Veda Lia's POV
Patapos na kami ngayon sa exam at saka isang araw lang naman kami mag-eexam at ang huli ay ang History na sinasabi ng mga mag-aaral na nakakatamad pakinggan pero para sakin paborito ko ang History dahil marami akong natutunan lalo na sa panahon ng mga Espanyol!
Hindi naman siya boring eh mas maganda nga siya pakinggan at kaya siguro tinatamad lang yung ibang makinig dahil minsan parang inaantok yung teacher kapag nagdi-discuss.
d-.-b
Dapat siguro para hindi antukin yung mga estudyante ay dapat pinapa-exercise para ganahan makinig.
Whews!
Kung kanina sa Algebra ay puro multiple choices ay dito naman sa History ay halohalo ang sasagutan mo dahil merong multiple choices at meron din identify atsaka essay.
Tsk! Ang dali lang pala nito eh!
At kahit hindi ako masyadong nakapag-review kagabi alam na alam ko ang sagot eh!
d-.-b
Nagsimula naman akong basahin ang directions at hindi naman na siguro mahihirapan silang sagutin 'to dahil tagalog naman.
Ang unang page ay Multiple choices hanggang 1-60 at ang sumunod naman ay yung Identification at unang tanong pa lang alam na agad ang sagot dahil ang tanong ay 'Saan binaril si Rizal?'
Ang hindi siguro makakasagot sa unang tanong na yan ay siguro walang utak.
d>>__<<b
At ang huli naman ay essay at sobrang dali lang talaga ng sagot at ewan ko na lang sa iba kung marami silang masasagot.
'Tsk! Puro kasi sila tawanan at kapag nagdi-discuss naman yung teacher puro sila daldalan sa klase kaya kapag sa exam nganga! Basa-basa rin kasi pag may time! At kawawa din naman yung gustong matuto dahil puro boses ng kaklase mo yung maririnig!'
d>>__<<b
40 minutes lang naman ang pinakahuling inexam namin at nagtataka nga ako kung bakit nauuna pa yung mahirap na examin eh alanganin sa oras! Dapat kasi hinuhuli nila yung mahihirap kesa madadali kasi kapag mahirap yung eexamin mo ay magpapa-pressure ka na lang sa sarili mo dahil huli naman na yun.
At katulad kanina sa Science ay dapat 1 hour lang pero umabot kami ng 2 hours pero tapos naman na ako non kaso ayaw pa ipapasa.
d>>__<<b
Napahinga na lang ako ng malalim at ng matapos ko sagutan ang pinakahuli at pinakamadaling inexam namin ngayon.
Tumayo naman na ako at saka ko pinasa yung test paper ko at ako lang pala ang nauunang nakatapos sa exam at sumunod naman yung apat at ang naiwan ay yung iba namin kaklase na hindi nakikinig sa History noon na sil na lang ang naiwan.
Kapag natapos mo na kasi yung exam at pwede ka na agad umuwi.
"Bukas niyo malalaman ang resulta ng exam niyo na nakadikit sa may bulletin board sa labas"Seryoso na sabi naman ng Adviser namin kaya napatango na lang kami at saka sabay-sabay na kaming lumabas ng classroom.
Kaming anim pa lang kasi ang nakatapos ng exam ng biglang napasigaw sa saya si Scott sabay suntok sa ere.
"YES! NATAPOS DIN! Bwahahahaha!"Malakas na sabi niya saka sabay tumawa dahilan biglang sumilip yung Adviser namin at sinuway si Scott dahilan para mapa-peace sign na lang siya.
d>>__<<b
"Ayan! Ang ingay mo kasi eh"Nakangisi naman na sabi ni Dylan sa kanya dahilan biglang napairap sa kanya si Scott.
YOU ARE READING
Dating with a gangster (Season two)
Fiksi RemajaSeason 2 ongoing 'Dating with a gangster'