Chapter 62

137 10 0
                                    

Veda Lia's POV

Tsk! Baliw talaga yung Goku na yon! Hihingi lang ng sorry may ibang araw pa!

d-.-b

Napatingin naman ako kay Bryce na natutuwa sa nakikita niya. May mini garden kasi kami dito na puro mga bulaklak.

"Bryce?"Tawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin.
"Pwede mo ba akong turuang mag-basketball?"Tanong ko sabay ngiti. Napangiti naman siya sabay napatango.

"Oo naman, pero sa lahat si Marcus ang pinaka magaling mag-basketball"Sagot naman niya.
"Nung sa Gillford pa kasi kami nag-aaral at nagkakaroon talaga ng sportsfest, ang team nila Marcus laging nanalo"Dagdag niyang sabi kaya napatango-tango na lang ako sa sarili ko.

"Eh ikaw? Marunong ka din naman mag-basketball diba?"Tanong ko, agad naman siyang napatango.

"Oo, pero ang MVP talaga si Marcus hahaha"Sagot naman niya sabay tawa kaya natawa na lang din ako.

MVP pala si Marcus pero bakit parang hindi ko alam yun lalo na sa Gillford naman ako nag-aral noon? Ah baka hindi ko pa siya gaano napapansin noon.

"Tara, sa may farm naman tayo pumunta"Sabi ko. Napatango naman siya at saka napangiti.

Umalis na kami sa hacienda at saka nagpunta naman kami sa may farm namin.

Ipinakita ko naman sa kanya yung mga iba't ibang halaman at mga tanim na prutas at gulay.

"Gusto mo ba ng mangga?"Tanong ko kay Bryce na mukhang namamangha na naman sa nakikita niya. Napatingin naman siya sakin. "Matamis mga mangga namin at saka meron din kaming buko na pwede tayong magpakuha"Dagdag ko pang sabi.

"Sige"Sagot naman niya sabay na ngumiti.

Nagpunta naman muna kami sa mango tree at saka kumuha ng mga mangga at saka umupo sa may ilalim ng mangga.

Hindi naman mainit kasi nahaharangan ng mga puno yung araw at saka maraming puno din dito sa may farm namin.

"May isha-share ako sayo"Sabi ko kay Bryce habang kumakain kami ng mangga.

"Ano yun?"Tanong naman niya. Tumingin naman ako sa kanya pero agad din napaiwas.

"Alam mo ba kung bakit ako naglayas noon at tumigil sa pag-aaral?"Tanong ko at saka sabay na napatingin sa kanya.

"Bakit?"Takang tanong naman niya pero ngumiti lang muna ako ng tipid at saka sabay na napaiwas ng tingin sa kanya.

Napabuntong naman ako at saka napasandal sa puno napansin ko rin na napasandal din siya.

"Kaya ako naglayas noon dahil gusto ni Soo na maging gangster ako na katulad niya pero ayaw ko dahil ang gusto ko lang naman maging simple lang. Pangalawa, kaya ako tumigil sa pag-aaral noon dahil hindi sa nabubully ako. Wala naman kasi akong pake kung pagtripan nila ako kasi alam ko naman na mga wala lang yun magawa sa buhay at saka kung papatulan mo naman ganun din naman mangyayari..."Mahabang kwento ko saka napatingin sa kanya. Nakatingin naman siya sakin ng deretso.

"Naaalala ko pa nga noon nung nasa Gillford pa ako nag-aaral at hindi ko alam na si Marcus pala ang madalas mangtrip sa akin noon. At saka noon kaya ako nagpapanggap dahil para walang makakilala sakin dahil nagtatago ako lalo na baka pinapahanap na pala ako ni Soo"Patuloy kong sabi.

"Kung ganun...B-Bakit Soo ang tawag mo sa dad mo?"Takang tanong ni Bryce. Napaiwas naman ako ng tingin at saka napabuntong.

"Dahil galit ako sa kanya noon... Nagalit ako ng malaman kong pinatay niya mommy ko"

"Pero sigurado ka na ba na siya talaga ang pumatay sa mommy mo o baka naman may gusto lang sumira sa daddy mo kaya ang daddy mo pinagbintangan"Sabi ni Bryce kaya napatingin ako sa kanya.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now