Chapter 64

140 7 4
                                    

Veda Lia's POV

Nagpa-practice na kami ngayon at ang nagtuturo naman sa akin ay si Bryce at Goku.

d>>__<<b

Hindi naman ako nakaka-shoot dahil hindi naman talaga basketball ang gusto ko at naiinis ako dahil naaalala ko na si Goku ang may pasimuno kung bakit nagbubuwis buhay ako ngayon sa pagbabasketball!

"Hoy Marcus! Hindi ako marunong magdribol!"Reklamo na inis na sigaw ko sa kanya. Nasa kabilang basketball ring kasi sila naglalaro at ako naman todo effort sa pagdi-dribol pero hindi naman ako marunong!

d>>__<<b

Patakbo naman lumapit si Marcus sa akin."Tsk! Pino-problema mo pagdidribol eh ang dali-dali lang yan!"Reklamo na sabi niya pero napapikit na lang ako dahil sa inis.

"Eh ikaw may pasimuno kaya turuan mo ako! Si Bryce kasi need magpractice kaya ikaw na lang magturo tutal MVP ka naman daw"Inis na sabi ko.

"Tsk! Eh bakit ako ang sinisisi mo?"Kunot noo niyang tanong. Napairap naman ako.

"Eh ikaw naglista sakin na isali ako sa basketball ng mga babae tapos hindi naman ako marunong! Edi sana sa swimming mo na lang ako sinali o di kaya sa baseball!"Inis na sabi ko.

"Tch! Malay ko ba na yun ang gusto mo pala?!"Inis din na sabi niya.

"Edi sana tinanong mo muna ako kung ano ang gusto ko diba!?"Inis na sigaw ko sa kanya.

"Hindi naman tayo close noon kaya wag ka ng maarte diyan tuturuan na kita"Biglang seryoso niyang sabi.

"So ako pa ang maarte!? Eh nakakabwesit ka! Kung ayaw mo kong turuan edi wag! Hindi na lang ako sasali!"Inis na sigaw ko sa kanya pero napakunot lang noo niya.

"Arte mo! Tuturuan ka na nga eh!"Inis na sabi niya habang nakakunot noo. Nagulat naman ako ng bigla niyang inagaw sakin yung bola.

"Panoorin mo kung paano ako magdribol at gayahin mo na lang tutal mabilis ka naman maka-gets"Seryoso niyang sabi at saka siya nagdribol at agad naman akong namangha dahil ang bilis niyang magdribol at ang galing niya.

"Oh"Biglang bigay niya sakin ng bola."Papanoorin ko kung nakuha mo yung pagdribol ko"Seryoso niyang sabi.

Napatingin naman ako sa bolang hawak ko at saka napahinga na lang ng malalim at saka ko nga ginaya yung pagdidribol niya kaso bigla na naman niya ulit inagaw yung bola sakin.

"Hoy! Akin na nga----------"Hindi ko naman natapos ang sasabihin ko ng nagdribol ulit siya at saka niya ishinoot at halos mapanganga naman ako dahil nashoot yung bola.

Nasa kanya pa rin yung bola at lumayo pa siya ng kaunti at saka niya shinoot at naka-shoot ulit siya.

Nabigla naman ako ng bigla niyang binato sakin yung bola at agad ko naman yon nasalo.

"Ikaw naman"Seryoso niyang sabi. Napatingin naman ulit ako sa bola at saka napahinga.

Nagdribol naman ako at saka ako nagshoot kaso hindi na-shoot. Kinuha ko ulit yung bola at saka nagdribol at shinoot kaso hindi pa rin ako nakashoot kaya inulit ko ulit pero hindi talaga ako nakaka-chamba para mashoot yung bola.

Nagulat naman ako ng biglang pumunta sa likod ko si Marcus at amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango at kahit pawis na rin siya ang bango niya pa rin------

Arghhhh! Mag-focus ka sa pagba-basketball wag kay Marcus!

Hinawakan naman niya yung kamay ko na may hawak na bola at naka back hug siya sakin ngayon.

"Ganito dapat kasi ang paghawak mo sa bola para makashoot ka ng tama"Rinig kong sabi niya sakin kaya nag-focus lang ako sa sinasabi niya.

"Try mong ishoot"Rinig ko pang sabi niya at sinubukan ko ngang ishoot yung bola at...

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now