Chapter 60

157 13 0
                                    

Bryce's POV

"Lia? Bryce? Halika saluhan niyo kami"Nakangiting aya ni Soo samin ni Veda. Napatingin naman ako kay Veda at wala siyang emosyon na nakatingin lang sa pamilya ni Marcus.

Nakita ko naman na nakatingin sa kanya si Marcus at bigla siyang napatingin sakin pero agad din akong umiwas ng tingin sa kanya.

"Maupo na kayong dalawa"Rinig pa namin na sabi ni Soo habang nakangiti pa rin.

"Kakatapos lang ho namin kumain"Walang emosyon sagot ni Veda kay Soo. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumingin sakin.
"Nasa taas yung piano at doon na lang tayo"Biglang seryosong sabi ni Veda at akmang tatalikod naman siya ng biglang nagsalita si Soo.

"Saan ba kayo galing dalawa? Atsaka bakit magpa-piano ba kayo? Kunin mo na lang ang susi kay Manang"Sabi ni Soo habang nakangiti pa rin.

Hindi naman siya sinagot ni Veda at saka na siya tumalikod. Agad naman akong sumunod sa kanya hanggang sa umakyat siya sa taas kaya nakasunod pa rin ako sa kanya at wala siyang imik habang naglalakad habang nakatalikod sakin.

"Yung susi?"Tanong ko.

"May duplicate ako"Sagot naman niya habang patuloy pa rin sa paglalakad na nakatalikod sakin.

Mayamaya pa ay huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako at saka niya binuksan yung pinto. Halos mapanganga naman ako sa laki ng kwarto na yon na at nasa pinaka gitna yung piano nakapwesto.

"Tara, pasok ka"Rinig kong sabi ni Veda kaya naman sumunod ako sa kanya papasok sa loob ng kwarto habang napapanganga pa rin ako.

"W-Wow"Namamangha kong sabi habang nililibot ko naman yung paningin ko sa laki at malawak na kwarto. Malamig dito dahil airconditoned at kahit pagpasok pa lang namin kanina ay malamig na dahil puro airconditioned yung loob.

"Halika Bryce tignan mo yun oh"Rinig kong tawag sakin ni Veda kaya naman agad akong lumapit sa kanya. "Nakikita mo ba yon?"Tanong niya, napatingin naman ako sa kanya at nakangiti na siya ngayon kaya napangiti na lang din ako.

Mas bagay sa kanya na nakangiti siya kesa seryoso siya.

Napatingin naman ako sa tinuturo niya at nakita kong may swimming pool. "Yan ang swimming pool namin at anytime pwede tayong mag-swimming"Nakangiting sabi niya pa.

"H-Hindi ako marunong lumangoy"Agad na sabi ko kaya napatingin siya sakin sabay natawa.

"Edi tuturuan kita"Sabi naman niya habang natatawa kaya natawa na lang din ako. "Yung mga bagay na hindi mo kayang gawin ay gagawin natin. At yung mga hilig mo gagawin din natin"Patuloy niya pa.

"Eh paano kung hindi mo naman hilig?"

"Edi gagawin ko"Sagot naman niya sabay iwas ng tingin. "Tignan mo yun oh"Sabi niya sabay turo ulit kaya napatingin ako sa tinuturo niya.

"Makikita mo naman ang buong Quezon City at lahat ng yan ay pagmamay-ari namin at kami ang may-ari ng Quezon City"Paliwanag na sabi niya. Namamangha naman ako sa sinasabi niya at sa nakikita ko.

'Swerte ang mapapangasawa nito'

Sobrang yaman talaga nila!

"Halika tuturuan na kita mag-piano"Biglang sabi niya at saka na siya pumunta dun sa may piano saka umupo sa may mahabang sofa. Umupo na rin ako at saka na kaming nagsimulang tumugtog ng piano.

Tinuturuan naman niya akong tumugtog ng piano at sa una nahihirapan talaga ako pero unti-unti natututo na ako.

Pagkatapos niya akong tinuruan ng piano ay umalis muna kami dahil may ipapakita daw siya sakin. Naglalakad kami ngayon at may nakita naman akong elevator.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now