Chapter 93

73 7 0
                                    

Veda Lia's POV

Maaga pa lang ay nagising na ako at hindi naman ako exited pumasok ng school kundi nasanay lang akong gumising talaga ng umaga.

Nag-breakfast naman na ako at hindi na ako nagpaalam sa maid namin dahil nagmamadali ako ngayon at saka tulog pa sila Mommy at Daddy. Samantalang si Shawn naman ay nauna lang sakin nagising at pumasok.

At kaya lang naman ako nagmamadali dahil hinahabol ko yung oras ko. Pupunta ako kila Shin-Min at gusto ko lang sila makita.

Pagkadating ko naman sa bahay nila Shin-Min ay mabuti na lang dahil nandun siya na nakaupo sa may salas.

Nagulat naman siya ng makita ako."K-Kim? Apo, mabuti naman at napadalaw ka"Nakangiting sabi ni Shin-Min kaya ngumiti na lang ako at saka ako lumapit sa kanya at sabay na nagmano.

"Nami-miss ko po kasi kayo Lolo eh"Nakangiti ko naman na sabi at umupo naman ako sa tabi niya saka napayakap na lang ako sa kanya.

"Ako ba talaga ang nami-miss mo o siya?"Natatawang tanong ni Shin-Min kaya napatingin ako sa kanya.

"Both"Sagot ko naman kaya mas lalo siyang natawa.

Bumitaw naman na ako sa pagkakayakap kay Lolo at tumingin sa kanya ng deretso."Ano pong nakakatawa?"Kunot noo kong tanong pero ginulo-gulo niya lang yung buhok ko.

"Natatawa ako sayo dahil pareho pala kaming nami-miss mo"Natatawang sagot ni Shin-Min.

"Eh totoo naman nami-miss ko kayo ah"Kunot noo ko naman na sagot.

"Oo nga, pero mas nami-miss mo siya at alam ko yun Lia"Biglang sabi ni Lolo Shin-Min.

'Totoo naman na nami-miss ko na siya pero nami-miss ko rin si Lolo Shin-Min ko'

"Hindi ko naman na sinagot ang sinabi ni Shin-Min at iginala ko na lang ang paningin ko at napatingin naman ulit ako kay Lolo saka ko hinanap si Miks at Akuma"

"Nasaan yung dalawa?"Takang tanong ko.

"Si Miks nagpaalam sakin na may pupuntahan lang daw siya at si Akuma naman ay may inutos lang ako, teka kumain ka na ba?"Sagot naman ni Shin-Min at saka sabay na rin na nagtanong.

"Opo, nag-breakfast na po ako at dumalaw lang ako dito dahil gusto ko kayong dalawin pero aalis na po ako dahil papasok pa ako sa school at saka ga-graduate na ko Shin-Min!"Sagot ko naman. Pagkasabi ko naman na ga-graduate na ako ay bigla naman natuwa si Shin-Min.

"Napakatalino talaga ng apo at sa wakas makaka-graduate ka na rin"Masayang sabi naman ni Shin-Min kaya niyakap ko na lang siya.

"Syempre naman po may pinagmanahan haha"Sagot ko naman saka sabay na tumawa kaya natawa na lang din si Shin-Min.

Mayamaya pa ay nagpaalam na ako kay Lolo na aalis na ako dahil may pasok pa ako kaya umalis na ako at saka na rin ako dumeretso sa school.

Pagkadating ko naman sa school ay nagtataka naman ako dahil mga nag-kukumpulan yung mga estudyante kaya sumingit naman ako sa kanila at nung napunta naman ako sa pinakaharapan ay tumambad sakin ang bulletin board at bigla ko naman naalala na sinabi nga pala ng Adviser namin kahapon na ipo-post nga pala sa bulletin board ang resulta ng exam kumbaga yung mga nakapasa.

Hinanap naman ng mga mata ko yung pangalan ko dahil medyo naduling pa ako sa kakahanap sa pangalan ko kaso nasa pinaka-unahan pala!

d>>__<<b

'Veda Lia Soo Passed!'

Ako ang pinakamataas sa lahat at hindi naman siya pa-alphabetical dahil kung sino ang pinaka-highest ay siya ang mauuna at ako nga yung nauna sa aming classroom.

At saka simula ng malaman din na anak ako ni Daddy ay pinalitan na nila yung apelyido ko at ginawa na nilang Soo at feeling ko naman ay ginagalang na nila ako pero hindi naman ako dapat galangin dahil hindi naman ako sanay na ginagalang na parang prinsesa!

"Oh my gosh! Si Lia ang pasado sa ating lahat! Congrats Lia"Biglang rinig ko naman na sabi nung katabi ko kaya nilingon ko siya saka sabay na nagpasalamat.

"T-Thank you hehe"Nahihiya kong sabi at saka na ako umiwas ng tingin sa bebeng nag-congrats sakin.

May iilan pa akong naririnig na binabati ako ng congrats pero tango at ngiti lang ang binibigay ko sa kanila.

Napabuntong na lang ako at saka na lang ako umalis dun sa may bulletin board dahil nakita ko naman na yung pangalan ko at pasado naman ako.

Hinanap ko na lang sina Bryce at nakita ko naman na sila na kakarating lang pala at nung nakita naman nila ako ay agad silang napatakbo sakin.

"Veda? Kanina ka pa namin hinahanap eh nandito ka na pala! Ano nga pala meron at bakit may nagkukumpulan?"Sabi naman ni Bryce at saka din takang nagtanong.

"Ah eh yung sa results ng exam natin naka-post na sa bulletin"Sagot ko naman.

"So anong nangyari? Sinong pasado?"Takang tanong naman niya kaya napangiti na lang ako sa kanya.

"Ako! Ako yung pasado tapos pangalawa ka at pangatlo si Dylan at hanggang sa makapasa tayong anim!"Masaya ko naman na sabi dahilan biglang sumilay ang maganda nilang ngiti lalo na kay Gunner at nakita ko pa yung dimples niya.

'Cute siya kapag tumatawa hehe'

"T-Talaga?"Hindi makapaniwala na sabi ni Bryce kaya napatango na lang ako habang nakangiti sa kanila.

"Oo nga! At saka naka-100 ako tapos ikaw naman naka-98 ka. Si Dylan naman 98 din, si Ayden naman 97, si Scott at Quinn naman 96 at halos puro pasado tayong anim at the rest naman ay puro bagsak na dahil hindi naman nag-review at yung iba naman ay nagkokopyahan lang"Sabi ko naman at yung huli ko naman sinabi ay hininaan ko lang boses ko dahil baka mamaya marinig ako.

Napatango-tango naman sila at kita ko sa mga mukha nila ang saya dahil nakapasa sila.

Sabay-sabay naman na kaming naglakad papasok sa classroom at umupo sa kanya-kanya namin upuan. Pumasok na rin yung iba namin mga kaklase at mayamaya pa ay dumating na rin yung teacher namin at saka na siya nag-discuss at nagpa-lecture.


PLEASE DON'T FORGET TO
VOTE, COMMENT & FOLLOW!

Thanks a lot!!

d^^,v

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now