CHAPTER 23: GLIMPSE OF TRUTH

2K 192 6
                                    

Yuan's POV

Nasan ako? Bakit ang dilim sa lugar na ito?

Nananagip na naman ba ako?

Marahan kong kinurot ang sarili ko para malaman kung nananagip na naman ba ako o hindi.

"A-aray!"

Ngunit nakaramdam ako ng sakit. Kung ganon ay hindi ako tulog at nananaginip. Pero nasan ako? At nasan ang mga kasama ko?

"Primo! Marina! Mga kasama! Nasan kayo!?" Pagtawag ko sa mga kasama ko, ngunit wala ni isa sa mga boses nila ang sumagot sa akin.

Ang natatandaan ko lang ay lumiwanag ng sobrang lakas ang usang tinulungan ko pagkatapos mawala ng liwanag ay nandito na ako sa madilim na lugar na ito.

Lumingon lingon pa ako sa paligid. Madilim ang lugar ngunit nakikita ko ang paligid. Walang kahit anong bagay ang nandito maliban sa isang itim na salamin.

"Salamin? Anong ginagawa ng isang salamin dito?" Tanong ko sa sarili ko habang inuusisa ang mga simbolong nakaukit sa paligid ng salamin sa harap ko.

Tinignan ko naman ang repleksyon ko dito at nakita ko pang medyo magulo na ang buhok at medyo madumi na rin ang suot ko.

Habang nag aayos ng sarili sa harap ng salamin ay nagulat nalang ako ng makita ko ang sarili kong repleksyon na ngumiti ng nakakatakot.

Dahil sa gulat ay napaatras ako ngunit nagtaka ako sapagkat hindi iyon ginaya ng repleksyon ko sa salamin at patuloy lang sa pag ngiti ng nakakatakot.

"A-anong kalokohan na naman ba ito?" Bulong ko sa aking sarili.

Itinaas at itinutok sa akin ng repleksyon ko sa salamin ang isang kamay nito at umaktong may itinulak. Laking gulat ko nang tumalsik ako ng pagkalayo-layo hanggang sa tumama ako sa isang puno.

Puno? Bakit nagkaroon ng puno dito?

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, puro puno. Ang kaninang walang mga bagay na paligid ay napalitan at naging isang mapunong lugar. Ang hindi lang nagbago ay ang taglay na kadiliman ng paligid.

Bumangon ako mula sa pagkakasalampak sa lupa nang makakita ako ng pares ng mga paa sa aking harapan. 

Tatalon na sana ako palayo pero nagawa pa rin niya akong hawakan at sakalin sa aking leeg.

Siya. Siya ang repleksyon ko na nakita ko sa salamin kanina. Pero bakit nasa labas siya ng salamin? Paanong nangyayari to!?

Suot pa rin ang isang nakakatakot na ngiti ay patuloy pa rin siya sa pagsakal sa akin.

Humihigpit nang humihigpit ang pagkakasakal niya sa akin na halos hindi ko na rin madama ang sahig dahil naitaas niya ako gamit ang isang kamay.

Napakalakas niya.

"Arrgh! B-bi..ta..wan.. mo ko!" Nahihirapan kong sabi sa kaniya ngunit mas lalo lamang lumawak ang ngiti sa kaniyang mukha.

Nakakatakot siya, hindi ako yan! Halimaw ang isang 'to!

Para makawala ay sinubukan kong gamitin ang isa sa mga kapangyarihang napalabas ko.

Tagumpay kong naramdaman na nakontrol ko ang mga ugat ng puno sa ilalim ng lupa at inihampas ko iyon sa tagiliran ng nilalang na sumasakal sa akin.

Nabitawan niya ako at napaupo ako sa sahig habang bumabawi ng paghinga. Habang ang nilalang naman na natamaan ng ugat ko ay tumilapon palayo sa akin.

Tumayong muli ang nilalang kasabay din ng pagtayo ko. Nawala ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ng isang masamang titig.

"S-sino ka!? Sumagot ka!" Sigaw kong tanong sa kaniya.

The Gifted Cursed | COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon