Yuan's POV
Nakatayo ako ngayon sa isang madilim na lugar. Napakadilim at ang tanging nagbibigay lang ng liwanag sa paligid ay ang nag iisang poste ng ilaw sa ibabaw ko.
"Nasan ba ko?" bulong ko sa sarili ko.
Kung saan saan na ko lumilingon ngunit wala akong makitang kahit na ano o sino sa paligid dahil sa dilim.
Napalingon ako sa lahat ng sulok ng biglang may magsalita.
"Ihanda mo ang sarili mo, Yuan." Sabi ng malamlam ngunit kalmadong boses.
Dalawang boses iyon na, isang boses ng lalaki at boses ng babae na pinagsama.
"Sino ka?! At anong ibig mong sabihin humanda ako!?" Sigaw ko habang lumilingot sa lahat ng direksyon.
"Ihanda mo ang sarili mo, kaunting panahon nalang." Sabi niya ulit na maririnig sa lahat ng direksyon sa paligid.
"Yuan!" Sigaw ng isa pang boses.
Si Marina 'yon!
Hindi ko siya makita!
"Yuan!"
"Yuan!"
---
"Yuan! Huy!"
Napabalikwas nalang ako sa hinihigaan ko.
Teka? Anong nangyari? Panaginip ba 'yon?
"Huy! Yuan! Anyare sayo?! Gaga ka! Kanina ka pa umuungol diyan! Binabangungot ka ba?!" Alalang sabi sakin ni Marina.
Napatingin ako sa paligid kung nasan kami. Puro puno at ang nagsisilbing ilaw lang namin ay ang nag aapoy na bungkos ng mga kahoy malapit sa amin.
Gabi pa rin pala at medyo malamig dahil sa simoy ng hangin.
Ano bang nangyari bago kami mapadpad dito? Ah, oo nga pala. Sinugod ng mga crawlers ang bayan ng La Cierda at kumalaban din kami ng mga crawlers.
"Teka, ayos na ba ang sugat mo Marina?" Alalang tanong ko sakaniya at hindi na nasagot pa ang tanong niya sakin kanina.
"Oo, ayos lang ako. Hello!? Mabilis kaya gumaling ang mga kagaya natin. Di mo ba yun alam?" Pagtataray na naman niya sakin tsaka umupo sa tapat ng apoy na nandon.
Oo nga pala, bukod kasi sa pagiging Cursed namin ay may kakayahan ding gumaling ang mga sugat at pinsalang matatamo namin. Nakadepende nalang ang bilis ng paggaling base sa kung gaano kalala ang pinsala. At base sa sitwasyon ni Marina ay gumaling na agad ang mga sugat niya tanda na hindi ganoon kalala ang natamo niya.
"Nasan ba tayo? Tsaka anong nangyari? Bakit nakatulog ako?" Tuloy tuloy kong tanong sakaniya.
"Pwede isa isa lang? Dami mong tanong e!" bulyaw niya sakin sabay umayos ng pagkakaupo.
"Okay ganito, nasa isang gubat tayo malayo layo ng kaunti sa La Cierda at huwag kang mag alala dahil ligtas ang lugar na ito sa mga crawlers. Kaya ka nakatulog diyan ay dahil nabigla ang katawan mo sa teleportation spell na ginawa ko. Kaya ayun, nakatulog ka. Huwag ka ding mag alala, may delikadesa pa ko. Di kita pinagsamantalahan." Mahabang paliwanag niya.
Lakas talaga ng saltik nentong babaeng 'to. Hays!
"Akala ko ba kay Ginoong Somali tayo pupunta?" Tanong ko sakaniya.
"Hindi ko kayang gumawa ng spell na direktang makapunta sa lugar niya. Tsaka tago iyon at protektado ng mahika niya. Tsaka isa pa, nanghihina kaya ako kanina kaya hanggang dito lang ang nagawa kong teleportation spell!" Paliwanag niyang muli.
BINABASA MO ANG
The Gifted Cursed | COMPLETED ✓
FantasyIsang nilalang na pinagkaitan ng nakaraan. Mga alaalang pinipilit na binabalikan. Kinagisnan ang mundong para sa mga kagaya niya'y kay hirap galawan. Pinagkaitan nga ba siya o siya'y hinahanda lamang ng tadhana para sa mas makabuluhan niyang hinaha...