Veda Lia's POV
>>Fast forward<<
d^__^b
March 23...
Final examination na namin ngayon at pagkatapos naman ng exam namin ng dalawang araw ay saka naman kami mag-start ng practice para sa graduation at sobrang excited na ako na may halong kaba at lungkot pa rin as usual.
'Sayang hindi niya makikitang ga-graduate na ako'
dTT__TTb
Nag-eexam pa kami ngayon at medyo nalilito ako dahil sa mga tanong lalo pa't sinama nila yung sa first grading at mabuti na lang na-review ko yun kaso nalilito lang talaga ako na naguguluhan sa tanong.
At as usual ay Algebra pa rin ang first exam namin at hindi siya tulad ng nakaraan na multiple choices kundi ipapakita mo na talaga yung mismong solution at computation niya.
Medyo sumasakit din yung ulo ko dahil sa dami ng computation at solution ko. Yung iba nga hinulaan ko na lang at hindi ko alam kung tama yun.
Nape-pressure ako at pinagpapawisan na rin ako at feeling ko parang mabibitay na ako sa sakit ng ulo ko sa Algebra at ang susunod dito ay yung Science na isa rin sakit sa ulo!
d>>__<<b
Tig-dadalawang oras naman bawat subject kaso mukhang aabutin ata ako dito ng siyam-siyam dahil lang sa hindi ko pa mahanap yung tamang sagot sa number 6!
Nyemas! Number 6 pa lang ako!
d>>__<<b
Magkakasya ba ang dalawang oras eh kung isang oras mo pa lang nasasagutan yung number six!?
Bwesit!
Napabuntong na lang ako at saka ko na lang hinulaan kaso naalala ko na baka hindi ako makapasa at baka hindi rin ako maka-graduate!
Hays! Bahala na si Wonder Woman!
At halos lahat ay sinagutan ko na lang na halos puro hula ko na lang.
d-.-b
Nung natapos naman namin ang Algebra ay mayroon naman kaming 20 minutes break kaya tumambay na muna kami sa may soccer field para makapag-review ng tahimik dahil kapag sa classoom kami hindi kami makapag-concentrate sa ingay ng mga kaklase namin.
Busog pa naman kami dahil bago kami mag-exam ay kumain na muna kami ng marami para hindi na kami kakain mamaya at magre-review na lang kami.
After 20 minutes ay bumalik na kami sa classroom at Science ang susunod namin eexamin at pagkatapos non ay may exam pa kami sa Chemistry!
At halos puro masasakit sa ulo at saka lang magiging malamig ang ulo namin kapag sa bandang madadaling examin na lang.
Halos sumakit din ang ulo ko sa Science at baka mamaya sobrang haggard ko na at baka magmukha pa akong zombie dahil sa itsura ko na sobrang haggard talaga.
Whews!
Medyo nahirapan lang naman ako dun sa may mga kilalang Philisopher dahil pati kung kailan sila pinanganak ay kailangan maisagot mo at kung saan din sila nag-aral blah blah blah!
Eh ang dami kaya non!
Pero keri ko yan dahil iniisip ko na maka-graduate ako!
Fight! Fight! Fight!
Kinakagat ko naman yung dulo ng ballpen dahil nahihirapan ako masyado sa exam. Tanging orasan lang ang naririnig ko at sobrang tahimik.
Nabigla naman ako ng biglang nagsalita yung Adviser namin."20 minutes!"
YOU ARE READING
Dating with a gangster (Season two)
Novela JuvenilSeason 2 ongoing 'Dating with a gangster'