YUAN'S POV
"Kuya Khalil!" agad ko siyang ginawaran ng isang mahigpit na yakap, di alintana ang mga dumi at alikabok na meron ako sa aking katawan. Ang nais ko lang sa oras na ito ay ang mahagkan ang nag iisa kong kapatid. Ang kapatid kong matagal na nawalay sa akin.
Niyakap naman ako nito ng mahigpit pabalik ngunit nang mapagtanto ko na baka hindi niya pa alam ang katotohanan ay kumalas ako mula sa aming pagyayakap.
"Ah... Pasensya na mahal na Prinsipe." Paghingi ko ng paumanhin.
Nabigla naman ako nang marinig ko siyang tumawa ng mahina.
"Napaka pormal naman ng bunso namin. Parang nung huling pagkikita natin ay gusto mo kong patayin." Natatawa nitong sambit na nagpagulat sa akin.
"A-ang ibig s-sabihin..."
"Oo, Yuan. Alam ko na ang katotohanan. Ikaw ang nawawala kong kapatid. Sinabi na sa amin ni Tiya Amylia ang lahat-lahat." Wika niya.
"Sa inyo?" Takang tanong ko.
"Oo, sa amin. Hindi lang ako ang nakakaalam kundi pati sila ama at ina'y alam na rin ang katotohanan. At kagaya ko'y labis ang kasiyahang naramdaman nila nang malaman ang tungkol sa iyo." Mahabang litanya niya.
Wala akong masabi. Hindi ako makapaniwalang nangyayari na ang mga dati ay pangarap ko lang. Ang mga panaginip na gumagambala sa aking mga pagtulog ay isa palang mga alaala ng aking nakaraan.
Ang hangad ko lang naman ay ang magkaroon ng kasagutan ang aking mga katanungan ngunit ang ibinigay sa akin ay mas higit pa. Binigyan ako ng paglalakbay na ito ng mga bagong pamilya at higit pa roon ay ibinabalik na niya ako sa aking tunay na pamilya.
"O, natulala ka na diyan bunso?" Natatawang tanong ni kuya sa akin.
"M-masaya lang ako kuya." Sagot ko dito.
"Huwag ka munang magsaya ngayon, marami pa tayong dapat pulbusin." Nakangiti nitong sambit sa akin bago mag umpisang maglakad.
"Teka kuya, saan ka pupunta?" Takang tanong ko dito.
"Hahanapin ko ang pinuno ng Enclave, ako ang tatapos sa kaniya Yuan." Seryosong wika nito sa akin nang tumigil siya sa paglalakad.
Lumapit naman ako sa kaniya upang pigilan siya.
"Kuya, ako ang tatapos sa kaniya. Yun ang misyon ko dito, ako ang tatapos sa mga kahibangang ginawa nila." Seryoso ko ring sabi sa kaniya.
"Pero..."
"Kuya, magtiwala ka sakin. Hindi ako mapapahamak. Ililigtas ko ang buong Armedeia, pangako." Pangungumbinsi ko sa kaniya.
Isang malalim na buntong hininga nalang ang ginawa niya.
"Sige, pero mag iingat ka ha? Inihintay pa tayo nila ama't ina sa palasyo. Magagalit sa akin ang mga iyon kapag hindi kita kasamang naiuwi sa kanila." Wika niya na lubos namang nagpangiti sa akin.
"Opo! Mag iingat ka rin kuya!" At muli, isang mahigpit na yakap ang ginawad namin sa isa't isa bago ako umalis at hanapin ang nilalang na dapat ay kanina ko pa pinaslang.
"Ignisius!" Malakas na pagtawag ko sa pangalan ng pinuno ng mga salamangkero.
Ngumiti pa ito sa akin bago paslangin ang isa sa mga Dryad. Laking gulat ko naman nang magliwanag ang bangkay ng Dryad na iyon at para bang hinigop ang mga butil ng liwanag na iyon ng batong nasa tungkod ni Ignisius.
"A-anong ginawa mo!?" Galit kong sigaw sa kaniya.
"Kinuha ko lang naman ang lakas na meron ang nilalang na iyon. Kung hindi mo naitatanong ay gawa ang aking tungkod mula sa katawan ng unang maharlikang Dryad. Kaya labis akong natutuwa nang makita napakaraming Dryad dito dahil madadagdagan nila ang kapangyarihang meron ako." Nakangisi nitong wika sa akin.
BINABASA MO ANG
The Gifted Cursed | COMPLETED ✓
FantasyIsang nilalang na pinagkaitan ng nakaraan. Mga alaalang pinipilit na binabalikan. Kinagisnan ang mundong para sa mga kagaya niya'y kay hirap galawan. Pinagkaitan nga ba siya o siya'y hinahanda lamang ng tadhana para sa mas makabuluhan niyang hinaha...