CHAPTER 11: CLOSER

2.7K 210 18
                                    

Yuan's POV

"Maganda umaga, kuya Yuan!" Masayang bungad sakin ni Luna pagkalabas ko ng kwarto.

"Magandang umaga rin, Luna!" Nakangiti ko ding bati sa kaniya habang umuunat-unat ng bahagya.

"Oh, gising ka na pala Yuan. Tamang-tama at kakatapos lang magluto ni Marina ng agahan." Narinig kong sabi ni Primo na nginitian ko nalang at tsaka umupo sa upuan.

Umupo na rin sa Primo sa katabi kong upuan pati na rin si Luna na may dalang isang pitsel ng tubig.

Maya-maya pa'y dumating na si Marina dala-dala ang agahang niluto niya.

"Pasensiya na po sa paghihintay mga master!" Pilosopong banat niya at tsaka inilapag sa lamesa ang niluto niya.

Tinawanan nalang namin siya.

"Ah nga pala Yuan, turuan mo ako ulit mamaya nung laser spell. Medyo nakukuha ko na yung mga sinasabi mo." Biglang sabi sakin ni Primo.

Napatingin nalang ako sakaniya at napangiti.

"Oo naman! Mamaya pagtapos nating mag agahan ay tuturuan agad kita!" Masaya kong pag sang ayon sa nais niya at tsaka kami nagsimulang kumain.

Halos tatlong araw na rin kami nananatili dito kila Primo at pagkatapos nga nung araw na nagkwento si Primo tungkol sa buhay niya ay kinabukasan hiniling niyang turuan ko siya ng spell na alam ko.

Eh bukod sa protection spell ay laser spell lang ang kaya at perpekto kong nagagawa. Kaya napagdisisyunan ko nalang na yung laser spell nalang ang ituro ko sakaniya.

Isang basic spell lang naman kasi yung laser spell, kumbaga lahat ng cursed at gifted ay kayang gawin yun. Pero syempre hindi yun basta basta natututunan, ako nga e ang tagal bago ko yun naperketo. Malakas din kasi yun sa pagbawas ng enerhiya.

Sa loob din ng tatlong araw ay napapansin kong nagiging malapit kaming apat sa isa't isa.

Nandiyan yung nasasagot na sila ni Marina ng pabalang kagaya ng ginagawa niya sakin, si Luna na laging nakadikit sakin at nagpapakwento ng mga kwentong pambata na alam ko at pati na rin yung pakikisalamuha samin ni Primo na para bang nakakatanda namin siyang kapatid.

"Alam mo nagseselos na ko sa'yo." Biglang sabi ni Primo habang naglalakad kami sa malawak na patag sa harap ng bahay nila para magsanay.

"Ha? Bakit naman?" Taka kong tanong.

"De biro lang ano ka ba, natutuwa lang ako kasi napapansin ko na napapalapit sa'yo si Luna. Nakakatuwa kayong tignan na dalawa. Ngayon lang din kasi siya nakisalamuha sa ibang tao at ngayon ko lang din siya nakitang ganun kasaya kapag kinukwentuhan mo siya." Mahabang kwento ni Primo habang nakatingin sakin.

Huminto naman ako sa paglalakad dahil nandito na kami sa pwesto namin kapag nagsasanay.

"Wala yun, at tsaka pakiramdam ko nga ay nakababatang kapatid ko na rin si Luna. Masaya akong makita masaya siya sa mga kinukwento ko sakaniya." Nakangiti kong sabi sakaniya tsaka umiwas ng tingin.

Naiilang ako na ewan kapag tinititigan niya ko. Ano bang nangyayari sakin? Pag kay Marina naman nakikipaglaban pa ko ng titigan.

Pumwesto na kaming dalawa ni Primo sa harap ng mga target na inayos ko kahapon. Kagaya ng ginagawang pagsasanay sakin ni Nay Amylia ang pinagawa ko kay Primo. Wala naman akong ibang alam na paraan dahil sa ganoong paraan lang din naman ako natuto.

"Kagaya ng sinabi ko kahapon at noong isang araw ang laser spell ay isa lang sa napakaraming basic spell na kaya nating matutunan." Pagsisimula ko.

The Gifted Cursed | COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon