Chapter 84

77 7 0
                                    

Vanessa's POV

"Tawagan mo si Miss Veda Lia Ramos"Utos na sabi ng Dean na ipinagtaka ko naman bigla.

"P-po? Bakit ko naman tatawagan ang kapatid ko eh nasa school po yon?"Takang tanong ko."At saka may klase pa ho sila ngayon"Patuloy na sabi ko sa Dean.

"Basta tawagan mo na lang si Veda Lia dahil para malaman niya ang nangyari kay Shawn"Seryosong sabi ng Dean.

'Bakit naman kailangan pang tawagan si Veda eh nandito naman ako?!'

"Mawalang galang na ho sir pero ayaw ko naman maistorbo yung kapatid ko na nag-aaral at saka kung alam niyo lang kakagaling lang non sa insidenteng nangyari at hindi pa nakakapag-move on yon sa apo ng isa rin naman Dean dito na siyang may-ari nito! At saka pangalawa lang din naman kayo sa Dean pero kung makaasta kayo eh kala niyo naman kayo ang may-ari nito! Dapat nga si sir Jaime ang nandito at kumakausap sa amin at hindi kayo! Tapos gusto niyo pang tawagan ko kapatid ko dahil lang sa nangyari sa kay Shawn? Nandito naman ako para humarap!"Inis naman na sigaw ko sa Dean na 'to eh mukhang nagfe-feeling Dean lang naman!

Dapat si sir Jaime ang nandito dahil siya naman talaga ang Dean ng Stanford at Gillford at hindi itong nagfe-feeling Dean nga!

'Mukha namang  janitor!'

d-.-b

"Ate, huminahon ka"Rinig ko naman na sabi ni Shawn pero tumingin lang ako sa kanya.

"Miss Vanessa Ramos, gusto ko lang sabihin sayo na kaya ko gustong ipatawag ang kapatid mo na si Veda Lia Ramos ay dahil narinig ko ang sinasabi nila tungkol kay Veda at sa boyfriend nito na si Marcus Red Vargas. Ayang tatlong yan na si Mr. Magsaysay, Mr. Bonifacio at Mr. Aguinaldo ay huli ko lang narinig na dinadamay si Veda Lia at Marcus dahilan kaya nagalit si Mr. Ramos"Seryosong sabi naman ng Dean.

Napatingin naman ako sa tatlong lalaki na tinuturo ng Dean na sina Magsaysay, Bonifacio at Aguinaldo.

'Mga bayani ang apelyido nila pero mga gago naman! Dapat nirespeto na lang apelyido ng mga bayani at hindi sa tatlong nagfe-feeling bayani na mga wala naman modo! Dapat mga apelyido nito yung babagay sa kanila...'

Si satanas, si kamatayan at si demoñito!

Naaawa ako sa kapatid ko na wala naman laban na sa kanila at sinapak pa ang napaka gwapong mukha na namana pa sa ninuno namin. Chor!

Hays! Naiinis ako!

"Kung ayaw mong tawagan ang kapatid mo, ako na lang ang tatawag sa Stanford"Rinig ko naman na sabi ng Dean kaya napatingin ako sa kanya at akmang pipigilan ko naman siya ng hawak na niya yung telepono at mayamaya pa ay may sumagot na dahilan para mapalunok na lang ako.

"Hello? Sa Stanford ba 'to sa office ng Dean?"Tanong ng Dean sa kausap niya sa telepono.

"Ah Secretary ka pala ng Dean? Hmmm ako rin kasi ang pangalawa sa Dean ng Gillford at nais ko lang sanang makausap si Veda Lia Ramos"

"H-huh? Soo na ba ang apelyido niya? Ah------Sorry! Hindi ko kasi alam na anak pala siya ni Soo"

"Can I talk to her?"

"May importante lang akong sasabihin or kung hindi siya pwedeng maistorbo baka pwedeng pakisabi na lang sa kanya na pinapatawag siya ng Gillford ngayon. Salamat!"

Pagkatapos naman kausapin ng Dean ang Secretary ni sir Jaime ay binaba na niya yung telepono at saka tumingin sa amin.

"Bahala na kayong tatlo magpaliwanag kay Miss Veda Lia Soo"Seryosong sabi ng Dean kaya napapikit na lang ako saka napasandal sa upuan.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now