Bryce's POV
Dumaan ang maraming araw at matatapos na rin namin ang college!
At hindi talaga ako makapaniwala na makaka-pagtapos na rin kami sa halos sa lahat ng pagsubok na dumaan sa mga buhay namin at lalong lalo na kay Veda na basta na lang iniwan ni Marcus.
Pero naiisip ko na lang na sana nandito nga si Marcus at todo suporta sa girlfriend niya na sobrang talino at syempre bilib na bilib din ako kay Marcus dahil nagustuhan niya ay maganda na at matalino pa!
At siguro kung sumali lang si Veda sa Miss Universe baka siya agad yung manalo dahil sa sobrang talino niya.
At kung nandito rin si Marcus ay siya pa ang naunang grumaduate sa amin dahil graduate na sana siya nung nakaraan kung buhay pa siya.
Naka-graduate na kasi sila Eros at natutuwa naman ako sa kanila dahil parang mga isip bata pa rin sila haha.
Nasa bahay naman ako ngayon at naghahanda na ako para sa nalalapit na graduate namin at bigla ko naman naalala na bukas na nga pala yun!
d>>__<<b
Nakauwi na pala sila Mommy at daddy nung linggo at wala naman sila ngayon dahil nag-gogrocery sila para sa handa ko sa graduation.
Nag-aayos naman ako ng susuotin ko bukas ng biglang tumunog yung phone ko na nasa unan ko na nakapatong kaya kinuha ko naman yun ay nag-message pala sakin si Veda kaya agad ko naman yun binasa.
"Bryce, busy ka ba? Baka pwede mo naman ako samahan para dalawin si Marcus?"–Veda Lia
Pagkabasa ko naman non ay agad din ako nag-reply.
"Sure"Reply ko naman sa kanya at saka ko na ulit ipinatong sa unan yung phone ko at tinapos ko lang ayusin yung susuotin ko bukas sa graduation at sobrang excited na rin ako. Nilagay ko naman na yun sa may closet ko at saka na rin ako nagbihis.
Pagkatapos ko naman mag-bihis ay lumabas na ako sa kwarto ko at saka bumaba at nakita ko naman yung maid namin at nagpaalam
naman ako na sasamahan ko lang si Veda sa sementeryo para dalawin si Marcus at pinasabi ko na lang din na sabihin na lang kay Mommy at daddy.Umalis na ako sa bahay at sumakay naman na ako sa motor ko at saka ko naman pinuntahan si Veda Lia sa bahay nila para sunduin.
Pagkadating ko naman sa bahay nila ay agad ko naman na siyang nakita na nakatayo sa labas ng bahay nila habang may dalang paper bag at bulaklak.
"Kandila nga pala at yung diploma ko at saka na rin bulaklak"Agad na sabi niya dahilan hindi agad ako nakapagsalita at bigla na lang siya sumakay sa motor ko kaya hindi na lang ako nagsalita at saka ko na pinaharurot yung motor ko.
Ilang minuto lang ay nasa sementeryo na rin kami at agad na bumaba si Veda sa motor ko at saka pinuntahan ang puntod ni Marcus.
Pinark ko na muna yung motor ko at saka ko naman sinunandan si Veda sa puntod ni Marcus at nakita ko siyang nakaluhod habang sinisindihan yung kandila.
Lumuhod naman din ako at saka ko pinagmasdan yung puntod ni Marcus.
'Parang kailan lang nung naging magkaibigan na kami kaso bigla naman siya nawala'
"H-Hi Marcus? I-Ito nga pala oh may dala akong bulaklak para sayo at saka ipapakita ko rin sayo yung diploma ko"Rinig kong sabi ni Veda kaya dahan-dahan akong napatingin sa kanya.
Nakita ko naman na may namumuong luha sa mga mata niya habang hawak niya yung diploma niya nung high school dahil bigla ko naman naalala na hindi nga pala siya nakadalaw noon dito sa puntod ni Marcus dahil naging busy siya ng kausapin siya ni Soo para sa ari-arian na ipamamana sa kanya.
"W-Wala pa yung sa college ko na diploma kasi hindi pa naman ako nakaka-graduate sa college hehe"Patuloy na sabi ni Veda at bigla na lang tuluyang kumawala ang mga luha niya.
Hinayaan ko lang siyang umiyak at ilabas niya ang nararamdaman niya dahil alam kong kailangan talaga niya ilabas ang lahat-lahat ng sakit na nararamdaman niya.
