Chapter 90

81 7 0
                                    

Veda Lia's POV

Tulala lang ako sa kwarto ko at hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Bryce sakin kanina.

Bakit kaya siya umamin na matagal na niya akong gusto?

Nagulat naman ako ng biglang bumukas yung pinto at pumasok si Shawn at ate Vanessa na nagtatalon pa sa tuwa dshilan bigla akong magtaka sa kanilang dalawa ni Shawn.

"Oh ano naman nangyari sa inyo dalawa?"Talang tanong ko sabay na napakunot noo.

Sabay naman silang napalundag sa kama ko at hindi ko maintindihan kung bakit ang sobrang saya nila.

"Anong nangyari sa inyong dalawa? Para kayong mga baliw! Kayo ba ang nawawalang anak ni Sisa?"Kunot noo at naiins kong tanong sa kanila pero tumawa pa sila kaya napapikit na lang ako.

d>>__<<b

"Gaga! Ayaw mo bang maging masaya kami at i-congrats ka?"Natatawang sabi ni ate dahilan mas lalong mapakunot yung noo ko.

"Ano bang meron? Bakit niyo naman ako ico-congrats?"

"Eh kasi ate IKAW ANG VALEDICTORIAN!"Malakas na sabi ni Shawn dahilan bigla akong matulala.

Ako Valedictorian?

"Totoo ba yan?"Taka at tulala kong tanong kay Shawn na agad
nan napatango.

"Oo ate at alam mo ba na salutatorian si kuya Bryce!? Waaaahhhhh! Sigurado akong nakakaiyak ang speech mo haha"Sagot naman ni Shawn saka sabay na tumawa at ganun din si Ate.

d-.-b

Sa totoo lang masaya ako pero nalulungkot pa rin ako dahil hindi manlang naabutan ni Marcus na ga-graduate na ako sa high school at valedictorian pa ako.

dTT__TTb

Naiiyak na naman ako kaya tumingin na lang ako sa iba para hindi ako maiyak.

"Sayang nga ate 'no? Wala si kuya Marcus para suportahan ka pero okay lang yan marami kaming nagsu-suporta sayo hahahaha!"Rinig ko naman na tawa ni Shawn at talagang masaya siya.

Napatingin naman ako sa kanilang dalawa at napapatulala na lang dahil sobrang saya talaga nila.

'Sana ganyan din ako kasaya'

Napabuntong na lang ako at saka ko na lang iniwas ang tingin ko sa kanila.

Gusto ko 'man maging masaya kaso hindi ko magawa dahil kapag siguro nagsaya pa ako hindi ko na siya maiisip at gusto ko lagi ko siyang naiisip.

>>Fast forward<<

December 24...

Desperas ng pasko ngayon at nasa kwarto lang ako habang sila Mommy, daddy, Shawn at ate ay nasa baba at nagdedesperas ng pasko.

Hanggang ngayon pa rin ay hindi ko pa nakakausap si Bryce at nalaman ko na naglasing pala siya pagkatapos niyang umamin sakin na gusto niya ako matagal na at nalaman ko yun dahil kay Dylan na ikinuwento niya sakin.

*Knock*knock*

Napatingin naman ako sa pinto ng biglang may kumatok.

"Pasok"Sabi ko na lang at mayamaya pa ay bumukas na ito at pumasok si Mommy.

"Bakit nandito ka? Ayaw mo bang maki-join sa amin sa baba?"Takang tanong ni Mommy pero napayuko lang ako.

"Ininvite ng daddy mo si Bryce at pupunta rin dito ang mga kaibigan mo at kasama ang parents nila dahil dito sila magce-celebrate ng desperas ng pasko"Sabi pa ni Mommy kaya napaangat ako ng ulo at napatingin sa kanya. "Pupunta rin dito ang parents ni Marcus, si Gaia at sir Jaime"Dagdag na sabi ni Mommy.

