Yuan's POV
"Kaya ayun, noong nakita kita na tumatakbo ay sinundan kita agad." Sabi ni Marco pagkatapos niyang magkwento ng nangyari.
Naloko na talaga! Sana ayos lang sila Marina.
"Mabuti naman at nakaligtas ka, alam mo ba kung nasan sila?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo, Master. Mabuti nalang at bago ako nakatakas ay nandoon na kami sa mismong lugar ng paglalagyan sana sa amin" sagot naman niya.
"Ano pang hinihintay natin? Tara na at iligtas na natin sila." Sabi ko naman ulit.
Kaya naman nag palit siya agad ng anyo at naging isang kabayo.
Sumakay naman ako sakaniya. Mabuti nalang at nandito si Marco, mapapabilis ang pagpunta namin kung nasan sila Primo.
Maingat kaming pumunta papunta sa lugar na tinutukoy ni Marco para hindi kami makita o mahuli ng mga rumurondang mga kawal.
Mabuti naman at hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa harap ng isang malaking gusali na gawa sa mga bato nang ligtas.
Agad namang bumalik sa dati niyang anyo si Marco habang nakatago kami sa likod ng isang malaking puno.
Kung titignan ay medyo malayo ang gusaling ito sa sentro ng Memphis. Puro puno ang paligid nito at nakapatahimik ng lugar.
"Master, balita ko ang lugar daw na ito ay tinatawag nilang Dungeon. Diyan nila ikinukulong ang mga kriminal na nahuhuli nila pati na rin ang mga Cursed na nagtatangkang pumasok sa bayang ito." Biglang sabi ni Marco sa tabi ko.
"Kailangan nating magmadali. Alam mo ba kung paano natin sila maililigtas?" Alalang tanong ko sakaniya.
"Hindi ko alam, Master. Pero may naisip akong plano." Sabi niya sakin.
Hindi na siya nagsayang pa ng oras at sinabi sa akin ang planong naisip niya.
"Sige, mag iingat ka Marco." Paalala ko sakaniya na isang tango ang isinagot sa akin.
Agad din siyang nagpalit ng anyo at naging isang kulay itim at maliit na daga.
Tinungo ni Marco ang daan patungo sa pasukan ng Dungeon at nang makita ko siya sa normal niyang anyo ay agad akong maingat na lumapit sa kinaroroonan niya.
"Anong meron? Bakit parang walang mga kawal na nagbabantay sa paligid?" Bulong ko sakaniya.
"Hindi ko rin alam Master. Pero mas mabuti nang wala sila dito para mas mapadali ang pagligtas natin sa kanila." Sabi naman ni Marco.
Sinimulan na ulit namin ang pagpasok sa loob. Napakatahimik at tanging mga yabag lang ng mga paa namin ang maririnig.
Nakakapagtaka, bakit parang walang mga kawal sa paligid? At tsaka parang wala akong maramdamang panganib sa paligid?
Pero kahit na ganon ay hindi dapat kami magpakampante, kailangan pa rin naming mag ingat at maging alerto sa paligid.
Biglang tumigil si Marco malapit sa isang palikong pasilyo.
"Master, may nararamdaman ka bang papalapit sa atin? Naamoy ko sila." Sabi bigla ni Marco.
"H-ha? Oo! Meron ngang mga paparating!" Sabi ko kay Marco nang maramdaman ko din ang sinasabi niya.
Matalas ang pang amoy niya dahil sa pagiging Shapeshifter niya, samantalang sa akin naman ay ang aking pandama.
"Parang pamilyar yung mga amoy na yun." Bulong na sabi ni Marco.
Papalapit na sila sa amin at ano mang oras ay lalabas na sila sa pasilyo sa harap namin.
Onti nalang, andiyan na sila.
BINABASA MO ANG
The Gifted Cursed | COMPLETED ✓
FantasyIsang nilalang na pinagkaitan ng nakaraan. Mga alaalang pinipilit na binabalikan. Kinagisnan ang mundong para sa mga kagaya niya'y kay hirap galawan. Pinagkaitan nga ba siya o siya'y hinahanda lamang ng tadhana para sa mas makabuluhan niyang hinaha...