Chapter 63

125 9 0
                                    

Marcus Red's POV

"Dito siya matutulog sa kwarto mo"Seryosong sabi ng ate ni Lia. Napatingin naman ako kay Lia na nakahiga sa kama niya habang nakatingin sa amin na nakanganga pa.

d>>__<<b

"Bumangon ka na diyan at doon ka sa kwarto ko matutulog"Seryoso pa rin sabi ni Vanessa at pumasok
siya sa loob ng kwarto ni Lia.

Napabangon naman siya sa kama saka napatingin sa ate niya."Bakit dito? May guest room naman tayo edi doon mo siya patulugin"Reklamo na sabi niya.

"Tsk! Walang kama dun sa guest room at baka next week pa makabili si dad ng kama para doon"Sabi naman ni Vanessa.

"Edi sa salas"Kunot noo naman sabi ni Lia pero napamewang lang si Vanessa.

"Bisita natin sa salas mo papatulugin? Eh kung ikaw na lang kaya matulog dun sa salas? Or baka tabi na lang kayo dito"Sunodsunod na sabi ng ate niya dahilan para pareho kaming manlaki ng mata ni Lia.

"Ano!? Ayaw ko nga!"Malakas na sigaw niya sabay napailing.

"Tch... Edi dun ka na sa kwarto ko"Sabi ng ate niya. Wala naman na siyang nagawa kaya tumayo na lang siya at saka padabog na lumabas ng kwarto.

Nagtama ang mga mata namin pero inirapan niya lang ako.

d>>__<<b

"Marcus halika dito"Tawag sakin ni Vanessa. Punasok naman ako sa loob ng kwarto at halos mapanganga ako dahil sobrang laki at lawak ng kwarto niya. Kulay pink at white yung kwarto niya at sobrang linis din. "Dito ka na muna kasi yung sa guest room namin wala pang kama kasi wala naman natutulog dun hehe"Dagdag na sabi ni Vanessa pero ngumiti lang ako sa kanya.

"Sige maiwan muna kita dito ah"Sabi niya.

"S-Sige salamat"Sabi ko na lang at saka na siya lumabas ng kwarto.

Inilibot ko naman mata ko sa buong kwarto at sobrang namamangha ako dahil ang laki-laki ng kwarto niya samantalang sa akin baka kalahati lang.
May balcony siya kung saan kita yung malawak at malaki rin nilang swimming pool. May walk-in closet din siya na malaki rin at halos puro mamahalin ang gamit niya at pati mga damit, bags, sapatos etc. At sobrang bango rin ng kwarto niya.

Pero kung manamit siya simple lang pero sobrang bagay na bagay naman sa kanya eh paano pa kaya kung magsuot siya ng mamahalin niyang damit baka maraming lalong ma-inlove sa kanya.

Pero ang ikinamangha ko ay yung bathroom niya na malaki rin at gawa sa marble tile. May bathub din siya at basta maganda yung kwarto niya at kumpletong-kumpleto siya sa lahat kaso hindi mo mahahalata dahil malaki at malawak kasi yung kwarto niya.

Napaupo na lang ako sa kama niya na sobrang lambot at malaki. Para talaga siyang prinsesa at sobrang swerte talaga niya dahil sobrang yaman ng pamilya niya at siguro wala pa nga kami sa kalahati ng kayamanan nila.

Bigla ko naman naalala noong nakausap ko si Soo at pinapahanap niya sa akin si Lia pero hindi ko alam na si Veda at Lia ay iisa at saka hindi ko napansin na may Lia pala siya na pangalan yung kasunod lang ng Veda.

d>>__<<b

Bigla ko rin naalala na ipapakasal ni Soo sa akin yung anak niya na si Lia at wala pa akong kaalam-alam na si Veda pala yun.

So ibig sabihin kapag maging mag-asawa na kami ni Lia dito na rin ako titira?

Natauhan naman ako ng biglang bumukas yung kwarto at tumambad si Lia na sakubong ang kilay kaya agad akong napatayo.

"Kukunin ko yung unan at kumot ko"Salubong na kilay na sabi niya at saka siya pumasok at kinuha yung unan at kumot niya."Meron naman diyan kumot sa may cabinet at may unan din kaya kunin mo na lang"Walang emosyon niyang sabi at akmang tatalikod na siya ng bigla kong hawakan yung braso niya kaya inis naman siyang napatingin sa akin.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now