"A-Alam mo ba na miss ma miss na kita ha? Mahal na mahal kita at halos araw-araw na lang ako umiiyak ng dahil sayo...pinipilit ko 'man maging masaya kaso nandun pa rin yung lungkot at sakit simula ng mawala ka huhuhu nakakainis ka naman kasi eh iniwan mo kami at iniwan mo ako. D-Diba papakasalan mo pa dapat ako kaso iniwan mo naman ako! Nakakinis ka Goku! Huhuhu"Hagulgol na iyak niya kaya niyakap ko na lang siya at mas lalo naman siyang napahagulgol sa iyak.
"A-Ang daya n-niya! I-Iniwan niya tayo huhuhu"Hagulgol pa rin na iyak niyang sabi kaya hinagod ko na lang yung likod niya para tumahan na siya pero mas lalo lang siyang umiyak.
"Alam mo kung nasaan 'man siya ngayon siguro masaya na siya at masaya siyang naka-graduate na tayo at lalong lalo ka. Alam mo na sobrang proud na proud siya sayo at kaya wag ka ng umiyak dahil sa tingin ko ayaw niya na nakikita kang umiiyak dahil kahit patay na siya nalulungkot din siya na makita kang umiiyak...Alam mo ba na baka sa kakaiyak mo pwede kang kunin ng multo?"Seryoso ko naman na sabi. Napatigil naman siya sa pag-iyak ng marinig niya ang huli kong sinabi at saka tumingin sakin.
"Nanakot ka ba?"Biglang kunot noo niyang tanong kaya natawa na lang ako.
"Hindi ako nanakot pero totoo yung sinasabi ko na kapag nakikita ng kaluluwa na umiiyak ang naiwan nila na mahal sa buhay ay kinukuha nila dahil naaawa sila kaya wag ka ng umiyak baka mamaya may makarinig sayo ng hindi natin nakikita tapos nasa sementeryo pa tayo"Biro ko naman na sabi sa kanya at napansin ko na bigla na lang siya natulala.
"Oh takot ka na siguro haha! Wag ka ng umiyak diyan dahil baka mamaya kapag nakita tayo ng kaluluwa ni Marcus bigla na lang ako awayin non dahil baka isipin niya na inaaway kita dahil umiiyak ka"Natatawa ko naman na sabi kaya hindi na talaga siya umiyak. Haha!
Dahan-dahan ko naman pinunasan ang mga luha niya habang pinagmamasdan ko ang mukha niya.
"Huwag ka ng umiyak at saka dapat masaya ka lalo na ga-graduate na tayo bukas sa college"Seryoso ko naman na sabi.
"Dapat ngumiti ka lang at ang lahat ng pagsubok malalagpasan mo rin yan"Patuloy ko na sabi at saka ko naman hinawakan ang kamay niya at sa huling pagkakataon ay sa puso ko hinugot ang lakas ng loob ko na sabihin sa kanya ang sasabihin ko.
"Ga-graduate na tayo bukas at kaya sana maging okay ka na at mag-move on...alam ko at alam mo naman na mahal na mahal ka niya at siguro ito na rin ang panahon para kalimutan mo siya at hayaan mo na lang na maging payapa na siya"
Pagkasabi ko 'non ay deretso lang
siyang nakatingin sakin pero sa hindi ko inaasahan ay napatango na lang siya."S-Susubukan kong gawin yang sinabi mo pero hindi ako mangagako na tuluyan ko na talaga siyang makakalimutan"Seryoso naman niyang sabi at saka na siya tumayo at sandaling natulala naman ako pero agad din ako natauhan at saka tumayo na rin ako.
Akamang tatalikod naman na siya ng hawakan ko ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sakin.
"Pero kung sakaling kailangan mo ng masasandalan nandito lang ako"Biglang sabi ko naman at saka ako ngumiti.
Sa huling sandaling ito ay nasilayan ko na ulit na ngumiti siya sakin saka sabay na napatango.
"Walang problema basta ikaw"Nakangiti niyang sabi. "Tara"Patuloy na sabi niya kaya napangiti na lang ako saka sabay na tumango.
Sabay naman na rin kami umalis sa sementeryo at saka na kami umalis.
–
PLEASE DON'T FORGET TO
VOTE, COMMENT & FOLLOW!Thanks a lot!!
d^^,v
YOU ARE READING
Dating with a gangster (Season two)
Roman pour AdolescentsSeason 2 ongoing 'Dating with a gangster'