CHAPTER 21: ALAMAT NG ARAW AT BUWAN

2.3K 183 30
                                    

A/N:
Sana masarap mga ulam niyo!
Happy 1k+ reads mga ka-TGC! Lol.
Enjoy! :)

•••

Yuan's POV

"Yuan!!" Rinig ko pang sabi ni Marina pagkalapit sa akin.

Ito na naman yung sakit na naramdaman ko kagaya noong araw bago kami umalis sa bundok ng Ingradel.

Ano bang nangyayari? Sobrang nakakapamilit ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Nawalan ba ako ng malay? Bakit hindi ko maalala ang nangyari bago ko maramdaman ang sakit na 'to?

"ARGH!!" Wala akong ibang masabi kundi ang pag impit sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko rin magawang tumayo.

"Malapit na, Yuan. Malapit na."

Teka? Hindi naman ata ako nananagip, pero bakit naririnig ko ang mga boses ng nilalang sa panaginip ko?

"Primo, Marco! Buhatin niyo si Yuan doon sa tabi ng puno!" Narinig ko pang utos ni Marina sa mga kasama ko.

Naramdaman ko namang hinawakan ako nung dalawa pero bigla rin nila akong binitawan at sabay na umaray.

"Ano bang ginagawa niyong dalawa? Buhatin niyo na siya dali!" Utos ulit ni Marina.

"H-hindi ko siya mahawakan. Napakainit ng balat ni Master, nakakapaso!" Gulat na sabi ni Marco.

"Hindi ko rin siya mahawakan, pero hindi ako napasok kundi nakuryente ako. Napakalakas ng boltaheng naramdaman ko." Rinig ko namang wika ni Primo.

Ano daw? Mainit? Kuryente? Sa akin?! Pero bakit hindi ko naman nararamdaman!? Ang nararamdaman ko lang ngayon ay ang ibayong sakit na hindi ko mawari kung saan nanggagaling. Sana ay mawala na ito, hindi ko na kaya.

Hindi ko na muling naramdaman pa ang pagtatangka nilang pagbuhat sa sakin kasunod ng unti unting pagkawala ng sakit na nararamdaman ko.

Maya maya pa'y tumigil na ako sa pagdaing at marahang idinilat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang mga nag aalala nilang mga mukha.

"Kuya Yuan!"

"Master, ayos ka na ba!?"

"Yuan, mabuti naman at hindi ka na dumadaing sa sakit!"

"Gaga ka! Pinagalala mo na naman kami!"

Yan lang naman ang mga salitang bumungad sa akin galing sa kanila pagkadilat ko.

Inalalayan naman ako ni Marco para makaupo ng maayos.

"A-ano bang nangyari? I mean, bago ako mamilipit sa sakit, anong nangyari? Hindi ko kasi matandaan e. Tsaka yung Succubus, asan na?" Pagtatanong ko sakanila patungkol sa nangyari bago ako magpagulong-gulong sa sahig kanina dahil sa sobrang sakit.

"Wala ka ba talagang maalala, kuya Yuan?" Tanong ni Luna.

Umiling naman ako sakanila bilang sagot.

"Seryoso ka ba? Halos matakot na ako sa'yo dahil sa ginawa mo!" Wika ni Marina.

"Ha? Ginawa ko? E wala nga akong maalala na ginawa ko maliban sa magpagulong-gulong diyan sa damuhan dahil sa sakit."

"Omaygash! Seryoso?! Kasi kung di mo talaga maalala at kung nakita mo lang ang sarili mo kanina ay matatakot ka rin sa sarili mo mismo!" Nanlalaking mga matang sabi ni Marina sa akin.

Hindi ko siya maintindihan.

"Alam mo, ikuwento mo nalang kaya yung nangyari para malaman ko." Kunot noo ko namang sabi sa kaniya.

The Gifted Cursed | COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon