Chapter 61

141 9 1
                                    

Marcus Red's POV

Pupunta kami sa bahay ni Soo dahil nalaman kong hihingi pala ng sorry si daddy at lalong lalo na ako na kailangan humingi din ng sorry kay Soo at kay Lia.

Pero paano?

Nasa bahay kami ngayon ni Soo at nakita ko naman kanina na magkasama si Bryce at Lia kaya naiinis ako sa sarili ko.

Kailangan ko na talaga humingi ng sorry para bumalik ulit sa dati kaso paano kung hindi niya ako mapatawad?

Nung nagpaalam naman ako kay daddy at Soo na kunwaring C-CR ako pero ang totoo susundan ko sila lalo na marinig kong sinabi ni Lia na tuturuan daw niyang mag-piano si Bryce.

Kaso hindi ko naman sila nakita kahit saang sulok pero nakita ko sila sa may swimming pool kaya pinagmasdan ko muna sila hanggang sa tumayo na sila at may dinaanan sila pero hindi ko alam kung saan yon pero sinundan ko pa rin sila hanggang sa makita kong nasa parkingan na sila ng mga sasakyan at halos mapanganga ako dahil ang dami nang sasakyan na halos puro mamahalin.

Mukhang aalis sila kaya naman sumulpot ako at para gumawa na rin ng paraan para makahingi ng tawad sa kanya kaso panira naman 'tong Bryce na 'to kaya hindi tuloy ako makahingi ng sorry.

Pero buti na lang pumayag si Lia na sumama ako sa kanila sa farm kaso ang sabi naman ni Lia magdala daw ako ng sarili kong sasakyan.

Tsk! Swerte ni Bryce makakasakay sa ferrari na kasama si Lia tapos ako hindi!

Sumakay naman na ako sa Lamborghini ko at saka ko sila susundan sa farm at mabuti na lang hindi pa sila nakakalayo kahit ang bilis ng pagda-drive ni Lia.

Bigla naman ako nagtaka dahil hindi naman sila sa farm kundi sa hacienda. Pinark ko na yung Lamborghini ko at saka bumaba.

Nakita ko naman sila na nasa loob na kaya pumasok na ako at saka sila sinundan.

"Hey!"Tawag ko sa kanila dahilan mapatigil sila sa paglalakad at mapatingin sakin.

"Oh anong ginagawa mo dito?"Mataray na tanong ni Lia na ipinagtaka ko naman.

"Eh diba okay lang na sumunod ako? Kaya nandito ako para sundan kayo"

"At bakit mo naman kami susundan?"Mataray na naman niyang tanong kaya napapikit na lang ako.

"Eh kasi sasama nga ako sa inyo!"Inis kong sabi pero inirapan niya lang ako at saka ako tinalikuran at nauna na silang naglakad ni Bryce.

Naiinis naman akong sinundan pa rin sila at paano ba ako magso-sorry kung nandito ang epal na si Bryce?

Gusto ko kasi kami lang dalawa ang makapag-usap at ayaw ko ng may asungot!

"Ang hacienda na ito ay sa Mommy ko pero nung namatay siya si Soo na ang namahala"Sabi ni Lia habang binibida niya ung hacienda nila at yung iba nilang lupain.

So mayaman na talaga sila? Kasi yung Mommy niya pala may-ari nitong hacienda at si Soo ang namamahala?

Ibig sabihin mapupunta 'to sa kanya?

"Hoy Goku!?"Natauhan naman ako ng bigla akong tinawag ni Lia.

"Oh?"Kunot noo kong tanong.

"Sasama ka pa ba sa farm?"Anong niya habang salubong ang kilay.

"Tsk! Ano bang meron sa farm niyo?"Takang tanong ko naman habang nakakunot noo pa rin.

"Tsk!"Singhal niya sabay na napairap sakin.

Ano na naman bang problema niya?

Tinatanong ko lang naman kung anong meron sa farm eh!

d>>__<<b

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now