Chapter 73

104 6 0
                                    

Veda Lia's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto at may sarili naman kaming kwarto tatlo nila ate Vanessa, Shawn at ako.

Humahagulgol ako sa iyak ngayon dahil sa sama ng loob. Bigla naman may kumatok sa pinto kaya napatigil ako sa pag-iyak at agad ko naman pinunasan ang luha ko.

"Pasok!"Malakas na sabi ko pero medyo namamalat ng kaunti ang boses ko.

bumukas naman yung pinto at pumasok si ate Vanessa at Shawn, sinara naman na ni Shawn yung pinto at saka sila tumabi sakin dalawa sa kama.

"Anong nangyari sayo? May narinig kasi ako na may malakas na nagsara ng pinto kaya kinatok ko si Shawn sa kwarto at sinabi kong puntahan ka namin dito sa kwarto mo"Nag-aalalang sabi ni ate Vanessa.

Napayuko na lang ako at nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko."Ate? Sabihin mo na sa amin ni ate Vanessa kung anong nangyari?"Rinig ko naman na tanong ni Shanw kaya napaangat ako ng ulo at saka napatingin sa kanya.

"S-Si Soo kasi eh..."Sagot ko naman. Nakita ko naman na nagkatinginan sila ni ate Vanessa.

"Bakit? Anong nangyari?"Kunot noo tanong ni ate Vanessa.

"Eh kasi nag-uusap kami ni Marcus kanina kasi kinukwento ko yung buhay pa si Mommy tapos bigla naman siya dumating... Parang nainis siya sakin dahil sinabi ko na siya naman talaga pumatay kay Mommy at tinatanggi niya na------"Hindi ko naman natapos ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si ate Vanessa.

"Hanggang ngayon si Dad pa rin ang sinisisi mo sa pagkamatay ni Mommy ha Veda Lia?! Hindi ba't ilang beses na niya sinabi sayo na hindi niya magagawang patayin si Mommy dahil una sa lahat alam mo naman na mahal na mahal ni Daddy si Mommy at pangalawa may kutob ako na si Xing ang pumatay kay Mommy!"Seryoso at may halong inis na sigaw sakin ni ate.

"Nilalason ni Xing ang isipan mo para magalit ka kay Dad dahil alam mo naman na mahigpit na kalaban ni Dad si Xing"Patuloy na sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"So sinasabi mo ba na dapat si Soo ang pinapaniwalaan ko ha?!"Inis na sigaw ko rin sa kanya.

"Oo! Dahil ama mo siya! Akala ko ba matalino ka? Bakit pinapaniwalaan mo ang taong sinungaling kesa ama mo na ginagawa ang lahat para sa atin ha?! Magisip-isip ka nga! So kung ayaw mo pakinggan si Daddy edi wag! Nasa sayo naman yan kung hindi mo pa rin siya paniwalaan!"Inis na sabi ni ate Vanessa sa akin at saka na siya tumayo.

"Tara na Shawn!"Inis pa rin na sabi ni ate at saka na sila lumabas ni Shawn sa kwarto.

Napasabunot naman ako sa sarili ko at saka napasigaw ng malakas.

Arghhhhhh! Nakakainis!

Napahiga na lang ako sa kama habang nagpaikot-ikot. Naiinis ako sa sarili ko dahil tamannga naman si ate.

Siguro nagigising na ako ngayon sa katotohanan at ang tanga ko lang dahil never ko naman nakitang nag-aaway si Soo at Mommy noon.

d-.-b

Lagi ko nga sila nakikita na sweet sila noon pero yun nga lang talaga na sinabi sakin ni Xing na pinatay daw ni Soo si Mommy. Nakasalubong ko kasi noon si Xing at sinabi niya sakin yon kaya nagalit ako kay Soo at saka naglayas ako.

Nagulat naman ako ng may kumatok ulit sa pinto kaya napaupo ako ng maayos at biglang bumukas yung pinto at tumambad sakin... si Soo!

"Pwede ba kitang makausap?"mahinahong tanong ni Soo. Hindi naman ako sumagot at napatango lang ako.

Pumasok naman na siya sa loob ng kwarto ko."Uupo ako ah"Paalam naman niyang sabi pero napatango lang ulit ako.

'Tsk! Nagpapaalam pa eh pwede naman umupo na lang siya!'

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now