Chapter 82

88 8 0
                                    

Bryce's POV

"Hindi mo kailangan matakot dahil nandito lang ako"Deretsong sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.

"H-Hindi naman ako takot eh..."Nauutal na sabi niya.

"Eh kung hindi ka takot bakit sumunod ka sakin?"Natatawa ko naman na sabi.

"H-Ha? Ah eh ano kasi... Ay! Pasok na tayo baka kasi ma-late tayo sa first subject natin!"Nauutal at nagmamadali niyang sabi sabay iwas ng tingin sakin at saka sabay rin na tumalikod at naglakad.

Natatawa naman ako dahil kahit hindi niya sabihin na natatakot siya sa multo ay alam kong natatakot nga siya.

Sumunod naman ako sa kanya at napansin ko naman na natutulala siya. "Sabihin mo na kasing natatakot ka"Natatawa ko naman na sabi dahilan para magulat siya.

"Hays! Hindi ako takot 'no! Wala sakin yang multo na yan hehe"Matapang na sabi naman niya pero halatang takot naman siya. Haha!

"Sige, hindi ka na nga takot pero sa mukha mo naman takot ka pa rin hahahaha"Sabi ko naman saka sabay na tumawa. Nagulat naman ako ng bigla niya akong hinampas sa braso.

"Hindi nga kasi ako takot! Nakakainis ka naman eh!"Biglang inis na sigaw niya sakin pero tumatawa lang ako.

Nakikita ko naman sa mukha niya na parang naiinis na natatawa siya."Naiinis ka? Okay, iiwan na lang kit------"Natatawa ko pa rin na sabi at umuna na ako sa kanya maglakad kaso bigla naman siyang sumigaw.

"Hoy! Wag mo akong iiwan! Sabay na tayong pumasok"Habol na sabi niya sakin pero hindi ko na lang siya nilingon at sabay na lang kami naglakad papasok sa classroom.

Pagkadating naman namin sa classroom ay marami ng students na nakaupo pero wala pang Teacher. Kami na lang din pala ni Veda Lia ang hindi pa nakakaupo kaya umupo na kami sa kanya-kanya namin upuan.

Mayamaya pa ay dumating na yung Teacher namin at agad-agad na tumingin sa amin at mukhang maghahanap siya ng unang student na sasagot sa mga itatanong niya.

Bigla naman ako kinabahan dahil baka ako ang una niyang tawagin dahil Aguas ang apelyido ko tapos nakaupo pa ako ngayon sa harapan.

d>>__<<b

Naging alphabetical kasi yung seats namin at ako nga ang pinakauna!

"Mr. Aguas!? Stand up!"Malakas na sigaw nung Teacher namin.

Napapikit na lang ako dahil ako pa ang unang tinawag.

Alam niyo ba yung feeling na ikaw yung unang tinawag para tanungin ng mga tinopic niyo or kahit hindi pa nato-topic tapos hindi mo naman alam yung sagot!

Pero mabuti na lang mahilig din ako magbasa kaya may nalalaman din ako haha.

"Mr. Aguas? Stand up!"Napamulat na lang ako ng mata at saka dahan-dahang tumayo. Napalingon naman ako sa gilid ko at nakita ko naman si Veda Lia na nakaupo sa kabilang row ng upuan at hindi nagpapahalatang tumatawa.

Napabuntong na lang ako saka tumingin na lang sa Teacher namin na seryosong nakatingin sakin.

Sa totoo lang hindi ko alam ang mga pangalan ng Teacher namin dahil wala naman akong pakealam at ang gusto ko lang talaga makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng diploma.

"This is my questions..."Panimula na sabi niya. Napalunok na lang ako at nagdadasal ako na sana masagot ko ang itatanong niya sakin.

Feeling ko tuloy sumali ako ng pageant tapos may mga tanong. Tsk!

d>>__<<b

"What is Anthropology?"Tanong ni miss. Bigla naman ako napaisip.

'Nasa Anthropology na ba kami?'

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now