Chapter 83

77 8 0
                                    

Veda Lia's POV

Kumakain naman ako ngayon at marami akong inorder dahil sabi ni Bryce kumain lang daw ako ng kumain at kahit ano daw gusto ko ay kainin ko dahil libre naman niya.

At dahil nga marami akong inorder hindi ko naman pala kayang ubusin!

d>>__<<b

"Busog ka na ba? Ubusin mo yan ah"Rinig ko naman na sabi ni Bryce.

"Hindi ko na nga kayang ubusin eh"Sagot ko naman at bigla naman siyang natawa.

"Ang dami mo kasing inorder eh. Inubos mo na tinda dito sa cafèteria haha"Sabi naman niya sabay tawa kaya natawa na lang din ako.

"Eh kasi sabi mo umorder lang ako ng marami at saka libre mo naman. Edi iuuwi ko na lang yung iba, ipapasalubong ko kay ate at Shawn"Natatawa ko naman na sabi. Napatango lang siya saka natawa ulit.

"Sige"Sagot naman niya.

Patuloy pa rin ako sa pagkain at hindi ko naman napansin na late na pala kami sa next subject namin kaya napaangat ako ng ulo at napatingin kay Bryce na parang naglalaro siya sa phone niya. Tinawag ko naman siya.

"Psst Bryce?"Tawag ko sa kanya dahilan para mapaangat siya ng ulo at napatingin sakin.

"Bakit?"

"Late na tayo sa next class"Sagot ko naman. Bigla naman siyang napatingin sa wrist watch niya at saka tumingin sakin.

"Oo nga 'no!? Hays! Okay lang yan"Sabi na lang niya na ikinakunot naman ng noo ko.

"Anong okay dun? Hello!? Late na kaya tayo"Reklamo ko naman na sabi pero napasandal lang siya sa upuan saka sabay na napa-cross arms.

"Wag na tayo pumasok tutal late naman na tayo"Biglang seryoso niyang sabi na ipinagtaka ko naman.

"Alam mo ba na ngayon lang tayo nakapasok ng school tapos magcu-cutting pa tayo?!"Takang sabi ko naman sabay na napakunot noo.

Napansin ko naman na napabuntong na lang siya."Ite-text ko na lang si Dylan na sabihin na lang sa next teacher natin na hindi ka makakapasok dahil biglang sumama ang pakiramdam mo at ako naman umuwi dahil nagkaroon ng emergency"Seryosong sabi naman ni Bryce kaya biglang napakunot yung noo ko.

"Bakit naman kailangan mo pang mag-sinungaling eh kung pwede naman sabihin na lang natin na kaya tayo na-late dahil sinamahan mo pa ako kumain?"Takang sabi ko naman. "Konting tiis na lang kaya at ga-graduate na tayo. November na ngayon at sa mismong March graduate na rin tayo. Baka kapag hindi tayo pumasok baka hindi pa tayo maka-graduate at bumalik na naman tayo ng high school"Kunot noo kong sabi.

"K-Kung gusto mo pumasok edi pumasok ka na lang. Iwan mo na lang ako dahil ayaw kong pumasok"Seryoso na naman niyang sabi. Bigla ulit ako nagtaka.

"Bakit naman ayaw mong pumasok? Ayaw mo ba grumaduate?"Takang tanong ko naman.

"Syempre gusto ko grumaduate kaso may importante lang akong pupuntahan"Sagot naman niya at bigla naman siyang tumayo.

"Bumalik ks na sa classroom at kapag hinanap ako, sabihin mo na lang na hindi mo alam at sabihin mo na lang din na kumain ka lang dahil bigla ka nakaramdam ng hilo. Sige na, aalis na ako"Biglang seryoso niya ulit na sabi at saka na siya tumalikod at umalis.

Naiwan naman ako dito na mag-isa at napabuntong na lang ako skaa napapikit.

'Bakit kailangan niya pang magsinungaling ako? At saan naman siya pupunta?'

Napamulat na lang ako ng mata at saka ko na lang pinabalot yung mga pagkain na hindi ko pa naman nakakain at saka na ako umalis sa cafèteria at bumalik ng classroom.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now