Chapter 99: SEASON 2 FINALE💕

241 12 0
                                    

Veda Lia's POV

"Congrats!"Bati ni Bryce sa akin.

"Congrats din sayo Bryce at sa ating lahat"Bati ko naman kay Bryce at sobrang saya ko dahil naka-graduate na rin kami sa madugong College!

Pero nalulungkot ako dahil wala siya ng grumaduate kami ng college pero nararamdaman ko na nandito siya kaya napangiti na lang ako.

Ipinikit ko naman ang mata ko at inaalay ko itong diploma ko sa parents ko at sa kanya.

At hindi siguro ako makaka-graduate kung hindi dahil sa knya dahil si Mommy, daddy at siya lang naman ang inspirasyon ko kaya nakapagtapos ako ng pag-aaral.

Hindi ko maaabot ang lahat ng pangarap kong ito kung hindi dahil sa kanya na siya lang naman nagbibigay lagi sakin ng inspirasyon.

Napabuntong na lang ako ng at napangiti na lang sa sarili ng biglang lumapit si Loisa para makapag-selfie kaming magkakaibigan.

"Tara selfie tayo hihihi"Masaya na sabi ni Loisa. Nauna na siyang grumaduate sa amin at pumunta lang siya dito sa graduation namin para suportahan kami.

Nag-selfie naman na kami gamit ang selfie stick niya.

Masaya akong nakikita silang masaya pero nalulungkot talaga ako lalo na wala siya dito pero alam kong masaya siyang nakagraduate na rin kami.

"Congrats sa atin guys!"Masayang sabi ni Dylan at saka kami inakbayan.

"Sa wakas naka-graduate na rin tayong lahat hahaha!"Tawa naman na sabi ni Eros.

Mabuti pa sila nagagawang tumawa at ngumiti pero ako pinipilit ko lang ngumiti sa mga harapan nila para hindi nila mahalatang hindi pa rin ako makapag-move on kay Marcus.

'Miss ko na kasi talaga siya at sobrang mahal na mahal ko siya. Kung ano man ang pinapakita niyang pagmamahal sakin ay mas mahal ko siya'

Umuwi naman na kami sa bahay at doon na rin kami nag-celebrate at todo support naman si Shawn.

"CONGRATS SA ATE KONG MARUPOK!"Support na sigaw ni Shawn at napangiwi na lang ako ng maalala ko na naman si Marcus.

Napaka-rupok kasi niya!

"Hoy! Binata ka na Shawn kaya tumigil ka na diyan sa kakasigaw mo baka ma-offend sayo si Jewel"Suway naman na sabi sa kanya ni Ate kaya napatahimik naman siya pero natatawa siya dahil sa sinabi niya.

"Oo nga naman Shawn dahil binata ka na baka bigla kang ayawan ni Jewel"Rinig ko naman na natatawang sabi ni Mommy kay Jewel.

Napa-pout naman si Shawn kaya napailing na lang ako.

Bigla ko na naman siya naalala!

"Ate? Alam mo ba na may bagong labas na fictional book ngayon?"Rinig ko naman na tanong ni Shawn kaya tumingin naman ako sa kanya.

"Anong fictional book yun?"Takang tanong ko naman.

"Tungkol sa mga gangster"Sagot naman niya at bigla na lang ako natulala.

Si Marcus gangster siya... Gangster din sila at ako naman... Hindi ko alam!

Hindi naman na ako sumagot at kumain na lang kami. Ayaw ko magsalita dahil naaalala ko lang siya.

Pagkatapos naman namin kumain ng dinner ay umakyat na ako at nag-shower saka natulog na rin ako.

Pero hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako habang natutulog.

Sobrang namimiss ko na siya.

At sana nandito na lang siya at kung pagbibigyan ako ng isang hiling ay gusto ko bumalik siya.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now