CHAPTER 25: ATTACKED

2.1K 175 17
                                    

Primo's POV

"prostateftikó frágma!" pagbigkas ni Marina ng isang spell at isang crawler ang sumugod sa akin ngunit dahil na rin sa ginawa ni Marina ay naprotektahan ako nito mula sa halimaw.

"S-salamat, Marina!" Wika ko sa kaniya.

"Papa P! Wag malalim ang iniisip pwede ba? Ang dami pa nating crawler na kakalabanin!" Bulyaw ni Marina sakin pabalik.

Wala naman na din akong nagawa kundi ang ituon ang atensyon ko sa mga halimaw na ngayon ay sumusugod sa kaharian ng mga Dryad.

Dalawang araw magmula noong nangyari ang huling metamorpo ni Yuan ay bigla nalang nagsisugod ang mga hukbo ng mga crawlers.

At alam namin kung ano at sino ang pakay ng mga halimaw na 'to, at iyon ay si Yuan. Ngunit sa loob ng nagdaang dalawang araw ay wala pa ring malay si Yuan hanggang ngayon, ang taong iniibig ko, at gagawin ko ang lahat para lang maipagtanggol at maprotektahan siya laban sa mga halimaw na 'to.

Mabuti na lamang at hindi lang kami ng mga kaibigan ko ang lumalaban sa mga crawlers na sumusugod dahil kasama naming lumalaban ang ang mga Golem at ang mga Dryad.

Dalawang crawlers ang papasugod sa akin kaya naman inihanda ko kaagad ang aking sarili.

Dahil na rin malapit nang magdapit-hapon ay medyo bumaba na ang sikat ng araw kaya nakakasiguro akong lumakas na ang cursed ko.

Agad kong itinaas ang aking dalawang kamay sa dalawang crawler na papasugod sakin at tagumpay ko namang naramdaman na hawak at kontrolado ko na ang mga anino nila. Marahan kong ikinukuyom ang aking mga kamay hanggang sa mamilipit sa sakit ang dalawang halimaw at maging abo.

"Primo!"  Tawag ng isang boses mula sa aking likuran.

"Oh, Marco! Bakit?" Tanong ko kay Marco pagkaharap ko sa kaniya.

"Tama na muna 'yan. Pumasok na muna tayo sa loob at magpahinga. Ang mga Golem at mga Dryad na muna ang bahala sa pagprotekta sa kaharian." Wika ni Marco.

"Sila Luna at Marina?" Tanong ko sa kaniya nang mapansin kong wala ang dalawa sa paligid.

"Nasa loob na sila. Halika na"

Kaya naman pumasok na agad kaming dalawa sa loob ng palasyo kasama ang ilang mga Dryad na pinalitan din ng iba pang mga Dryad na nakapagpahinga at nakaipon na ng lakas para makipaglabang muli.

Pero imbis na magtungo ako sa aming silid upang makapagpahinga at makabawi ng lakas ay dumiretso ako sa silid kung nasaan si Yuan.

Hindi pahinga ang kailangan ko para makabawi ako ng lakas sa mga oras na ito kundi si Yuan. Sa kaniya ako kukuha ng lakas dahil siya ang pahinga ko at upang mas matatagan ko pa ang aking sarili sa pagprotekta sa kaniya hanggang magkamalay siyang muli.

"Yuan..." Pagtawag ko sa mahimbing na natutulog na si Yuan.

Sinubukan kong hawakan ang kaniyang pisngi ngunit isang pinaghalong init at kuryenteng pwersa lang ang dumampi sa aking mga palad.

Kagaya noong magsimula ang metamorpo niya ay hanggang ngayon ay makikita pa rin sa natutulog niyang katawan ang pinaghalong kulay ginto at lilang liwanag na tila ba pinoprotekhan siya sa sino mang hahawak sa kaniya.

"Yuan, tatatagan ko ang aking loob. Huwag kang mag alala dahil nandito lang ako, kami ng mga kaibigan natin. Poprotektahan ka namin." Wika ko sa kaniya.

"Alam kong naririnig mo ko, Yuan. Miss na kita, gusto ko na ulit makita ang iyong mga ngiti."

Pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay nagulat na lamang ako nang may biglang magsalita sa aking likuran.

The Gifted Cursed | COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon