Veda Lia's POV
"Dating with a gangster"Seryoso kong sabi sabay na napatingin sa kanya. Nakita ko naman na natulala siya bigla kaya napangisi ako.
"Naalala mo ba nung nag-date tayo noon? But ngayon ako naman ang nag-aya sayong makipag-date"Nakangisi kong sabi pero tulala pa rin siya kaya napairap na lang ako.
Tsk!
d-.-b
"Hoy! Ayos ka lang ba?"Kunot noo kong tanong dahilan para matauhan siya.
"Ha? Oo naman hehe"
d-.-b
Kumain lang kami ng kumakain habang nagku-kwentuhan."alam mo ba na regalo sakin 'to ni mommy noong buhay pa siya"Sabi ko habang kumakain ng carbonara.
"Talaga? So mayaman talaga ang mommy mo?"Namamangha niyang tanong kaya napatango ako.
"Oo"Sagot ko naman.
"Ano ba pangalan ng mommy mo?"Tanong niya pa ulit.
"Vera Lin Ramos"Sagot ko naman.
"Ah okay"Sagot naman niya.
Nagpatuloy pa rin kami sa pagkain at mayamaya ay biglang tumugtog yung kanta na paborito ko.
"Tara sayaw tayo"Aya ko na sabi sa kanya at saka ako tumayo. Napansin ko naman na pinunasan niya muna yung labi niya at saka siya tumayo.
"Naalala mo ba na tayo yung magka-partner sa party pero hindi naman tayo nakasayaw dahil akala ko balak mo akong ipapatay?"Tanong ko sa kanya, napatango naman siya. Humawak naman ako sa leeg niya at humawak naman siya sa baywang ko.
~Halika na, hawakan ang aking kamay at sabay maglakbay
Iwanan na, kalimutan na ang mga problema at sakit na 'yong nadarama~Never pa akong nagkaroon ng first dance kahit nung nag-debut ako pero hindi naman talaga ako nag-debut dahil naglayas ako noon.
At kahit prom sa school hindi ako umaattend ng dahil una sa lahat wala naman gustong isayaw ako.
~Oh, tatakbo, lalayo
Oh, kasama mong tutungo
Isasayaw ka sa ulap, damhin ang hangin~~Ang ihip na nagsisilbing himig natin
Kasabay ng tibok ng mga puso nating
Nagniningning ang mga bituin
Nagniningning ang mga bituin
Oh, kay sayang makita ang liwanag ng buwan sa iyong mga mata~Deretso akong nakatingin sa mga mata niya at ganun din siya habang may ngiti sa labi ngunit kasabay non ay ang pagtulo bigla ng luha niya.
"Sorry...sorry sa lahat ng kagaguhan ko noon sayo pero alam mo ba na ikaw ang nagpabago sakin at... ikaw lang ang minahal ko ng sobra"Sincere niyang sabi habang may luhang tumutulo sa mata niya.
Agad ko naman yon pinunasan at ngayon ko lang siya nakitang umiyak.
Sabi nila mas masakit makita ang lalaking umiyak kesa mga babae. Kasi makikita mo talaga sa lalaki kapag umiyak ay totoong nasasaktan sila dahil sobrang mahal ka.
At minsan mo lang din sila makitang umiiyak pero ang lalaking umiiyak sayo alam mong mahal ka talaga. Bibihira lang ang lalaking umiiyak pero hindi naman totoo ang nararamdaman para sayo.
~Alam ko na iyong nadarama ang init na dulot ng ating pagmamahal
Oh, tatakbo, lalayo
Oh, kasama mong tutungo
Isasayaw ka sa ulap, damhin ang hangin~
YOU ARE READING
Dating with a gangster (Season two)
Novela JuvenilSeason 2 ongoing 'Dating with a gangster'