Yuan's POV
"Bwisit!" sabi ko nalang bigla sa sarili ko ng mapagtanto ko na nacorner nila ako.
Di ko inaasahan ang gagawin nilang dalawa, wala na kong ibang magawa at maisip na plano para sabay silang talunin.
At sa di inaasahang pagkakataon, habang papalapit sakin ang dalawang crawlers na kalaban ko ay may isang nilalang ang biglang humila sakin kaya nagkaumpugan yung dalawang halimaw.
Natumba kami ng kung sino mang humila sakin sa lupa. Agad ko siya tinignan at sinuri.
Isang babae na kasing edaran ko lang din sa palagay ko. Bilog yung mukha niya tapos ang taba ng pisngi niya. Tapos kulot yung buhok niyang hanggang balikat niya ang haba.
"Alam kong maganda ako, pero may mga crawlers pa tayong dapat labanan. Mamaya mo na ko pagpantasyahan. Ayos lang naman sakin dahil pogi ka naman." pagputol niya sa pag iisip ko.
Agad naman kaming tumayo. Mas matangkad ako sakaniya.
"Sa-salamat sa pagligtas." bigla ko nalang nasabi.
"Mamaya ka na magpasalamat, okay? Di pa sila napupulbos." Sabi niya ng hindi tumitingin sakin.
"O-okay!" Nasabi ko nalang.
Tinuon ko nalang din ang atensyon ko sa dalawa pang crawlers na nasa harap namin.
Pasugod na sila ng biglang magsalita yung babae sa tabi ko.
"Takpan mo yung tenga mo!" Sabi niya.
"H-ha?! Bakit?" taka kong tanong.
"Basta takpan mo nalang ang dami mong tanong, dali!" sigaw niya sakin.
Agad ko namang tinakpan ang mga tenga ko. Tinignan ko lang kung anong sunod niyang gagawin.
Bigla nalang siyang nag ipon ng hangin na tila ba bumubuntong-hininga siya.
Maya-maya lang ay ibinuka niya ang kaniyang bibig sa direksyon ng mga crawlers at naglabas ito ng napakalas na ingay.
"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!!" sigaw niya.
Para siyang sumisigaw pero ang tining sa tenga. Kahit nakatakip ang mga kamay ko ay masakit pa rin sa tenga. Kaya diniinan ko ang pagtakip at lumayo sa kaniya ng bahagya.
Nakikita rin ng mga mata ko yung sound wave na nililikha niya. Ang angas at ang lakas!
Natapos ang pagsigaw niya o kung ano man yun kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa tenga ko.
Bigla siyang sumugod sa pwesto ng nakatumbang mga crawlers at inatake ang mga ito.
Itinutok niya ang kamay niya sa mga ito at bumigkas ng isang spell.
"ékrixi!"
Isa yung explosion spell.
Nakita ko pang unti-unting nagiging abo yung dalawang crawlers.
Napatingin din ako sa paligid, natumba pati yung ilan sa mga puno sa direksyon ng mga crawlers kanina.
"Ang galing m--" di ko pa natatapos ang sinasabi ko nang bigla siyang mukhang matutumba kaya agad ko siyang pinuntahan at inalalayan.
Nilagay ko yung kamay niya sa balikat ko.
"Sa-salamat. Tara na." Nanghihina niyang sabi.
"Ha? Di mo pa kaya. Alam kong nagamit mo yung buong lakas mo sa ginawa mo. Magpahinga muna tayo dito." Sabi ko sakaniya ng may halong pagtataka.
"Hindi tayo pwede mag stay dito, gaga ka! Dahil sa ginawa ko naka kuha tayo ng atensyon ng iba pang crawlers." Sabi niya sabay irap sakin.
Tama siya, dahil sa ginawa niya ay mas maraming crawlers ang maaaring pumunta sa kinaroroonan namin.
May saltik ata tong babaeng 'to bigla nalang mag tataray.
"Sige, sorry ha?" Pilosopo kong sabi sakaniya tsaka siya inalalayan paalis sa lugar na iyon.
