CHAPTER 5: REGRESSIA

3K 233 7
                                    

Yuan's POV

"Teka-- Pano mo nalamang cursed ako!?" gulat kong tanong sakaniya.

Kasi kung titignan ako hindi mahahalata ng kung sino na isa akong cursed.

"Lah? Napaka mo! Syempre sino ba namang matinong tao ang makikipaglaban sa mga crawlers, aber!?" Bulyaw niya sakin.

"Eh ano malay mo ano isa akong Gifted." palusot ko. Mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon.

"Gifted mo mukha mo! Hindi ko nga nakitang gumamit ka ng light magic e!" sabi niya sabay irap na naman.

Dukutin ko kaya mata nento!?

"Okay, fine! Cursed nga ako. Ako nga pala si Yuan." Sabi ko sabay abot ng kamay ko sakaniya.

Hindi pala kami nakapag shakehands kanina.

"Ako naman si Marina!" Sabi niya sabay kuha ng kamay ko.

"Alam ko, sinabi mo na kanina diba?" naiinis komg sabi.

"Kaya nga!" Inosente niyang sabi pabalik.

Hays! May saltik nga siya.

Di na ko sumagot at naglakad na ulit. Hinabol naman niya ako agad at naglakad siya sa gilid ko.

"Hoy san ka pupunta?" Tanong niya sakin.

"Di ko alam." Sabi ko ng di nag iisip.

Totoo naman e! Di ko naman talaga alam kung san ako pupunta.

"Ngi? Meron bang ganon? Baliw ka ba?" Tanong niya.

Nagsalita ang hindi baliw.

"Hindi ko nga alam, okay? Siguro sa susunod na bayan malapit dito." Sabi ko nalang.

"Alam mo ba kung san ang daan papunta dun?" Tanong niya ulit.

Ang dami namang tanong nitong babaeng 'to!

Hindi ako makasagot. Eh sa hindi ko naman talaga alam e, bakit ba? Di pa ko nakakasagot nang magtanong siya ulit.

"Anong Certain Cursed mo?"

Bigla akong napatigil. At sa pang isang daang beses, hindi ko na naman alam ang isasagot ko.

"Hindi ko din alam." Mahina kong sabi.

"Teka nga, tumigil ka nga muna sa paglalakad. Ang bilis mo kayang maglakad ang laki pa ng mga hakbang mo!" Pagbigil niya sakin sa paglalakad.

Humarap ako sakaniya nang magsalita siya ulit.

"Okay ka lang ba? Kanina pa kita tinatanong tapos ang lagi mo lang sinasagot hindi mo alam? May pinagdadaanan ka ba?" Tuloy tuloy niyang sabi.

"Okay, ang totoo niyan hindi ko talaga alam kung san ako pupunta," paliwanag ko sakaniya.

Nilakihan naman niya ako ng mata na para bang nagsisinungaling ako sa sinasabi ko.

"Yun ang totoo, okay? Umalis ako samin kasi gusto kong maglakbay. Isa pa gusto ko ding matutunan kung bakit hindi pa lumalabas ang cursed ko---"

Di pa ko tapos magsalita nang sumabat na naman siya.

Napakadaldal naman nento!

"ANO!? HINDI PA LUMALABAS ANG CURSED MO?!" gulat niyang tanong.

"Oo nga! Uulitin ko pa ba?" Irita kong tanong.

"Hindi, pero alam mo bang bihira lang mangyari yung ganiyan? Kadalasan kasi ay lumalabas ang cursed ng isang tao pagkatapos ng metamorpo?" Tanong niya.

"Meta, ano? Ano yun?" Takang tanong ko.

"Ano ba yan, pati yun hindi mo alam? Metamorpo, yun yung nangyayaring proseso sa isang taong inatake ng isang crawler. Bale sa stage na yun magtatalo ang buhay at kamatayan ng isang taong infected. Sa madaling salita, sa prosesong yun magdidisiyon ang katawan mo kung tatanggapin ba niya ang sumpa ng crawler o hahayaan ka nalang mamatay." Mahabang paliwanag niya sakin.

