CHAPTER 13: GINOONG SOMALI

2.5K 214 31
                                    

Primo's POV

"Maraming salamat sa pagligtas ng aking buhay. Ako si Marco, at simula sa araw na ito ay iaalay ko ang buhay ko para saiyo... Master!" sabi nung uwak na nagpakilalang Marco habang nakayuko sa harap ni Yuan.

Bigla naman itong tumayo at kinuha ang kanang kamay ni Yuan at tsaka ito hinalikan.

Nag pantig bigla yung tenga ko. Kaya agad kong hinila yung kamay ni Yuan palayo sa lalaking 'to!

Tinignan ako bigla ni Yuan na nagtataka.

"Ah, eh ano! Baka mamaya masama yang nilalang na nagpapanggap na mabait. Ayon, oo. Yun nga!" Palusot kong sabi sakaniya tsaka binitawan yung kamay niyang kanina ko pa pala hawak.

Ang lambot naman ng kamay niya.

Mabuti nalang at biglang nagsalita si Marina sa likuran namin kaya nawala na sa akin ang atensyon ng lahat.

"Aaack! Ako din, ako din koya!! Kiss mo din kamay ko! Hihi" maligalig na sabi ni Marina tsaka inilahad yung kamay niya kay Marco na tinignan lang ng huli.

Akala ko ba masakit ang puson niya? Bakit parang biglang nawala nung nakakita ng lalaki?

Hays!

"Huy, Marina! Para ka talagang baliw! Tumigil ka nga!" Suway sakaniya ni Yuan.

"Ang damot e, gusto sakaniya lahat!" Pabulong na sabi no Marina pero rinig naman namin.

Siniko naman siya ng mahina ni Yuan para manahimik tsaka itinuon ang atensyon sa lalaking nasa harap namin.

"Marco, tama ba? Anong sinasabi mong iaalay mo ang buhay mo sa akin? At tsaka bakit mula sa pagiging isang sugatang uwak ay naging tao ka?" Sunod sunod na tanong ni Yuan.

Tinignan ko naman si Marco.

Halos kasing tangkad lang din namin siya ni Yuan. Meron siyang berdeng buhok, berdeng mga mata at kayumangging kulay ng balat.

"Una sa lahat ay isa rin akong Cursed kagaya niyo, isa akong Shapeshifter. At kaya ko nasabing iaalay ko ang buhay ko para sa iyo ay dahil likas sa aming mga Shapeshifter na kapag may nilalang na nailigtas kami sa bingit ng kapahamakan at dahil wala naman kaming yaman na maaaring ipangbayad kaya buhay nalang namin ang iaalay namin bilang kabayaran. At kung hindi niyo lang naman naitatanong ay kapag sinabi kong "kaming" mga Shapeshifter, ibig sabihin noon ay marami kami. Isa ang uri ng mga Shapeshifter na pinaka karaniwang uri ng mga cursed sa buong Armedeia kagaya ng mga Banshee." Mahaba at madaldal niyang kwento sa amin.

"Eh bakit ka naman sugatan nung makita ka ni kuya Yuan?" Tanong naman ni Luna.

"Galing ako sa bayan ng Memphis, napadaan ako roon dahil isa akong manlalakbay. Nakita ako ng ilan sa mga hukbo ng sandatahan ng mga communis na nagbabantay doon. Wala naman akong balak na masama at napadaan lang ako doon. Hinabol nila ako at ninais na mahuli at ibilanggo. Pero habang tumatakas ako ay inaatake nila ako ng mga pana nila at napadpad ako dito sa bundok ng Ingradel. Kaya maraming salamat sa pagligtas ng aking buhay." Pagpapasalamat niya kay Yuan.

"Ah, ganun ba? Pero wala lang naman yung nagawa ko sa'yo. Ni hindi ko nga alam kung ako ba talaga yung nagligtas sayo. Di mo na kailangang ialay pa ang buhay mo para sakin. Baka nagkakamali ka lang at kusa kang gumaling. Hehe!" Pagtanggi ni Yuan.

"Hindi ako maaaring magkamali, ikaw ang gumamot sa akin dahil wala kaming kakayahang gamutin ang aming sarili. At batas ng kalikasan ang pag aalay ng buhay ng isang Shapeshifter sa nilalang na makakapagligtas sakaniya kahit na halimaw, hayop o kahit ano pang nilalang ito. Kaya hindi mo pwedeng bawiin iyon dahil buhay ko ang magiging kapalit." Paliwanag na naman ni Marco.

The Gifted Cursed | COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon