A/N:
Buckle up and brace yourself everyone! ;'>
•••
Yuan's POV
"Yuan, handa ka na ba? Nasa labas na sila." Tanong ni Primo sa akin pagkapasok niya sa silid na tinuluyan namin.
Hindi na naman ako makatingin sa kaniya ng maayos dahil sa aminang nangyari sa amin kagabi.
"A-ah, oo! Handa na a-ako! Tara na." Sabi ko sabay lakad na palabas ng pinto pero bigla niyang hinawakan ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Yuan, ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya sakin.
Nanatili pa rin akong nakatalikod sa kaniya bago sumagot.
"Ah, oo naman. Ayos na ayos ako. Tara na?" Sagot ko naman habang marahang hinihila ang braso ko sa pagkakahawak niya.
"Tumingin ka nga sakin." Utos niya.
Pero nagmatigas ako at nanatili pa rin ako sa pwesto ko. E sa nahihiya nga ako sa kaniya!
"Pag di ka tumingin sa akin hahalikan kita." Pagbabanta niya.
Kaya naman agad akong lumingon sa kaniya at nakita ang isang ngisi sa labi niya.
Tsk! Nang aasar na naman 'tong loko na 'to!
"A-ano ba kasi yon?" Tanong ko sa kaniya.
"Umiiwas ka ba sakin, Yuan?" Tanong din niyang pabalik sa akin.
"Ha? H-hindi no! Bakit naman ako iiwas sayo!?"
"Wag ka na nga magkaila, kilala na kita Yuan. Alam ko kung umiiwas ka o hindi." Wika naman niya pabalik sa akin.
"Eh, ano? Hindi nga ako umiiwas sayo. Baka guni-guni mo lang yon!" Pagpapalusot ko pa.
"Wag ako, Yuan. Kung dahil 'to sa nangyari kagabi ay wag mo nang isipin yun dahil pareho naman nating gusto yon." Sabi ni Primo pero sasagot na sana ako nang may magsalita sa likuran ko.
"May nangyari sa inyo?" tanong ni Marco sa likuran ko.
Napatingin naman ako sa kaniya at agad na hinila ang kamay ko sa pagkakahawak ni Primo.
"Ah, Marco wala yun. Mali ka nang iniisip, ang tinutukoy ni Primo ay yung nangyaring pagligtas natin kay Anghelo." Pagkumbinsi ko pa sa kaniya.
Baka kasi kung anong iniisip nito sa narinig niya, mahirap na.
Pero mukhang hindi siya naniwala sa sinabi ko.
"Andito nga pala ako kasi aalis na tayo at kayo nalang ang kulang. Pasensiya na at mukhang nakaistorbo pa ko sa inyong dalawa, MASTER." Sagot niya pa ng may diin sabay talikod at naglakad palabas ng panuluyan.
Anong nangyari dun?
"Tara na, Yuan. Wag mo nalang isipin yun. Wag ka na rin sanang mailang at umiwas sa akin." Sabi ni Primo at tsaka kami lumabas ng bahay panuluyan ni Margo.
Paglabas namin ay nadatnan namin doon ang mga kasama namin pati na rin ang mag inang si Margo at Anghelo.
"Aalis na ba talaga kayong lima? Hindi ba muna kayo magtatagal?" Tanong ni Margo.
"Nako, hindi po e. Kailangan naming magmadali at makarating sa susunod na bayan." Sagot naman ni Marina.
"Saang bayan ba ang inyong pupuntahan?" Tanong ulit ni Margo.
BINABASA MO ANG
The Gifted Cursed | COMPLETED ✓
FantasyIsang nilalang na pinagkaitan ng nakaraan. Mga alaalang pinipilit na binabalikan. Kinagisnan ang mundong para sa mga kagaya niya'y kay hirap galawan. Pinagkaitan nga ba siya o siya'y hinahanda lamang ng tadhana para sa mas makabuluhan niyang hinaha...