Dedicated to: austeremaiden thank you bHie!!
•••
Yuan's POV
"Guro, aalis na po kami." Paalam namin kay Guro nang makalabas kami ng pinto ng bahay niya.
"Sige, mag iingat kayong lima ha? Bantayan niyo ang isa't isa sa paglalakbay." Bilin niya sa amin.
"Opo, makakaasa po kayo!" Nakangiting sagot ni Marina.
"At sana ay makahanap ka na ng kasagutan sa mga tanong mo, Yuan." Baling naman sakin ni Guro.
"Maraming salamat po!" Nakangiti ko ding sagot sakaniya.
Hindi na rin kami nagtagal pa at nagsimula na kaming maglakbay papunta sa Gubat ng Mantrynae kung saan matatagpuan ang mga Dryad.
Nabanggit din sa amin ni Guro na makikita ang gubat na iyon sa timog na bahagi ng kaharian ng Creia na hilagang-timog naman ng maliit na bayan ng Tresson.
At dahil mas malapit ang bayan ng Tresson sa bundok ng Ingradel ay doon namin napagpasyahang dumaan para mas mapabilis ang aming paglalakbay. Halos dalawang araw lang din naman daw aabutin ng paglalakbay namin kung sasakay at makikisabay kami sa mga kargong naglalaman ng mga produktong ilalakbay para iangkat sa ibang bayan na lulan ng mga kabayo.
Maaari rin naman kaming maglakad pero aabutin naman ng halos tatlo hangang apat na araw ang gagawin naming paglalakbay.
Mabuti nalang at saktong pagkababa namin sa paanan ng bundok ng Ingradel ay may papadaang kargo ng mga prutas at gulay. Galing siguro ito sa bayan ng La Cierda.
"Oh, mga hijo't hija! Kayo ba ay mga manlalakbay?" Nakangiting tanong sa amin ng lalaki na halos may edad na rin pagkahinto niya sa harapan namin dahil sinenyasan siya si Marco.
"Ah, opo. Maari po ba kaming makisabay sa inyo? Papunta po, kasi kami sa bayan ng Tresson." Magalang na tanong ko.
Hindi namin maaaring sabihin na sa Gubat ng Mantrynae kami tutungo dahil magtataka ang mga makakaalam.
"Sa bayan ng Tresson ba kamo? Alam niyo bang delikado roon mga bata?" Tanong niya sa amin.
"Bakit? Ano po bang meron sa bayang iyon?" Tanong ni Primo sa kaniya.
"Kilala ang bayan na yon na pugad ng mga rebeldeng communis, sigurado ba kayong tutuloy kayo roon?" Tanong niya ulit sa amin.
"Opo, sigurado po kami." Sagot ko sa kaniya.
"Oh, siya! Sige na, sumakay nalang kayo sa loob ng kargo. May espasyo pa naman diyan na kasya kayo." Sabi niya kaya agad kaming umangkas at nagpasalamat sa kaniya tsaka siya nagpatuloy sa pagpapatakbo sa dalawang kabayo na humihila sa kargo.
Sakto lang ang laki ng kargo na ito. May mga basket ng gulay at prutas nga sa loob at sobrang bango ng mga ito. May bubong rin ang kargo na gawa sa tela at may parang kurtina rin sa bandang likod kung saan kami pumasok kanina. Kita rin naman ang pwesto nung lalaki dito sa loob dahil walang takip ang pwesto niya kung saan siya naka upo.
"Ako nga pala si Alfonso, pwede niyo kong tawaging Tandang Alf. Isa akong mag sasaka sa bayan ng La Cierda." Pagpapakilala sa amin ni Tandang Alf.
"Ah, ako po si Marina, tapos ang mga kasama ko naman po ay sina Yuan, Luna, Marco at Primo." Pagpapakilala naman ni Marina sa amin.
"Nakakatuwa kayong tignan. Pero hindi ba napakababata niyo pa para maglakbay? Pinayagan ba kayo ng inyong mga magulang?" Natatawang tanong niya sa amin.
BINABASA MO ANG
The Gifted Cursed | COMPLETED ✓
FantasyIsang nilalang na pinagkaitan ng nakaraan. Mga alaalang pinipilit na binabalikan. Kinagisnan ang mundong para sa mga kagaya niya'y kay hirap galawan. Pinagkaitan nga ba siya o siya'y hinahanda lamang ng tadhana para sa mas makabuluhan niyang hinaha...