Chapter 85

73 6 0
                                    

Bryce's POV

Pagkatapos ko naman iwanan mag-isa si Veda sa cafèteria dahil nagdahilan lang ako na may importante akong pupuntahan pero ang totoo sa may soccer field lang naman ako pupunta para magpahinga at mag-isip lang.

Hindi naman sa tinatamad akong pumasok pero gusto ko lang kasi munang mag-isip.

Iniisip ko kung bakit naging sunog yung bangkay ni Marcus eh sa dagat lang naman siya nahulog. Nagugulo ang isip ko at para naman akong mababaliw dahil matagal ko ng naiisip yun.

Hays! Ayaw ko ng mag-isip dahil naguguluhan ako!

Nabigla naman ako ng biglang tumunog yung phone ko na nasa bulsa ng pants ko at nung kinuha ko naman yun may message sakin si Dylan.

"Bryce where na u? Si Veda umalis dahil pinapatawag daw ng Dean sa Gillford"-Dylan

Bigla naman akong natulala sa message sakin ni Dylan kaya agad naman akong napatayo at bago naman ako umalis at pumunta ng Gillford ay nireplayan ko na muna si Dylan.

"Salamat, pupunta na ako sa Gillford *send*"Pagkatapos kong isend yun kay Dylan ay umalis na ako at mabilis na nagpunta ng parking lot para kunin yung motor ko.

Agad naman na akong pumunta sa Gillford at ilang minuto lang at nandun na agad ako at agad ko naman din pinark yung motor ko saka patakbong pumasok sa loob ng school.

Napansin ko naman na maraming estudyante sa labas pero hindi ko na sila pinansin at agad na akong nagpunta sa Dean's Office.

Pagkadating ko naman sa Dean's Office ay agad kong binuksan yung pinto dahilan para magulat silang lahat nung nasa loob ng Dean's Office. Bigla ko naman hinanap ng mga mata ko si Veda at agad ko naman din siya nakita na nakatayo pala at gulat yung mukha niya. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya at saka naman ako humakbang papalapit sa kanila.

Tinignan ko naman sila at nung bigla naman akong napatingin sa tatlong lalaki na yukong-yuko at parang biglang uminit yung ulo ko ng makita sila kahit ngayon ko lang naman sila nakita pero parang pamilyar naman sila sakin at hindi ko lang alam kung saan ko ba sila nakita.

Sinigawan ko naman sila na ikinagulat naman nila. "MGA G*GO KAYO AH! KILALANG KILALA KO KAYO!"Malakas na sigaw ko sa tatlong yun.

Sa totoo lang hindi ko naman sila kilala dahil hindi naman ako madalas magpunta ng Gillford pero namumukhaan ko talaga sila dati at kilala ko lang sila sa mukha pero hindi ko sila kilala.

d>>__<<b

At kaya ko rin naman sinabi na kilala ko sila para naman matakot sila sakin at para hindi na sila umulit pa kung ano 'man yung ginawa nilang kalokohan.

'Whews! Kala mo naman kilalang-kilala mo yang tatlong ugok na yan!'

Narinig ko naman ang Dean na nagsalita."Hey! Young man, wag kang magmura sa Dean's Office at kahit ni isa walang nagmumura dito!"Suway na sabi sakin ng Dean pero kaya naman kunot noo akong napatingin sa Dean na 'to.

'Teka? Diba dapat si sir Jaime ang nakaupo at hindi siya?!'

"Pasensiya na ho sir pero nawawalan ho kasi ako ng respeto at galang kung tarantado ang nakakaharap ko! At saka wala naman masamang magmura kung ang minumura mo naman ay kamura-mura naman talaga! Bakit ho kayo sir, hindi ho ba kayo nagmumura? Diba minsan kapag tayo naiinis hindi natin maiwasan ang magmura!"Inis ko naman na sabi sa Dean.

Kung si sir Jaime lang naman ang kaharap ko syempre rerespetuhin ko yun pero 'tong nakaupo na 'to masyadong mayabang!

Iniwas ko naman tingin ko sa Dean at tumingin naman ulit ako sa tatlo na lalaking nakayuko pa rin hanggang ngayon.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now