Yuan's POV
"M-Marina, pahingi naman a-ako ng tubig." Halos pabulong na sabi ko kay Marina nang magising ako.
Ramdam ko pa ang panghihina ng katawan ko at medyo nahihilo at nauuhaw ako.
"Omaygash, Yuan! Gising ka na! Sandali at ikukuha kita ng maiinom." Sabi ni Marina tsaka agad agad na lumabas ng kwarto.
Siya lang yung nandito sa silid kaya sakaniya na lang rin ako nakisuyo para kumuha ng tubig. Kung kaya ko naman ay ako nalang sana ang kukuha kaso lang ay medyo nanghihina pa ko.
Hapon na pala.
Biglang pumasok sa silid si Primo at agad na lumapit sakin.
"Ayos ka na ba, Yuan?" Alalang tanong niya sakin.
Ito na naman, naiilang na naman ako na ewan sa mga titig niya.
Iniiwas ko nalang yung paningin ko bago ako sumagot sakaniya.
"A-ayos lang ako Primo. Salamat! Hehe!" Nahihiya kong sabi.
"Nag alala ako sayo. Akala ko kung napano ka na." Halos pabulong at tila nahihiya niyang sabi.
Napatingin ako sakaniya dahil sa gulat at nakita ko siyang nakayuko.
Nag alala daw siya sakin?!
May iba na naman akong naramdaman sa dibdib ko.
Tama, nag aalala lang siya sakin dahil magkaibigan kami.
Tama, ayun nga.
Kapatid na rin ang turing niya samin kaya siguro nag aalala siya.
Wala lang yun, Yuan! Hindi yun dapat big deal sayo, ano ka ba!
"Salamat din pala sa pagligtas mo kay Luna. Kung wala ka baka napano na siya." Pahabol niya pa.
"Ay sus! Wala yun, ano ka ba! Hehe!"
Naputol nalang ang pag uusap namin nang pumasok muli si Marina sa silid dala ang isang baso ng tubig.
"Oh, Yuan tubig mo." Abot niya sakin ng baso.
Agad ko din namang ininom 'yon at naibsan ang uhaw na nararamdaman ko.
Kailangan ko 'to para naman tumigil sa pagtibok ng mabilis yung dibdib ko.
Bago pa sila magsalita ay inunahan ko na.
"Ano bang nangyari? Bakit nakatulog na naman ako?" Tanong ko sakanila.
"Ikaw kamo ang dapat kong tanungin ng kung anong nangyari. Pano mo napatay ng ganun yung crawler na yun? Pagkatapos mo kasing mapatay yun ay tsaka ka nawalan ng malay." Pag uusisa sakin ni Marina.
Napaisip ako at inalala ang mga nangyari. Naalala ko yung crawler na pasugod kay Luna. Nakaramdam nalang ako bigla ng init gaya nung nangyari sa La Cierda.
"Hindi ko alam kung pano ko yun nagawa. Basta nakaramdam nalang ako ng init sa katawan ko pero hindi ako napapaso at kusa nalang nangyayari yun kapag kinukumpas ko yung kamay ko kagaya nung nangyari noong iniligtas kita." Paliwanag ko sakanila.
"Baka yun na yung cursed mo, Yuan?" Sabat naman ni Primo.
"Oo nga, sabi ko sayo e. Baka di lang talaga yun aksidente at yun talaga ang cursed mo! Tara itry natin sa labas!" Masayang sabi naman ni Marina sabay hila sakin palabas ng bahay.
Sumunod naman si Primo. Nadatnan pa namin si Luna sa sala na nag aayos at nagsasalansan ng mga damit sa isang bag.
Pagkalabas namin ay bahagya akong tinulak ni Marina.
BINABASA MO ANG
The Gifted Cursed | COMPLETED ✓
FantasyIsang nilalang na pinagkaitan ng nakaraan. Mga alaalang pinipilit na binabalikan. Kinagisnan ang mundong para sa mga kagaya niya'y kay hirap galawan. Pinagkaitan nga ba siya o siya'y hinahanda lamang ng tadhana para sa mas makabuluhan niyang hinaha...