Yuan's POV
---
"Hindi kita pababayaan. Diyan ka lang sa likod ko." alalang sabi sakin ng isang batang lalaki.
Hindi ko makita ng malinaw ang kaniyang mukha pero bakas sa boses niya ang takot at determinasyong maprotektahan ako.
"Hindi mo kami malalapitan!! Papatayin kita kapag sinaktan mo siya!" Sigaw ng batang lalaki sa isang halimaw na bigla nalang sumulpot sa harapan namin.
Umiiyak ako. Bakit? Anong meron? Bakit ako umiiyak?
Sumugod bigla yung halimaw samin at...
"AAAAAAARRRGGG!!!!"
---
Napabangon ako bigla mula sa pagkakatulog. Hingal na hingal ako na para bang may humahabol sakin. Ramdam ko rin ang pawis sa aking noo.
"Napanaginipan ko na naman." Bulong ko sa aking sarili.
Madalas kong napapanaginipan ang pangyayaring iyon ngunit hindi ko mawari kung bakit.
Bumangon nalang ako at lumabas ng aking silid. Nadatnan kong naghahain na ng agahan si Nay Amylia.
"Oh, Yuan. Magandang umaga! Gigisingin palang sana kita, sakto!" Masayang bati niya sakin.
"Magandang umaga din po Nay Amylia!" Sabi ko naman ng nakangiti.
"Sige na't maupo ka na at kumain. Mamaya ay magsasanay tayong muli, maliwanag ba?" Sabi niya sakin habang sinasalinan ng tubig ang baso ko.
"Opo."
Inumpisahan ko na ang pagkain ng agahan habang si Nay Amylia ay lumabas na ng bahay namin. Malamang ay inihahanda na niya yung mga gagamitin namin sa pagsasanay mamaya.
Nakatira kami ni Nay Amylia sa isang liblib at tagong kagubatan. Simula nagkaron ako ng isip at muwang sa mundo ay dito na kami nakatira. At ngayon ngang Labingpitong taong gulang na ko ay nandito pa rin kami.
Dito kami naninirahan, malayo sa mga tao, dahil pinoprotekhan lang daw ni Nay Amylia ang buhay namin laban sa mga tao. Oo, sa mga tao. Tinatawag silang mga Communis dito sa mundo namin dahil wala silang mga kapangyarihan. Oo sila, sapagkat kami ni nay Amylia ay hindi mga normal na tao. Kami ay mga Cursed. Ang mga cursed ay may kakaibang kakayahan na may koneksyon sa mihikang itim o kapangyahiran ng dilim. Iyan ang dahilan kung bakit kami pinandidirihan at kinasusuklaman ng mga communis. Marahil kami raw ay mga malas at nagdudulot lang ng masama sakanilang buhay. Ganiyan ang tingin nila sa mga cursed kahit na paminsan minsan ay inililigtas sila sa pag atake ng mga Crawlers.
Ang mga crawlers naman ang mga halimaw na nilalang. Wala pang nakapagsasabi kung saan sila nagmumula at madalas silang maghasik ng lagim sa kung saan man. Kalat na kalat ang mga nilalang na ito dito sa Armedeia. Ang mga Crawlers din ang dahilan kung bakit may mga cursed. Nagiging cursed lamang ang isang tao kung maliligtas siya sa bingit ng kamatayan dulot ng mga crawlers. Kahit kasi simpleng sugat lamang ang matamo ng isang normal na tao o communis galing sa isang crawler ay mamatay na agad ito at magiging abo. Ganiyan kalakas ang mga crawler kaya walang sino mang communis ang naglalakas loob na kalabanin sila.
Hindi lang mga cursed ang maaaring lumaban sa mga crawlers dahil kung merong mga taong isinumpa ay meron ding mga taong pinagpala... ang mga Gifted. Ang mga katulad nila ay hindi naman nalalayo ang pagkakatulad saming mga cursed, maliban nalang na sila ay tinitingala at ginagalang ng mga communis dahil ang kapangyarihan nila ay may koneksyon sa liwanag o mahika ng liwanag.
BINABASA MO ANG
The Gifted Cursed | COMPLETED ✓
FantasyIsang nilalang na pinagkaitan ng nakaraan. Mga alaalang pinipilit na binabalikan. Kinagisnan ang mundong para sa mga kagaya niya'y kay hirap galawan. Pinagkaitan nga ba siya o siya'y hinahanda lamang ng tadhana para sa mas makabuluhan niyang hinaha...