Chapter 56

727 18 2
                                    

Marcus Red's POV

"Ako si Veda Lia Ramos na kilala niyong lahat at nakatayo ngayon sa harapan niyo"Seryoso at galit na sabi ni Veda. "At a-ako pa rin si Veda Lia Ramos, pero ang Veda Lia Ramos na nakatayo ngayon sa harapan niyo ang hinding hindi niyo pa nakikilala ng lubusan!"Patuloy niya pa habang nanginginig sa galit. Bigla naman siya napatingin sakin at ngumisi.

"Naaalala mo pa ba nung nasa Gillford? Diba ako laging trip mo noon bullyhin?! At hanggang sa lumipat ako ng Stanford ay ganun pa rin naman ang ginawa mo? Pero nung nagpakilala ako sayo bilang si Verra halos mabaliw ka sakin! At alam ko naman na gago ka pero mas gago akong magalit!"Galit na galit niyang sabi pero seryoso lang akong nakatingin sa kanya habang nagbubulungan ang mga tao.

"Noon pa lang sinabi ko na sayo na hindi mo ako kilala! Pero ngayon makikilala mo na kung sino talaga ako at kung sino ang binunggo mo!"Galit pa rin niyang sabi pero wala akong pakealam dahil malalaman niya rin naman kung sino din ako. At malalaman niya rin naman kung sino ang binunggo niya. Kung sino din talaga ang totoong Marcus Red Vargas.

Matalim siyang nakatingin sakin ng deretso at galit na galit din siya. Pwes! Mas galit ako sa kanya! Galit na galit!

Eh hindi manlang ako pinakinggan muna para magpaliwanag!

d>>__<<b

"Tignan lang natin kung luluhod ka sa harapan ko at mag-mamakaawa!? Dahil sa oras na malaman mo kung sino talaga ako...Luluhod kayong lahat sakin at magsisisi kayo na ako ang kinalaban niyo!"Galit na galit niya pa rin sabi. Hinahayaan ko muna siyang magsalita dahil kapag nalaman na rin niya ang binubunggo niya mas malala akong magalit at baka mapatay ko pa siya!

"Bakit naman ako luluhod at magmamakaawa sayo ha?!"Inis at galit kong tanong."Ano ka?Prinsesa? Kahit na malaman namin yang pagkatao mo wala kaming pakealam at lalong wala akong pakealam! Dahil baka ikaw pa ang lumuhod at magmakaawa sakin! Dahil hindi mo kilala ang pagkatao ko!"Patuloy ko pa pero hindi naman siya nagpatinag.

"Eh bakit hindi mo muna ipakilala kung sino ka talaga ha?!"Nanghahamon na sigaw niya sakin.

"Sige! Sasabihin ko sa lahat pero sasabihin mo rin kung sino ka!?"Hamon ko rin sa kanya. Tumingin naman ako sa mga tao.

"Gusto niyo malaman at marinig kung sino talaga ako diba!? Dahil naririnig ko ang mga bulungan niyo na gusto niyo malaman kung sino ako"Seryoso kong sabi at saka tumingin kay Veda at saka ngumisi.

"Gusto malaman? Ha! Sasabihin ko na sakanila at sayo kung sino talaga ang totoong Marcus Red Vargas!"Seryoso at nakangisi kong sabi kay Veda saka ako tumingin sa mga tao na nagsisimula na naman nagbubulungan.

"Makinig kayo sa sasabihin ko?!"Malakas na sabi ko dahilan para mapatigil sila sa pagbubulungan. Napapikit na lang ako at nung imulat ko ulit ay napatingin ako kay Veda at saka ngumisi.

"Ako si Marcus Red Vargas na nakilala mo at ninyong lahat na bully at badboy..."Panimula ko habang nakangising nakatingin kay Veda."Oo! Nagpanggap ako at kami ng mga kaibigan ko na mangbully at kahit sa Korea nangbully ako kaya ako nandito na ulit sa Pinas! At Oo! Ako ang nangbully sayo noon sa Gillford at kahit ngayon dito sa Stanford at ibinintang ko kay Bryce na siya ang nangbully sayo kaya siya napatalsik ni lolo sa Gillford noon! Pero sa totoo lang hindi ko talaga trip na mangbully dahil ang totoo kaya ko yon ginagawa dahil para hindi niyo malaman lahat kung sino talaga ako...Dahil ngayon pa lang sasabihin ko na sainyo kung sino ako at wala akong kinatatakutan kahit na sino...Dahil pumapatay ako! At ako si Marcus Red Vargas na...GANGSTER!"Seryoso kong sabi habang nakatingin ng matalim kay Veda at diniin ko yung word na 'Gangster'.

Kita ko naman sa mukha ni Veda na hindi siya makapaniwala at nagulat din siya dahil sa sinabi ko at ganun din ang mga tao na nagsisimula na naman magbulungan.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now