Chapter 78

85 6 3
                                    

Marcus Red's POV

Dahan-dahan akong napamulat ng mata at halos wala akong makita na kahit na ano dahil sobrang dilim.

"M-May tao ba diyan?!"Biglang sigaw ko habang ang boses ko ay nanginginig.

"T-Tulong!"Paghingi ko naman ng saklolo. Hindi naman ako natatakot ng dahil lang sa walang tao. Natatakot ako dahil madilim.

Naramdaman ko naman ang mga kamay ko ay nakagapos at nakaramdam din ako ng kaunting hilo at bigla kong naalala yung nangyari sa akin kanina bago ako mawalan ng malay...

*Throwback*

Pagkatapos kong ihatid si Veda sa bahay nila ay papauwi na ako kaso napansin ko na parang may sumusunod sakin na itim na van kaya mas binilisan ko ang pagda-drive ko kaso nakakahabol sila sa akin kaya naman agad kong niliko yung kotse ko ng biglang may humarang naman na isa pang itim na van at may bumaba na anim na lalaking nakasuot ng maskara sa mukha at saka binuksan yung pinto ng kotse at hinila ako palabas.

Nagpupumiglas naman ako at akmang sasapakin ko na sana yung dalawang lalaki na nakahawak sa magkabilaang kamay ko ng bigla naman akong sinuntok ng isa nilang kasamahan pero pinilit kong lumaban pero nasuntok niya ulit ako hanggang sa napaupo na lang ako at hinang-hina.

Nung hindi pa nakuntento yung lalaking sumuntok sa akin ay sinipa niya pa ako sa mukha hanggang sa mapahiga na lang ako at bago ko naman ipikit yung mga mata ko ay narinig kong nagsalita yung lalaking sumuntok at sumipa sakin.

"Isakay niyo na yan!"Rinig kong utos niyang sabi doon sa mga kasama niya na agad din naman sumunod sa kanya.

Naramdaman ko naman na inalayan ako ng dalawang lalaki na makatayo at saka ako inakay pasakay sa itim na van.

Umiikot ang paningin ko at nakaramdam din ako ng pagkahilo pero ilang saglit lang ay bago ako mawalan ng malay ay biglang pumasok sa isip ko si Lia.

Naalala ko yung simabi ko sa kanya kanina. At kung ito 'man na ang huli sa buhay ko at bago ako mawala gusto ko lang siya makita na okay siya at higit sa lahat gusto ko siyang mayakap sa huling sandali at sabihin na mahal na mahal ko siya at hinding hindi magbabago yun dahil siya lang ang babaeng minahal ko at papangakuan ko ng kasal.

Sa huling sandaling ito ay napangiti na lang ako sa sarili ko dahil sa naisip ko na kahit sa huling sandali makita ko lang siya at mayakap bago ako mawala sa mundong ito...

Gustong gusto kong sabihin na...

Sobrang mahal na mahal ko talaga siya.

Dahan-dahan kong naipikit ang mga mata ko at tuluyan na akong nawalan ng malay...

*End of flashback*

"T-Tulungan niyo ak--------"Hindi ko naman natapos ang paghingi ko ng saklolo ng biglang bumukas yung pinto at pati yung ilaw kaya napapikit na lang ako dahil sa nakakasilaw na ilaw pero minulat ko rin naman ang mga mata ko at halos manlaki ang mga mata ko ng makitang walang malay si Lia!

"L-Lia?! Mga hay*p kayo! Anong ginawa niyo sa kanya ha?! Kapag ako nakawala dito papatayin ko kayo!"Malakas na sigaw ko sa dalawang lalaki habang buhat naman nung lalaking kasama niya si Lia na walang malay.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now