Bakit hindi ko alam yun? Bigla nalang may pumasok na ideya sa isipan ko.

"Teka, ibig sabihin ay marami kang alam--"

"Syempre naman ako pa!" Proud niyang sabi.

"Tsaka alam mo kung pano makakalabas dito?" Patuloy ko sa tanong ko.

"Tumpak!" Nakapikit at nakacross arms niyang sabi habang nataas ang noo.

Ang lapad!

"Tapos alam mo din yung bayan na malapit dito!? Tama ba ko?" Excited kong tanong sakaniya. Nakahawak na ko sa mga braso niya at hindi maitago sa mukha ko ang saya.

"Teka nga, bitawan mo ko! Shoo shoo! Oo, alam ko yun lahat. Ang labasan sa lugar na ito pati na rin yung bayan malapit dito dahil dun ako nakatira!" Iritang sabi niya habang tinutulak ako palayo sakaniya.

"Kung ganon ay sasama ako sayo!" Masayang sabi ko.

Nagulat siya sa sinabi ko at ang tanging nasabi nalang niya ay...

"ANO!???"

---

Naglalakad na kami ngayon sa daan papunta sa labasan ng gubat na ito. Wala na siyang nagawa sa pangungulit ko at hinayaan nalang niya akong sumama sa bayang malapit dito kung saan siya nakatira.

Napag alaman kong nasa gubat pala kami ng Regressia. Isa itong gubat kung saan pinamamahayan ng mga ligaw na crawlers. Sinabi rin niya sakin na halos lahat ng communis o kahit pa gifted at cursed ang pumasok doon ay hindi na makakalabas pa ng buhay dahil sa malalakas na uri ng Crawlers ang nakatira dito.

Mabuti na nga lang daw at mahihinang uri ng crawlers yung nakatapat namin kanina. Mahina pa yun ah? Pano pa kaya kung yung malalakas talaga yung nakasagupa namin.

Sinabi rin niya na kaya siya naroon ay may hinahanap siyang uri ng halamang gamot na dito lamang sa loob ng Regressia matatagpuan. Sa kasamaang palad ay hindi niya daw iyon nahanap dahil bibihira lang talaga ang ganoong uri ng halaman.

"Hoy bilisan mo nga! Ang kupad mong maglakad ha!?" Inis niyang sabi sabay irap na naman sakin.

May saltik talaga, kanina ang saya saya niya ngayon ang taray taray.

"Opo, ito na nga po bibilisan na" sabi ko sabay habol sakaniya sa tabi niya.

"Bakit ba ang taray mo?" Tanong ko bigla sakaniya.

"Wala ka na dun, okay? Hindi mo kasi maiintindihan dahil hindi mo naman alam na malaking kabawasan sa kita ko ang nawala dahil di ko nahanap yung halaman na yun. Ang laki pa naman sana ng bayad para dun. Huhu!" Sabi niya na umaarteng umiiyak.

Kita mo?  Wala daw pero sinabi din sakin.

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko.

"Malapit na, kita mo yung puno doon?" Tanong niya sakin.

Tumango naman ako habang nakatingin sa puno na tinuturo niya.

"Hindi yun yung labasan." Walang buhay niya sagot. Aba!?

"Pero yung arko sa bandang yun, yun na ang labasan." Sabi niya sabay turo sa malaking arko na nababalutan ng mga halaman sa di kalayuan.

Di nalang ako nagsalita pa at baka kung ano lang ang masabi ko sa babaeng baliw na 'to at sinabayan nalang siya sa paglalakad papunta sa arko.

Di nagtagal ay narating na naman ang arko.

"Andito na tayo" walang gana niyang sabi.

Wala akong ibang masabi sa nakita ko.

Ang ganda!

The Gifted Cursed | COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon