Chapter 89

72 6 0
                                    

Bryce's POV

Napatulala na lang ako pagkatapos sabihin sakin ni Veda ang totoong hindi niya ako kayang mahalin at alam ko naman na si Marcus pa rin talaga ang mahal niya at sinubukan ko lang naman umamin at nagbabakasali lang ako na baka may chance kaso wala pala.

'Atlis nalaman mo na ang totoo at hindi ka na aasa na may kayo kahit ang totoo ay wala naman talagang kayo'

Tumalikod naman na ako at saka nagsimulang humakbang at sa bawat paghakbang ko parang ang bigat ng nararamdaman ko at parang bigla rin sumikip ang dibdib ko.

Na-reject ako!

Iba talaga kapag first love at first boyfriend at sobrang mahal pa nila yung isat isa.

Feeling ko tuloy parang rebound na lang ako dahil yung akala mong kahit wala na yung mahal niya tapos ikaw umaasa at nung umamin ka hindi ka naman pala gusto pero ang masakit kaibigan lang pala tingin sayo.

Panakip butas lang ako at nandiyan naman ako kapag kailangan niya ng masasandalan at kapag kailangan niya rin ng kausap.

Hindi ko naman namalayan na biglang may luhang tumulo sa mata ko pero agad ko yun pinunasan at dahil broken hearted ako gusto kong makapag-isa.

At feeling ko alone talaga ako lalo pa single lang ako at never pang nagka-girlfriend at saka tama
naman si Veda na balang araw mahahanap ko rin ang babaeng magmamahal sakin kaso wala naman na sa mundong ito na may isang katulad niya.

Siya kasi yung tipo kong babae kaso imposible na maging akin siya at naniniwala na ako sa pinagtagpo pero hindi itinadhana.

d>>__<<b

Hays! Wala talagang forever!

Magta-tanghali palang at wala akong balak umuwi ng bahay kundi mag-stay na lang ako sa condo ko or baka pwedeng magpasama na lang ako sa mga kaibigan ko kaso naalala ko na gusto ko nga palang makapag-isa.

d>>__<<b

Nagdadalawang isip naman ako kung tatambay ba ako sa condo ko o tumambay na lang ako kahit saan.

Hays! Tatambay na lang ako at ayaw ko rin tumambay sa condo dahil baka mabaliw lang ako!

Pumunta na lang ako sa MOA at dun ako sa may baywalk at mabuti na lang makulimlim at mukhang uulan pa.

Tumambay naman na ako at napapangiwi na lang ako dahil...MARAMING NAGDA-DATE!

dO__Ob

Nanadya ka ba ha tadhana!?

Gusto ko ngang makapag-isa eh! Pero bakit nakakakita ako ng mga nagda-date tapos yung iba nagki-kiss pa!

d>>__<<b

'Ugok! Kasalan mo rin yan eh bakit dito ka pa tumambay kung alam mo naman na may mga nagda-date!?'

Naiinis naman akong umalis na lang at nag-gala na lang ako sa loob ng mall kaso may nakikita akong mga couple shirts at mga bulaklak!

'Ano ba ngayon Valentines?'

Eh diba December na ngayon!? Pero bakit may mga nagtitinda ng mga couple shirts at bulaklak!?

Nakakainis!

Napapailing na lang ako at saka umalis na lang ulit ako at no choice naman ako kundi sa condo na lang ako mag-stay at saka gusto ko nga makapag-isa diba!?

Tsk!

Pagkadating ko naman sa condo ay napaupo na lang ako sa sofa saka napasandal at napapikit ng mata.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now