Chapter 72

113 8 0
                                    

Marcus Red's POV

Kakatapos lang ng sportsfest namin at agad naman kaming umalis kinabukasan dahil para icelebrate ang pagkapanalo namin. At saka one month ang vacation namin.

d^__^b

Nandito naman kami ngayon sa may airport pero nalaman ko na may sarili silang eroplano at doon kami sasakay lahat.

Kasama sila Eros, Dean, Chase at Kyle habang kasama din sila Bryce at yung apat, kasama din si Loisa at sinama din naman si Charles at nalaman ko na stockholder pala ang dad ni Charles at close friend ni Soo yung dad ni Charles. Pinasama naman din ni Soo yung ate ni Jewel at pati rin si Jewel dahil kaibigan ni ate Gaia ang ate ni Jewel na si Ate Janine.

Sumakay naman na kami sa private plane pero hindi naman kami tabi ni Lia dahil magkatabi sila ni Loisa. Sa Palawan kami pupunta at hanggang one month kami doon tulad ng sabi ni Soo noon.

Hindi naman pinaalam ni lolo sa mga Taga-Stanford at Gillford na magce-celebrate kami at kapag nakauwi naman na kami ay saka naman magce-celebrate ang Stanford at Gillford.

Mga 40 minutes ay saka kami nakarating ng Palawan dahil mabilis lang naman ang biyahe at saka private plane kasi yung sinakyan namin.

Pagkadating naman namin sa Palawan ay may sumalubong sa amin na mga nagbabantay pala ng resorts ni Soo.

Nagtataka naman ako dahil parang hindi naman kami sa resorts kundi nasa isang rest house kami."Kung nagtataka kayo kung bakit tayo nandito sa rest house ay dahil dito tayo mag-stay at likod naman nito ay yung rest house"Rinig namin sabi ni Soo.

So rest house pala nila 'to dito sa may Palawan?!

Inilibot ko naman ang paningin ko sa loob ng rest house at malawak saka malaki siya. Mayamaya pa ay may dumating na maid at saka kinuha yung mga dala namin at ewan ko kung saan niya yun ilalagay.

Bigla naman nagsalita si Soo."Nasa taas ang mga kwarto niyo at kami naman ng mga anak ko ay dito sa baba at saka may kwarto sila dito na tig-isa"Sabi naman ni Soo. "Magpahinga muna tayo at mamaya na lang tayo kumain"Dagdag na sabi niya.

"Oo nga, gusto ko muna sana makapag-pahinga"Rinig ko naman na sabi ni Dad kaya napatingin ako sa kanya. Nagulat naman ako ng biglang tumingin sakin si Lolo.

"Magpahinga ka muna apo"Biglang sabi ni lolo kaya napatango na lang ako.

Mayamaya pa ay umakyat na kami sa taas at may walong kwarto na nandito. Yung isang kwarto ay para kila Mommy at Daddy. Yung isang kwarto naman ay para kay ate Gaia, ate Janine, Loisa at Jewel. Yung isa naman na kasunod ng kwarto na tutuluyan nila ate ay kila Bryce at kasama naman nila dum si Charles. Yung isa naman ay para sa amin naman lima at yung huli naman ay para kay lolo.

Yung bakanteng tatlong kwarto naman ay wala naman matutulog dun dahil nasa baba matutulog sila Shawn, Veda, Vanessa at Soo.

Pumasok naman na kami sa kwarto namin at halos mapanganga naman kami dahil ang lawak at ang laki ng kwarto na yon at siguro kasya dito mga nasa 10 na tao.

Nahiga naman agad si Eros sa kama at saka napapikit ng mata. Bigla naman siyang binato ng unan ni Dean dahilan para bigla siyang ma-beast mode haha!

"Istorbo naman 'tong ugok na 'to eh! Natutulog yung tao!"Inis na sabi ni Eros pero inasar lang siya ni Dean.

"Tao ka ba? Bwahahahahaha! Kala ko hayop!"Nang-aasar na sabi ni Dean at nag-asaran naman sila ni Eros.

Hindi ko na sila pinansin at humiga na lang ako sa kama at saka ko pinikit yung mga mata ko dahil inaantok ako lalo na maaga akong nagising kanina dahil maaga kaming umalis ng bahay.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now