CHAPTER 27: UNVEIL

2.4K 187 15
                                    

YUAN'S POV

Ang liwanag... Nakakasilaw.

Nasan ako?

Nananaginip na naman ba ako?

Kinurot ko naman ang aking sarili upang malaman kung nananaginip ba ako ngunit hindi ako nasaktan.

So, nananaginip nga ako? Pero gusto ko nang gumising, paano ko naman gagawin yun?

"Yuan..."

Ayan na naman yung boses na lagi kong naririnig. Kung siguro'y ibang nilalang ang makakarinig n'on ay mangingilabot sila dahil sobrang lalim ng boses na iyon ngunit para sakin ay napakasarap sa aking pandinig.

Sinubukan kong ilibot ang paningin ko sa bawat sulok ng lugar kung nasaan ako ngunit purong puti lamang ang nakikita ko at walang ibang nilalang na narito.

Sinimulan ko ring maglakad, nagbabakasakaling may matagpuan o makita man lang akong nilalang na nandito. Ngunit wala.

"Ilang oras pa ba akong maglalakad dito!?" Tanong ko sa sarili ko ngunit kagaya ng mga katanungang meron ako sa aking pagkatao ay wala akong makukuhang sagot dahil mag isa lang ako dito.

"Ano pa nga bang bago? Kahit nga sarili kong pagkatao wala atang matinong ekplinasyon e." Natatawang wika ko sa aking sarili ngunit alam ko sa loob-loob ko na naawa ako sa sarili ko.

"Yuan..." Muling pagtawag sa akin ng misteryosong boses.

Inilibot kong muli sa paligid ang aking paningin ngunit wala pa rin akong makita.

Bakit kapag tinatawag niya ang pangalan ko ay parang kay lapit nila sa akin?

"Yuan..." Isa pang ulit niya.

Hindi na ko nakapagtimpi dahil naiinis na ko, kanina pa siya tawag nang tawag pero di naman nagpapakita!

"Kung hindi ka magpapakita, 'wag mo nalang akong tawagin! Nakakapikon lang!" Bulyaw ko sa kung sino man ang tumatawag sa akin.

Isang mahinang tawa naman ang narinig ko ngunit sa pagkakataong ito ay galing nalang sa iisang boses. Kung kanina kasi at noong mga nakaraan ay pinaghalong dalawang boses ang lagi kong naririnig ngunit ngayon, ang tawang narinig ko kani-kanina lang ay galing sa isang babae.

Ano bang nangyayari?

"S-sino ka! Magpakita ka nga!" Bulyaw kong muli.

Isang bungisngis muli ang aking narinig mula sa babae bago magkaroon ng sobrang tingkad na liwanag sa aking harapan kaya naman napatakip nalang ako ng mata dahil hindi ko nakayanan ang sobrang pagkasilaw.

Hindi ko pa man naibababa ang mga kamay kong nakatakip sa aking mukha ay nakaramdam ako ng isang kalabit mula sa kung sino man. Kaya agad-agad kong ibinaba ang kamay ko at tinignan kung sino ang kumalabit sa akin.

Nagulat na lamang ako sa aking nakita. Napaatras pa ako ng bahagya nang makita ko kung sino ang nilalang na kumalabit sa akin.

"Kumusta, Yuan?" Nakangiting wika nito sa akin.

Isang babae ang nasa harapan ko ngayon, ngunit alam kong hindi siya ordinaryong nilalang lamang. Meron siyang kulay puting buhok, maputi rin ang kutis niya. Meron rin siyang matutulis na tenga. Nakasuot rin siya ng kulay puting kasuotan na mayroong mga gintong palamuti na bumagay sa kagandahan niya at may hawak rin siyang isang tungkod na merong kulay pulang diyamante sa itaas. Ngunit ang umagaw sa aking pansin ay ang kulay dilaw niya mga mata, hindi kagaya ng mata ko na kulay ginto rin, ang sa kaniya ay literal na kulay dilaw ang buong mata niya at bahagya pa itong lumiliwanag.

The Gifted Cursed | COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon