CHAPTER 10: STORY OF HIS LIFE

2.7K 219 16
                                    

Marina's POV

"Ako nga pala si Primo, siya naman ang kapatid kong si Luna. Mga Cursed din kami." Sabi ni kuya mo Primo samin habang nakangiti sabay lahad ng kamay niya para makipagkamay kay Yuan.

Ang pogi namang nilalang nito! Halos mawala na yung mata kapag nangiti ampupu!

Kukunin na sana ni Yuan yung kamay ni Primo pero inunahan ko na siya. Hehe!

"Ah, ako si Marina! Tapos itong kasama ko ay si Yuan, wag mo nalang siyang pansinin. Hihi! Neysh tu meet yu!" Masaya at pabebe kong bati habang hawak pa rin yung kamay ni Primo.

Nakarinig nalang ako bigla ng pag ubo sa likod ni Primo.

"Ehem!" Bahagyang pag ubo ni Luna.

Storbo naman eh! Hmp!

Kaya ayun, inalis ko na rin yung kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya. Nakakahiya din naman kahit papaano ano!?

Tumayo na rin kami ni Yuan sa pagkakaupo namin. Inalalayan naman kami nina Luna.

"Pasensiya na kayo sa kapatid ko ah?" Paumanhin ni Primo sa amin.

"Ehe! Ene ke be keye! Wala leng yen no! Maliit na bagay!" Sabi ko sabay hampas sa braso ni Primo.

Ang tigas mare!!!

"Huy! Marina, ano ba yang inaarte arte mo diyan? Para ka kamong abnoy!" Saway sakin ni Yuan.

"Hehe! Sorry, Primo!" Sabi ko nalang sabay peace sign sakaniya.

Di naman na niya ko pinansin bago siya ulit mag salita.

"Ikaw, Luna? Wala ka bang sasabihin?" Tanong niya sa kapatid niya.

Yumuko naman si Luna habang magkahawak ang dalawang kamay sa harapan niya.

"A-ano, pasensya na po sa ginawa ko kanina. Sana mapatawad niyo po ako ate Marina at kuya Yuan!" Paghingi niya ng tawad.

"Okay lang, wag mo nang isipin yun. Naiintindihan naman namin kung bakit mo yun ginawa. Diba ATE Marina?" Sabi ni Yuan sabay tingin sakin.

"Ah, eh oo naman. Naiintindihan namin, wala yun. Kalimutan mo na yun! Hehe!" Sabi ko nalang.

Wala naman akong maalala sa mga nangyari, so bakit ako magagalit sa batang 'to, diba?

"Gusto niyo bang doon na muna sa bahay namin tumuloy? Delikado kung dito kayo magpapalipas ng gabi." Alok naman ni Primo.

Ay, syempre naman! Wala nang patumpiktumpik pa! Grab na agad!

Magsasalita na sana ako ulit kaso naunahan na naman ako ni Yuan. Kanina pa 'to ah!? Sabunutan ko kaya 'to!? Hmp. Biro lang! Hehe!

"Hindi ba nakakahiya? Baka makaistorbo pa kami sa niyo?" Alangang sabi ni Yuan.

Teka nga lang!? Bakit parang nagpapabebe 'tong lalaking 'to!? Hmmmm!

Wag mong sabihing...

Wag mong sabihing...

Wag mong sabihing naa-adapt na niya ang ugali ko?!

Pero okay lang, bagay naman sakaniya. Mas lalo siyang naging cute na pogi kapag nagpapabebe. Basta yon, pogi siya na cute, okay??!

"Nako wag niyong isipin yun. Dalawa lang kami ni Luna ang nakatira doon. Ano? Tara na? Malapit lang yun dito." Sabi ni Primo tsaka nag umpisa nang maglakad.

Sumunod naman na sakaniya si Luna habang hila hila si Yuan.

"Tara na kuya Yuan!" Masiglang sabi niya kay Yuan.

The Gifted Cursed | COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon