagkat wala naman akong pera kahit man lang isang pilak na duling.
Sa loob din ng isang linggong yun ay tumutulong ako sa mga trabahong ginagawa ni Marina kagaya lamang ng paghahanap ng mga halamang gamot sa malalapit na gubat, pagtulong sa mga gawain ng communis na kailangan ng tulong ng mga kagaya naming cursed. Sa pamamagitan noon ay hindi ako nagiging pabigat kay Marina sa pagpapatuloy sa akin.
"Ang bagal mo pa ring kumilos alam mo yun!? Para kang babae, talo pa kita e!" Sabi niya sakin pagkababa ko sa sala.
Inirapan na naman niya ko.
"Malamang hindi ka naman talaga babae e!" Natatawang panukso ko sakaniya.
Sinamaan nalang niya ako ng tingin at hinampas ang braso ko.
"Heh! Tara na nga, baka maipakita ko sayo yung amazonang pagkatao ko!" Gigil niyang sabi sabay hila sakin palabas ng bahay.
Gaya ng itsura noong unang tapak ko dito ay magagarbo pa rin ang mga disensyo ng paligid. Mas pinadoble lang ang ganda ng mga disensyo ngayon dahil huling araw narin naman ng pista dito.
BINABASA MO ANG
The Gifted Cursed | COMPLETED ✓
FantasyIsang nilalang na pinagkaitan ng nakaraan. Mga alaalang pinipilit na binabalikan. Kinagisnan ang mundong para sa mga kagaya niya'y kay hirap galawan. Pinagkaitan nga ba siya o siya'y hinahanda lamang ng tadhana para sa mas makabuluhan niyang hinaha...