A/N: Kiligin kayo, please?---
Yuan's POV
"Nakakainis! Andito na naman siya!?" Reklamo ni Marina.
Biglang nagliyab ng napakalakas ang puting apoy sa harap namin. Hindi siya nakakatakot tignan, ni hindi rin ako makaramdam ng init o kahit na ano mang panganib galing dito. Napakaganda!
"Yuan!" Biglang hila sa akin ni Primo dahil akmang hahawakan ko na sana yung apoy.
"Ano bang ginagawa mo? Gusto mo bang matusta?" Pag saway ngunit may halong pag aalala sa boses niya.
"P-pasensya na." Paghingi ko ng tawad at tsaka muling humarap sa may apoy.
"Mag iingat kayo." Seryosong paalala ni Marco.
Magsasalita na sana ako nang may isang boses ng isang lalaki ang biglang nagsalita sa likod ng puting apoy.
"Kayo na naman? Luhod." Sabi ng boses.
Nakita ko pang biglang nahirapan at tila ba may nilalabanang kung anong pwersa ang mga kaibigan ko at bigla nalang silang nagsiluhod sa lupa.
"A-anong nangyayari sainyo?!" Alalang sabi ko tsaka lumapit sa kanila.
"Ma..Master! Mag...iingat ka...sa kaniya...naalala ko na kung.. sino siya..." Nahihirapang sabi ni Marco sakin.
Akmang lalapitan ko na siya nang biglang mawala ang apoy sa harap namin kasabay ng paglitaw ng imahe ng isang lalaking nakasuot ng puting baluti na may mga gintong linya.
Pagkawala ng apoy ay lalapit na sana siya nang tumayo ako at umaktong lalabanan siya.
Nakita ko pa ang pagkagulat sa mga mata niya marahil ay hindi ako tinablan ng kung anong kapangyarihan niya.
"Sino ka? Anong kailangan mo samin?" Tanong ko sakaniya pero tinitignan niya lang ako at tila ba sinusuri ako.
"Ma...Master, siya... Ang...Prinsepe ng... Creia. Siya si Prinsipe Khalil... Isa siya sa pinakamalakas na Gifted sa buong... Armedeia. Kaya niyang kontrolin ang banal na... Apoy pati na.. rin ang magpasunod ng mga nilalang sa nais niya." Biglang sabi ni Marco sa likuran ko.
Prinsipe Khalil?
Prinsepe siya ng Creia? Yun ang pinakasentrong syudad dito sa Armedeia. Doon naninirahan ang reyna at ang hari. So, may anak pala sila? At iyon ay nasa harapan ko ngayon?
Lumapit pa ng bahagya ang Prinsipe sa pwesto namin nang dumako ang paningin ko sa mga mata niya.
Pamilyar iyon at para bang nakita ko na ang mga iyon kung saan.
Bigla siyang nagpakawala ng pwersa ng puting apoy papunta sa amin kaya naman nag cast ako agad ng spell para maprotektahan kami.
"prostateftikó frágma!"
Nakatingin lang siya sa akin na para bang hindi pa rin siya tapos sa pag usisa sa pagkatao ko.
Ano bang meron sa Prinsipeng 'to?
Aatake na naman siya sa amin nang maramdaman ko na naman ang kakaibang init sa katawan ko.
Awtomatikong naitaas ko ang dalawang mga kamay ko sa pagitan naming dalawa ni Prinsipe Khalil at laking gulat ko nang lumabas ang malalaking ugat mula sa lupa na naging harang at proteksyon namin sa atake niya.
Napatingin akong bigla sa mga kamay ko.
Ano na naman ba 'tong nagawa ko?
Habang hindi pa gumagawa ang prinsipe ng susunod niyang pag atake ay agad kong pinuntahan ang ang mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
The Gifted Cursed | COMPLETED ✓
FantasyIsang nilalang na pinagkaitan ng nakaraan. Mga alaalang pinipilit na binabalikan. Kinagisnan ang mundong para sa mga kagaya niya'y kay hirap galawan. Pinagkaitan nga ba siya o siya'y hinahanda lamang ng tadhana para sa mas makabuluhan niyang hinaha...