Chapter 57

266 15 0
                                    

Veda Lia's POV

Tulala akong naglalakad ngayon pauwi at hindi ako makapaniwala na magagawa sakin ni Marcus na balak niya akong ipapatay at pagkatapos kong ipakita sa kanya na minahal ko siya pero tatraydurin lang pala niya ako! Pero mas lalong hindi ako makapaniwala na nakita na ako ni Soo.

*Beep!*beep!*

Nagulat naman ako ng biglang may malakas na bumusina sa likod ko kaya dahan-dahan akong napalingon at laking gulat ko na si Soo pala.

Agad akong tumalikod at saka nagmadaling naglakad ng mabilis kaso nahabol ako ni Soo atsaka hinawakan ako sa may braso ko.

"Anak?"Rinig kong tawag niya sakin. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at kita ko sa mukha niya ang pag-aalala at halo-halong emosyon ng mahawakan niya ako sa braso at ang ikinagulat ko ay bigla niya akong niyakap.

"S-sorry anak...Sana mapatawad mo ako at sana maniwala ka na hindi ko magagawang ipapatay o patayin ang mommy mo"Humahagulgol sa iyak niyang sabi. Napapikit na lang ako at inis na bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.

"Bakit? Sa tingin mo maniniwala ako sa kasinungalingan niyo ha?! Hindi ako tanga para paikot-ikutin niyo at sabihing hindi kayo ang pumatay kay mommy o ipapatay siya! Pareho lang kayong sinungaling ni Marcus! At pareho din kayong traydor!"Galit at malakas na sigaw ko sa kanya. Pati ako ay napapahagulgol na sa iyak. Nagpa-iling iling naman siya at akmang hahawakan niya ang kamay ko ng itago ko ang kamay ko sa likod at saka napapikit sa inis at galit.

"Wag na wag mo akong hahawakan! Mamatay tao ka!"Galit at madiin kong sabi saka ko minulat yung mata ko."Gangster ka diba? Pareho lang nga kayo ni Marcus na mamatay tao!"Patuloy ko pa.

"Anak hindi yan totoo. Hindi ko magagawa yun anak dahil mahal na mahal kita at mahal ko ang mommy mo"Sabi ni Soo na umiiyak pa rin hanggang ngayon."Kaya sana mapatawad mo na ako kung ano man ang pagkukulang ko sainyo noon at iniisip ko lang ang sarili ko. Umuwi ka na sa bahay natin, anak"Nagmamakaawa niyang sabi pero umiling lang ako.

"Hinding hindi kita mapapatawad at lalong hinding hindi ako uuwi sa impyerno mong bahay!"Galit na galit kong sabi at saka ko siya tinalikuran at mabilis na naglakad.

"Anak? Wag mo akong iwan! Bumalik ka dito parang awa mo na?!"Rinig kong pigil niya sakin pero hindi ko siya pinansin.

Magsama-sama kayo! Mga traydor at sinungaling!

Hindi ko naman namalayan na mabilis na pala akong tumatakbo habang patuloy na umaagos ang luha ko. Bigla naman umulan ng malakas dahilan para mapatigil ako sa pagtakbo at napaupo na lang sa gitna ng kalsada habang umiiyak. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko pa nagawang mapatawad si Soo at naniniwala naman ako na totoo ang sinasabi niya pero bakit ba hindi ko manlang nagawa na mapatawad siya ngayon at pakinggan siya?

Dahil ba galit talaga ako sa kanya o baka dahil pati siya damay din dahil sa away namin ni Goku?

dTT__TTb

Naramdaman ko naman na hindi ako nababasa ng ulan kaya dahan dahan kong inangat yung ulo ko at parang tumigil ang mundo ko at bigla na lang ako natulala sa kanya.

"Tumayo ka na diyan"Seryoso niyang sabi sakin habang nakatayo siya na pinapayungan ako. "Hindi ka pa ba tatayo?! Nakaka-ngalay kaya"Reklamo niyang sabi kaya agad naman akong napatayo at tumingin ng deretso sa kanya.

"S-salamat... V-Vanessa"Tugon ko. Tumango naman siya at nagulat naman ako ng biglang may motor na humaharurot palapit samin at bumaba ang nakamotor na yon na naka-black leather jacket at naka-ripped jeans. Para siyang si Goku manamit at gwapo din siya.

"Hey! What's happened?"Takang tanong niya saka sabay na napatingin kay Vanessa at nung bigla naman siyang napatingin sakin bigla siyang ngumisi at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now