Chapter 67

135 6 2
                                    

Marcus Red's POV

5am ng magising ako dahil may malakas na naman na kumatok sa pinto kaya agad akong napabangon at binuksan yon.

Halos manlaki naman ang mga mata ko dahil si Lia pala na nakapangtulog pa pero ang aga ng gising.

'Ang aga naman ata magising?'

Mas malakas pa siyang kumatok kesa sa ate niya.

d>>__<<b

"Ang aga mo atang nagising?"Takang tanong ko.

"Kukuha ako damit dahil maliligo na agad ako"Seryoso niyang sabi at agad siyang pumasok sa loob at saka kumuha ng damit sa may walk-in closet niya,

'So doon talaga nakalagay lahat ng damit niya?'

Pagkatapos naman niyang kumuha ng damit ay napatingin siya sakin."Dapat pala sa kwarto ka na lang ni Shawn dahil panglalaki kesa dito sa kwarto ko pang babae"Seryosong sabi niya.

'Oo nga, bakit ba dito ako sa kwarto niya pinatulog eh may kwarto nga naman si Shawn?'

"Sabagay baka ayaw din ni Shawn na patulugin ka sa kwarto niya at magtabi kayo baka kasi mabakla sayo bwahahahaha!"Dagdag naman niyang sabi saka sabay na tumawa.

d-.-b

"Sige na Goku maligo ka na agad at sa labas daw tayo magbe-breakfast libre ni ate"Natatawang sabi niya pa at saka na siya lumabas ng kwarto.

Whews!

d>>__<<b

Bakit parang ang saya ata niya ngayon?

Napabagsak na lang ang balikat ko at saka na ako pumasok sa loob ng banyo para maligo.

Time Passed!

Nandito na kami ngayon sa gymnasium at kakatapos lang namin mag-breakfast.

Nagdi-dribol naman ako ngayon ng bola at kami pa lang nila Eros, Dean, Chase, Kyle at saka ako. Wala pa ang black crown at si Loisa. Kahapon kasi hindi siya nakapag-practice dahil sa Stanford siya nakapag-practice.

Nakita ko naman si Veda at Shawn na nagpa-practice din ng basketball at napansin ko naman na magaling na siyang magbasketball.

Yung ate naman niya ay nandun lang sa may audience seats habang nagpho-phone pero nakakunot ang noo.

Nagulat naman ako dahil biglang sumulpot si Charles dahilan para mas lalong napakunot ang noo ni Vanessa at mukhang tinatarayan na naman si Charles.

Nagdribol na lang ulit ako ng bigla naman dumating ang black crown at nagbeso-beso pa sila nila Eros pero ako hindi ako naki-beso sa kanila.

d-.-b

Shinoot ko naman yung bola at na-shoot naman yun.

Nagshoot ulit ako at nashoot na naman. Nagtataka naman ako bakit walang coach na nagtuturo sa amin?

Ano yun sarili ang ico-coach namin?

d>>__<<b

Nagdi-dribol ulit ako ng bigla akong tinawag ni Lia.

"Goku!?"Napatingin naman ako sa kanya habang tinatawag ako na lumapit sa kanya. Lumapit naman ako na may pagtataka.

Tsk! Goku pa rin tawag niya?

"Ano?"Taka kong tanong habang nakakunot noo.

"Samahan mo ako mamaya kila Shin-Min"Agad na sabi niya. Bigla naman akong nagtaka.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now