Chapter 75

114 6 0
                                    

Marcus Red's POV

"So I'm here because I want to
date you"Nakangiting sabi ko at napansin ko na tulala siya.

Ngumiti naman ako ng mas malaki."Hindi mo ba ako pagbubuksan ng gate?"Nakangiting sabi ko pa dahilan para matauhan siya.

"Ay sorry!"Napapahiyang sabi naman niya at saka na niya ako pinagbuksan ng gate.

'Masyado ata akong gwapo kaya natulala siya hehe'

d^__^b

Pagkatapos naman niya akong pagbuksan ng gate ay agad na akong pumasok at saka siya niyakap.

"Namiss kita"Bulong kong sabi sa kanya. Napatingin naman siya sakin.

"Lagi naman tayo nagkikita ah? Namiss mo agad ako?"Natatawa niyang sabi at saka niya ako kinurot sa pisngi.

Ouch!

"Tara pasok tayo sa loob"Dagdag na sabi ni Veda kaya naman pumasok na kami sa loob ng bahay nila na mansyon.

Nakita ko naman sa may salas si Shawn at Vanessa pero hindi ko naman nakita si Soo. Akmang tatanungin ko na sana si Veda kung nasaan si Soo ng biglang tumayo si Shawn at lumapit sa amin ni Veda.

"Kuya Marcus"Nakangiting sambit ni Shawn sa pangalan ko.

Naalala ko naman na nag-text nga pala ako sa kanya na pupunta ako ngayon sa kanila at hindi ko naman pinaalam yun kay Veda. Gusto ko sana kasi siyang i-surprise dahil magda-date kami ngayon!

d^__^b

"Shawn hehe"

"Bakit niyo nga pala ako tinext? May pupuntahan ba kayo ni ate?"Tanong ni Shawn. Napangiti naman ako saka sabay na napatango.

"Oo, may pupuntahan nga kami"Sagot ko naman. Bigla naman tumayo si Vanessa at saka tumingin sa amin dalawa ni Veda.

"Magda-date ba kayo?"Tanong na sabi ni Vanessa. Sabay naman kaming nagkatinginan dalawa ni Veda saka napatingin sa kanya sabay na napatango.

"Oo ate"Nakangiting sagot ni Veda kay Vanessa.

"S-Sige... pasalubong ah"Napapatangong sabi ni Vanessa. Sabay naman kaming napangiti ni Veda.

Naupo naman ako sa may salas nila dahil magbibihis lang si Veda at ilang saglit pa ay nakita ko na siya na pababa sa may hagdan nila at halos matulala naman ako dahil...

Sobrang ganda niya!

Para siyang barbie na nakasuot ng floral dress at naka high heels din siya tapos sa dulo naman ng buhok niya ay kulot.

Dahan dahan naman akong napatayo at natutulala pa rin ako sa kanya. Bumaba naman na siya sa may hagdan nila at nung nakalapit naman na siya sakin ay saka niya ako ningitian.

Napangiti na lang din ako at saka ko kinuha ang kamay niya at hinalikan yon.

"You're so beautiful"Natutulala kong sabi at napansin ko na natatawa siya.

"Puro ka pangbo-bola! Tara na... pero parang mas lalo kang gumwapo sa suot mo na hawaiian polo"Natatawa niyang sabi na sinabayan pa ng pangbo-bola sakin.

d-.-b

Totoo naman yung sinabi ko eh na sobrang ganda niya.

Kumapit naman na siya sa braso ko at saka na kami lumabas ng bahay nila. Pinagbuksan ko naman siya ng pinto ng kotse ko at saka na siya sumakay.

Sumakay din na ako at saka ko naman kinuha yung tulip flowers na nasa back seat at saka ko binigay sa kanya.

"For you"Nakangiti kong sabi sabay kindat pagkaabot ko sa kanya nung tulip flowers.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now