A/N
Dedicated to secrIthERO thank you sa pagsubaybay sa story na 'to! :')Nakakatuwa po yung mga comments niyo sa previous chapter! Thank you po! Hihi!
•••
Yuan's POV
"A-aray!" Bulong ko sa sarili ko habang tumatayo mula sa pagkakabagsak sa sahig ng Battle Dome.
Agad namang lumapit sa pwesto ko si Marco para tulungan ako.
"Master, ayos ka lang ba? Kanina ka pa wala sa sarili at tulala. May bumabagabag ba sa iyo?" Sunod sunod niyang tanong pagkatayo ko.
Natamaan pala ako nung halimaw na kinakalaban ko at bumagsak sa sahig.
Nag eensayo kasi kaming dalawa dito sa Battle Dome at nilalabanan namin ang mga halimaw na sinummoned ni Guro.
"Ah, ayos lang ako Marco. Tara na't kanina pa tayo dito, baka kailangan nila ng tulong natin sa paghahanda ng hapunan." Sabi ko naman sa kaniya at tsaka nauna nang maglakad palabas ng silid.
Ano ba kasing nangyayari sakin? Magmula nung niyakad at sinabi ni Primo ang mga katagang yun sakin kaninang umaga ay hindi na ko mapakali.
Bigla nalang akong natutulala at naalala yung nangyari. Yung yakap niya mula sa likod ko, yung malumanay na pagsabi niya sakin na hindi siya galit...
'Hindi mo naman na kailangang humingi pa ng tawad dahil kahit kailan, hindi ko magagawang magalit sa'yo.' -- teka!! Ito na naman ako!
Bigla ko nalang naramdamang may nabangga akong matigas na bagay at pagkatingin ko doon ay pader pala.
"Master, nandito ang pinto palabas. Sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka namang mag kwento sa akin kung may pinagdadaanan ka." Alalang sabi ni Marco.
Naglakad naman ako papunta sa pinto na halos limang dipa pala ang layo sa akin.
"Hehe! Pasensya na, ayos lang talaga ako. Baka pagod lang 'to." Palusot ko naman sa kaniya at pakiramdam ko naman ay naniwala siya.
"O-okay, sabi mo e. Pero pag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako ha?" Tanong niya na tinanguan ko naman bilang sagot.
Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko, pati na rin yung kung ano mang kakaibang bagay 'tong nararamdaman ko sa loob ng sikmura ko. Di naman ako gutom, hindi rin naman gan'to ang pakiramdam ng sira ang tiyan.
At tsaka ang weird lang dahil nararamdaman ko lang yun kapag naiisip ko yung ginawa ni Primo o kahit na makita ko lang yung mukha niya sa isip ko.
Kaya halos buong araw ay halos umiwas rin ako sa kaniya. Ayos naman na kaming dalawa, hindi na konsensya ang nararamdaman ko kaya ako umiiwas, kundi ilang at hiya. Ewan! Naiilang ako kapag tinitignan niya ko tapos ngingiti pa bigla kaya nahihiya ako.
'argh! Primo, ano ba 'tong ginawa mo sakin!?'
Napansin kong nauna na palang umalis si Marco at wala na siya dito sa likod ko. Ganun na ba ako katagal nakatulala?
Kaya naman agad ko ring binilasan ang paglalakad pero sa kasamaang palad pagkaliko ko papunta sa silid kainan ay may nakabangga ako.
Ito na naman. Bigla na namang parang bumagal ang oras nang magtama ang aming mga mata. Oo, si Primo. Si Primo yung nakabangga ko at ngayon ay hawak hawak niya ako sa likod ko samatanlang ako naman ay nakahawak sa batok niya para hindi ako... mahulog.
BINABASA MO ANG
The Gifted Cursed | COMPLETED ✓
FantasyIsang nilalang na pinagkaitan ng nakaraan. Mga alaalang pinipilit na binabalikan. Kinagisnan ang mundong para sa mga kagaya niya'y kay hirap galawan. Pinagkaitan nga ba siya o siya'y hinahanda lamang ng tadhana para sa mas makabuluhan niyang hinaha...