Chapter 58

170 11 0
                                    

Veda Lia's POV

Ngingiti-ngiti naman akong naglalakad ngayon pabalik ng classroom dahil sa wakas nakaganti din ako sa Goku na yon.

Akala naman niya siguro nasisindak ako sa kanya. Pwes! Siya ang masindak sakin bwahahahahaha!

Pagkadating ko naman sa classroom at akmang papasok na ako ng bigla kong nakita si Bryce sa 'di kalayuan habang tulalang nakatingin sa malayo.

Dahan-dahan naman akong humakbang at lumapit sa kanya."Bryce?"Tawag ko sa kanya at dahan-dahan naman siyang lumingon sakin pero agad din napaiwas.

"Galit ka ba sakin?"Seryoso niyang tanong. Napayuko na lang ako at hindi agad nakapag-react.

Hindi ako galit sa kanya lalo na nung nalaman ko rin na gangster siya at nakikita kong mabait talaga siya kahit nung una pa lang.

Napahinga na lang ako ng malalim saka ko siya niyakap na ikinagulat naman niya.

"Hindi ako galit"Seryosong sabi ko at saka ako tumingin sa kanya. Tumingin din siya sakin at nagtama ang mga mata namin.

"Galit ako kay Marcus pero sayo hindi"Seryoso ko pang sabi. Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya at saka napatingin na lang din sa malayo.

"Bakit mas galit ka kay Marcus kesa sa akin? Alam mo naman na diba? Pero bakit hindi ka nagagalit sakin?"Tuloy-tuloy niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya.

"Dahil galit talaga ako! Galit na galit ako sa kanya"

"Pero paano kung hindi naman niya talagang kaya ipapatay ka? Narinig ko kagabi yung pinag-uusapan nila sa phone at hindi ikaw ang tinutukoy na ipapatay ka dahil ikaw ang balak patayin nung kausap ni Marcus kaya nagalit siya dahil ayaw niyang mapahamak ka. Mahal ka ni Marcus kaya hindi niya magagawang ipapatay ka"Seryoso niyang sabi pero hindi pa rin ako naniniwala sa sinasabi niya dahil balak naman talaga akong patayin ni Marcus.

"Wala akong pakealam! Basta ayaw ko na siyang makita at marinig ang pangalan niya!"Inis na sabi ko.

"Kahit ayaw mo siya makita o marinig ang pangalan niya mangyayari pa rin yon dahil araw-araw mo pa rin siya makikita at maririnig ang pangalan niya"Seryosong sabi ni Bryce kaya napabuntong na lang ako.

Oo nga naman makikita at maririnig ko pa rin ang pangalan niya... Dahil nasa iisang school lang kami!

Napatingin naman ako sa kanya at saka natawa."Tama ka, makikita at maririnig ko pa rin pangalan ni Goku haha"Sabi ko sabay tawa.
"Tara, pasok na tayo"Aya ko na sa kanya at bigla naman siyang ngumiti at sabay na kaming pumasok ng classroom.

Marcus Red's POV

Tulala lang ako habang nagdi-discuss yung Prof namin pero wala naman ako naiintindihan dahil hindi naman ako interesadong makinig sa dini-discuss niya.

d>>__<<b

Natauhan naman ako ng bigla akong batuhin ng Prof namin ng papel na nilukot at tumama pa talaga sa napaka-gwapo kong mukha!

d>>__<<b

"Mr. Vargas?! Get out you of my class!"Malakas na sigaw nung Prof namin. Nagtataka naman akong napatingin sa Prof namin na pinaglihi sa bulkan.

"Ha? Bakit niyo ako papalabasin?"Takang tanong ko habang napapakunot noo pa ako.

"Eh hindi ka naman nakikinig sa klase ko at nakailang tawag na ako sayo pero tulala ka lang!"Inis na sigaw sakin nung Prof namin na parang bulkan. "Get out!"Malakas pa na sigaw na naman niya. Napakasabunot na lang ako sa buhok ko at inis na tumayo.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now