CHAPTER 26: THE LONG LOST PRINCE

2.2K 188 11
                                    

Primo's POV

"Inaasahan ko na ang iyong pagdating. Magbigay pugay sa maalamat na Seer ng buong Armedeia. Maligayang pagbabalik sa kaharian ng mga Dryad, Amylia." Pagpapakilala ni Reyna Aleeiah sa nilalang na tumulong sa aming labanan si Magnus.

Amylia? Parang narinig ko na ang pangalan niya ngunit hindi ko lang matandaan. Alam kong narinig ko na yun, e. Pero hindi ko alam kung saan at kailan.

At ang isa pa sa ikinagulat ko ay isa siyang Gifted. Gifted na may kakayahang makita ang hinaharap pati na rin ang makakita ng isang propesiya.

Napakagandang kapangyarihan!

"Maraming salamat, Aleeiah. Pero hindi na kailangan pang bigyan ako ng pagpupugay. Alam mo namang isa lang ang pakay ko kaya ako naparito." Wika ni Amylia kay Reyna Aleeiah.

Matanda man kung siya'y tignan ay hindi pa rin maipagkakailang tiyak na maganda siya noong kabataan niya. Maganda pa rin naman siyang tignan ngayon, para siyang reyna kung tutuusin.

"Hindi mo na iyon maalis sa amin, Amylia. Lubos kang iginagalang dito sa Armedeia dahil isa ka sa makapangyarihang miyembro ng mahar--" ngunit hindi na pinatapos pa ni Amylia ang sinasabi ng Reyna.

Base sa naririnig ko ngayon ay parang mas mataas pa ang posisyon ni Amylia kumpara kay Reyna Aleeiah kaya ganito sila mag usap.

Silang dalawa lamang ang nag uusap sa oras na ito, samantalang kaming mga nakikinig sa usapan nila ay tahimik lang na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Maaari ko ba siyang makita?" Tanong ni Amylia.

"Teka po, si Yuan po ba ang tinutukoy niyo? Mahal na reyna, mawalang galang na po pero ang sabi niyo ay may mga nais kumuha sa kaniya. Tinulungan man niya tayo pero hindi po tayo pwedeng magtiwala nang basta basta." Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumabat.

Bastos na kung bastos pero humingi naman ako ng permiso.

"Primo, ano ba? Huy! " Pagsaway sa akin ni Marco sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin.

Nabaling naman ang tingin sa akin ni Amylia at ni Reyna Aleeiah.

"Sila ba ang mga naging kaibigan niya?" Mahinahong tanong ni Amylia na nakatingin sa amin pero alam kong para kay reyna Aleeiah ang katanungang iyon.

"Oo, Amylia. Halika at ihahatid kita sa kaniya." Nakangiting sagot naman ng reyna.

Pero bago pa man sila makaalis ay humarap sa akin ang reyna ng may ngiti sa labi.

"Primo, 'wag kang mag alala sapagkat mas magiging ligtas ang kaibigan mo ngayong nandito na si Amylia. Kapanalig natin siya." Wika ng mahal na Reyna bago tuluyang umalis papasok ng palasyo.

Isang marahang tango nalang ang naisagot ko sa winika ng reyna, alam kong gayun din ang aking mga kasama.

Inutusan pa niyang magbantay sa paligid ng palasyo ang ibang Dryad at Golem upang mas maproteksyunan si Yuan, habang kaming magkakaibigan naman ay dumiretso sa aming silid.

"Alam niyo ba, parang narinig ko na kung saan ang pangalan nung Amylia na yun?" Pagbasag ni Marina sa katahimikang bumabalot sa silid namin.

Wala kasing may balak magsalita dala na rin siguro ng pagod o pati na rin sa biglang pagsugod ng isang Cursed dito sa kaharian ng mga Dryad. Idagdag mo pa ang pagdating ng Gifted na yun.

"Ako din, kanina ko pa nga iniisip kung saan o kanino ko yun narinig e." Pag sang-ayon ko naman kay Marina.

"Ack!!! Meant to be talaga tayo Papa P! Pareho tayo ng inisiip, konektado na ang mga isipan natin, puso nalang kulang hihi!" Maligalig na wika ni Marina.

The Gifted Cursed | COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon