Chapter 79

79 7 2
                                    

Veda Lia's POV

"Marcus!?"Napahagulgol na lang ako sa iyak ng mahulog si Marcus sa dagat at sa huling pagkakataon ay nagpaputok pa ng marami si Xing.

Galit na galit akong inagaw kay Xing yung baril pero hindi ko maagaw dahil pilit niya rin inaagaw ang baril hanggang sa magpaputok siya pero hindi ako nagpatinag.

"Veda!?"Rinig kong malakas na tawag sakin ni Bryce at saka niya ako tinulungan agawin ang baril kay Xing.

Nung maaagaw ko na sana yung baril ay bigla niya akong tinulak dahilan para matumba ako sa sahig na agad din naman ako tinulungan ni Bryce makatayo at akmang susugurin ko na si Xing ng bigla niyang tinutok sakin yung baril dahilan para mapalunok na lang ako.

"Bakit Veda sa tingin mo ba makakaya mo akong matalo ha?! Papatayin mo ako?! Pero uunahin ko na kayo bago ako sumunod sainyo sa impyerno!"Malakas na sigaw niya at akmang ipuputok na niya samin yung baril ay bigla siyang sinapak ni Bryce kaya agad kong inagaw yung baril kay Xing at ako ang tumutok ng baril sa ulo niya.

Nanginginig ako at bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ko."Ginawa niyo akong tanga! Pinaniwala niyo akong si Daddy ang pumatay kay Mommy pero para magalit ako sa kanya! Pero ang totoo hindi naman pala totoong si Daddy ang pumatay at hindi naman pala talaga patay si Mommy! Pwes! Tutal napaniwala mo ako noon at pinaikot mo pa... Eh kung papatayin mo kami bakit hindi na lang ikaw ang unahin namin?"Galit at may halong inis na sabi ko.

"Ayaw ko na magsalita dahil gusto ko na rin na tapusin ka! At kung sino 'man ang dapat mapunta sa impyerno ay ikaw dapat yon!"

"At ito ang huli kong sasabihin sayo...pinatay mo na yung mahal ko! Kaya papatayin na rin kita-------"Galit na galit na sabi ko at akmang ipuputok ko na yung baril kay Xing ng biglang hinawakan ni Bryce yung kamay ko.

"Sandali lang..."Pigil na sabi ni Bryce. Napatingin naman ako sa kanya na may pagtataka.

"Bakit mo ako pinipigilan ha!? Papatayin ko siya! At wala akong pakealam kung makulong man ako at buo na ang desisyon ko! Papatayin ko siya!"Inis na sigaw ko kay Bryce pero seryoso lang mukha niya.

"Wala naman akong pakealam kung patayin mo siya pero...bago mo siya patayin ako muna na ang hahawak ng baril"Seryoso niyang sabi na mas lalong pinagtaka ko.

"B-Bakit?"Takang tanong ko sabay kunot noo.

"Dahil akong unang babaril sa kanya"Agad na sagot niya na ikinatulala ko naman.

Bigla naman niya inagaw sakin yung baril at narinig ko na lang na binaril niya si Xing.

*Bang*

Nakita kong napabagsak si Xing habang nakahawak sa tapat ng puso niya. Nagulat naman ako ng binigay niya sakin yung baril kaya at kinuha ko naman yon sa kanya at nanginginig naman akong nakahawak sa baril at nakatutok kay Xing.

Bigla naman lumapit sakin si Bryce at saka bumulong sa tenga ko."Sa ulo niya itutok mo yung baril"Bulong sakin ni Bryce.

Napahinga na lang ako ng malalim at saka ko pinilit yung mga mata ko. Sa buong buhay ko ngayon lang ako kikitil ng buhay ng isang tao. Mas lalo ko pang pinikit ang mga mata ko at...

*Bang*bang*

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nakita kong wala ng buhay si Xing na nakahandusay at duguan na ngayon. Naramdaman ko na kinuha sakin ni Bryce yung baril at saka niya ibinalik kay Xing. Bumalik ulit si Bryce sa tabi ko at bigla na lang ako napayakap sa kanya at saka tuloy-tuloy na tumulo ang luha ko sa mga mata.

Mayamaya pa ay may mga dumating na mga pulis at tinulungan naman nila kami na bumaba sa yate.

Tulala lang ako ngayon at hindi ako makapaniwala sa mabilis na nangyari ngayon.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now