"My? Naiimagine niyo po ba na nandito rin si Marcus?"Tanong ko naman kay Mommy pero ngumiti lang siya at saka sabay na hinimas-himas yung buhok ko.

"Lagi naman siyang nandito at binabantayan tayo kaya wag ka ng mag-alala dahil baka malay mo magparamdam siya sayo mamaya"Nakangiting sabi naman ni Mommy saka sabay na natawa dahil sa sinabi niya kaya tumawa na lang din ako kahit wala naman nakakatawa.

"Halika na, kanina ka pa inaantay ng daddy mo at ng mga kapatid mo"Nakangiti pa rin na sabi ni Mommy kaya napangiti na lang ulit ako at saka napatayo na lang. Sabay naman na kaming lumabas ng kwarto ko ni Mommy at agad na nagtungo sa salas kung saan ay doon sila nagsasaya.

"Antayin natin mag-11:59 saka tayo sisigaw ng Merry Christmas at saka mag-eexchange gift"Masayang sabi naman ni Ate Vanessa.

Napatingin naman ako sa wrist watch na suot ko at mag-11pm pa lang. Nakaupo naman ako sa salas at nagsasaya lang sila samantalang ako ay pinagmamasdan ko lang sila at napapangiti na lang ako at pinipilit ko na lang maging masaya kahit na wala siya sa mismong pasko at sa darating rin na bagong taon.

Mayamaya pa ay biglang lumapit yung maid namin kay Mommy at hindi ko naman narinig yung sinabi niya kay Mommy pero napansin ko na biglang ngumiti si Mommy.

Umalis naman na yung maid namin at mayamaya pa ay bumalik din siya at halos manlaki naman yung mga mata ko dahil nandito na sila at may dala din sila ng kanya-kanyang regalo.

Nakita ko naman si Bryce at bigla siyang napatingin sakin at ngumiti lang siya ng tipid kaso nagulat naman ako ng bigla siyang tumabi sakin at saka inabot naman sakin yung regalo niya.

"Mamaya na kita babatiin kapag 12 na at saka mamaya mo na rin yan buksan"Sabi naman niya at saka siya napasandal sa upuan at
pinagmasdan na nag-eenjoy ang mga kaibigan namin.

Bigla ko naman naalala na may regalo nga pala ako sa kanya kaya agad ko na rin yun inabot sa kanya dahilan para mapatingin siya sakin. "Gift ko nga pala sayo"Sabi ko naman saka sabay na ngumiti ng tipid at umiwas din ng tingin sa kanya.

Hindi naman kami nag-iimikan dalawa ng biglang sumigaw sila ng...

"MERRY CHRISTMAS!!!"

Pasko na!

"Buksan mo na pala yang gift ko sayo"Rinig ko naman na sabi ni Bryce kaya napatingin ako sa kanya. "S-Sorry nga pala dun sa ano...sa pag-amin ko sayo at alam ko naman na si Marcus pa rin ang mahal mo at alam kong hindi magbabago sng pagmamahal mo sa kanya kaya tanggap ko na magkaibigan na lang tayo"Patuloy na sabi naman niya at saka ngumiti ng tipid at umiwas ulit ng tingin sakin.

Napangiti na lang ako at saka ko tinap yung balikat niya."Ayos lang..."Sabi ko na lang dahilan para mapatingin siya sa akin at saka napangiti na rin siya.

"Tara buksan na natin yung regalo"Nakangiti ko pang sabi at ngumiti rin siya saka napatango. Binuksan na namin yung regalo pero napatingin na lang ako sa kanya at napansin ko na biglang umaliwalas na yung mukha niya kesa kanina na parang malungkot.

Pero masaya naman na ako dahil sa wakas ay tanggap niya naman na magkaibigan lang talaga kami at ang pagiging magkaibigan namin ay walang iwanan.


PLEASE DON'T FORGET TO
VOTE, COMMENT & FOLLOW!

Thanks a lot!!

d^^,v

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now