---
Kanina pa kami naglalakad at kanina ko pa bitbit at inaalalayan 'tong babae na 'to. Nangangalay na yung balikat ko ang bigat niya!
Bigla nalang siyang parang may ibinulong na kung ano habang bitbit ko siya.
Pagkatapos noon ay bigla nalang gumaan yung pagkakaakbay niya sakin tsaka niya inalis yun sa balikat ko sabay tingin sakin.
"Okay na ko!" sabi niya nang masaya at mukhang bumalik na nga ang lakas niya.
Paano niya yun nagawa!?
"Hoy! Sabi ko okay na ko! Gandang-ganda ka na naman sakin!" Sabi niya nang di ako sumagot sa sinabi niya kanina tapos inirapan na naman ako.
May saltik nga 'tong babaeng 'to.
"Ambisyosa!" bulong ko nalang habang pinagpapatuloy ang paglalakad.
"Hoy! Anong sabi mo!?" gigil niyang sabi habang hinahabol ako sa paglalakad.
"Wala! Sabi ko ang bigat mo! Mabuti naman at okay ka na!" sabi ko sakaniya nang hindi tumitingin.
"Luh!? Ang sexy sexy ko kaya! Duh!" Pabalik niyang sabi sakin at nag cross arms pa.
Tumigil ako sa paglalakad para harapin siya. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Tinitigan ko siya sa mata habang naniningkit ang mga mata ko.
"H-hoy!! Anong ginagawa mo? Tinulungan na nga kita kanina tapos pagsasamantalahan mo lang ang pagkababae ko!?" OA niyang sabi habang lumalayo sa akin na nakatakip sa dibdib niya yung mga kamay niya.
"Pano mo nagawa yun?" Tanong ko sakaniya.
"A-ang alin!?" Ganun pa rin ang posisyon niya at bahagyang umatras.
"Yung bigla nalang bumalik ang lakas mo? Pano 'yon?"
"Bakit? Di mo ba yun alam? Isa yun sa mga basic spell ah? Baliw ka ba? Tigilan mo na nga yang pagtitig mo sakin, magpaalaam ka nalang papayagan naman kita!" Sigaw niya sakin tapos inirapan pa ko.
Tinigil ko na yung pagtitig sakaniya at napahinga ng malalim. Baka kung san pa mapunta 'tong mga pinagsasabi niya.
"Una sa lahat, salamat. Dahil tinulungan mo ko kanina. Pangalawa, wala akong balak na masama sayo dahil kung meron man kanina ko pa yun ginawa nung nanghihina ka." paliwanag ko sakaniya.
"Eh bakit mo ko tinignan ng ganon!?" Parang lugi pa siya ah?
"Tinitignan ko lang kung pwede ka bang pagkatiwalaan, baka kasi mamaya isa ka sa mga masasamang nilalang sa tabi tabi tsaka nagtaka lang naman ako kung pano bumalik agad ang lakas mo." sabi ko.
"Ang kapal naman ng mukha mo! Hoy lalaki, sa ganda kong 'to hindi maipagkakaila na mapagkakatiwalaan ako no!" Sabi niya nang nakapamewang.
"Oo na lang. Sino ka nga pala?" Walang buhay kong tanong sakaniya.
Bigla nalang niyang nilahad yung kamay niya sa harap ko para makipag shake hands.
"Ako si Marina! Isa rin akong cursed kagaya mo!" Pakilala niya sakin ng abot tenga ang ngiti at halos mawala na ang mata dahil sa pisngi niyang mataba.
BINABASA MO ANG
The Gifted Cursed | COMPLETED ✓
FantasyIsang nilalang na pinagkaitan ng nakaraan. Mga alaalang pinipilit na binabalikan. Kinagisnan ang mundong para sa mga kagaya niya'y kay hirap galawan. Pinagkaitan nga ba siya o siya'y hinahanda lamang ng tadhana para sa mas makabuluhan niyang hinaha...