Chapter 91

74 7 0
                                    

Bryce's POV

"Ano naman 'tong regalo mo sakin? Photo frame?"Natatawa kong tanong saka sabay na tumingin sa kanya at napapansin ko na tumatawa siya kahit palihim.

"Oo, ilagay mo diyan yung picture natin na magkakaibigan"Natatawa naman niyang sabi kaya natawa na lang din ulit ako.

"Sabagay magagamit ko rin naman pala 'to haha pero ito lang ba gift mo sakin? Eh worth of 20 pesos lang 'to sa Divisoria eh!"Kunwaring reklamo ko naman sabi sa kanya pero natawa lang siya ulit.

"Syempre hindi lang yan yung gift ko sayo dahil meron pa akong isa pang mas maganda at mahal kesa diyan sa picture frame na sinasabi mong 20 pesos kuno! Baka kasi isipin mo na yan lang kaya ko ibigay eh"Natatawa pa niyang sabi kaya natawa na lang din ako sa sinabi niya.

"Oo nga, parang ang unfair naman kasi kung ito lang ibibigay mo sakin eh kung mahal din naman yung regalo ko sayo. At saka ikaw kaya ang pinaka mayaman tapos picture frame lang yung gift pst!"Kunwaring reklamo ko ulit pero bigla na lang siya natawa.

"Relaks ka lang kasi! At saka nakita ko lang naman yang picture frame na yan sa kwarto ko saka napansin ko na mukhang bago pa kaya naisipan kong iregalo ko na lang sayo"Natatawa pa niyang sabi kaya tumawa na lang ulit ako at saka ko ginulo yung buhok niya.

"Oh ito na talaga yung gift ko sayo at ihanda mo na ang sarili mo dahil baka mamaya bigla kang atakihin sa puso edi wala na akong Bryce"Natatawa pa niyang sabi saka sabay bigay sakin nung isa pa niyang regalo at agad ko naman yun binuksan at halos manlaki yung mga mata ko sa gulat at hindi ako makapaniwala na rereguhan niya ako nito.

Louis Vuitton Bag na panglalaki!

Napatingin naman ako sa kanya at ito yung gusto kong bag na bilhin kaso mahal at saka nakakahinayang rin bumili.

"Nagustuhan mo ba?"Nakangiting tanong niya kaya naman napatango ako at bigla ko na lang siya niyakap.

"Thank you ah!"Masayang sabi ko nung bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Buksan mo naman itong gift ko sayo"Nakangiting sabi ko sabay abot sa kanya ng regalo ko.

Ngumiti naman siya ng todo at saka na niya binuksan yung regalo ko sa kanya. Halos manlaki naman yug mga mata niya at saka tumingin sakin.

"Grabe! Ito yung librong gusto kong bilhin noon ah! kaso sabi ko babalikan ko na lang dahil may importante akong pag-gagamitan ng pera kaya hindi ko na nabili pero thank you talaga ha kasi meron na ako nitong libro ngayon na gift mo para sakin"Masaya niyang sabi at nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Thank you"Rinig kong bulong niyang sabi at tumingin naman na siya sakin.

"Wala yon hehe"Nasabi ko na lang.

"Bryce? Lia? Halika na kumain na tayo"Pareho naman kaming napatingin ni Veda ng tawagin kami ni Vanessa kaya tumayo na kami at saka kumain.

                                 ***

January 15...

Back to normal!

Natapos ang pasko at bagong taon ay back to school na ulit kami at ganun kabilis ang araw.

2 Months na lang at malapit na kaming grumaduate at kung iba ay nalulungkot dahil after ng graduation ay lilipat na sila ng school at magkakahiwalay na rin sila pero ako hindi naman ako nalulungkot dahil magkakasama pa rin kami.

d^__^b

At dahil may College na sa Gillford ay babalik kami doon at hindi lahat ng College ay madugo dahil minsan masaya pa ang college pero mas the best pa rin ang high school.

Hehe sabi lang kasi ng utak ko yun!

d^__^b

d-.-b

Nag-eexam kami ngayon at yung pinaka-finals naman ay sa March at yun ay bago kami grumaduate.

Algebra naman yung ine-exam namin at medyo nahihirapan ako kahit multiple choice lang kaso kailangan mo pa talagang gumawa ng solution para malaman mo rin kung alin ba ang tama na pagpipilian mo sa A, B, C at D!

Hays! Algebra nga rin pala yung una namin enexam kaya parang sasabog na yung utak ko at sumasakit na rin ulo ko.

Bawal kasi lumingon sa katabi at kapag lumingon ka at kapag nahuli ka ng teacher niyo sasabihin na nangongopya ka kahit na lumingon ka lang at nag-iisip ng sagot.

d>>__<<b

Palihim naman ako napatingin kay Veda na nasa bandang unahan at parang sisiw lang sa kanya yung Algebra at halos lahat ata sisiw lang sa kanya ang mga napag-aaralan namin at kaya hindi na ako magtataka kung bakit naging Valedictorian siya.

Magkakahiwalay kasi kami at bawal magdikit dahil baka daw magkopyahan.

Tsk! Kahit pala mayayaman na nag-aaral dito may nangongopya rin pala at yung iba nakikita ko naman na may kodigo.

Iniwas ko na ang tingin ko kay Veda at napatingin naman ako dun sa apat na ugok at parang chill lang sila.

'Hindi ba sila nagko-kopyahan!?'

Iniwas ko na lang din ang tingin ko sa apat at napatingin naman ako sa mga iba kong kaklase at halos magulat naman ako dahil halos lahat sila ay nagkokopyahan kapag nakatalikod na yung teacher namin.

Hindi siguro sila nakapag-review o baka naman talaga wala lang silang pakealam kahit na bumagsak sila dahil binabayaran lang naman yung mga bagsak nila!?

'Tsk! Pustahan mali din yang mga sagot ng nakokopyahan niyo! Halata kasing mga hindi nag-review!'

Napabuntong na lang ako at saka ko na iniwas ang tingin ko sa kanila at napatingin naman ako sa may wall clock at 5 minutes na lang ipapasa na yung test paper dahil 1 hour lang kami mag-eexam pero hindi ko alam na sobrang bilis pala ng oras kaya nagmadali na lang ako at nanghula na lang ako saka ko binulugan yung mga sagot ko.

Bahala na si batman!

10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1...

"Pass your paper!"Biglang sabi ng adviser namin na agad tumayo.
Napalunok na lang ako dahil baka mamaya kapag nalaman ko na yung resulta ng exam ko eh makakuha pa ako ng itlog na score!

d>>__<<b

'Lord?! Okay lang po sakin kahit tatlo lang makuha ko basta wag lang zero!'

Dahan-dahan naman akong napatayo ay saka ko na pinasa yung test paper ko.

Tumalikod na ako at napapikit na lanng ako dahi naiisip ko na baka maging zero nga ako sa exam at baka hindi pa ako maka-graduate.

'Tsk sira! Sa finals ka dapat kabahan dahil mas marami yun na items at baka mas lalong sumakit ulo mo dun dahil simula first grading at hangang fourth grading ay kasama na sa exam!'

Napamulat naman na ako ng mata at nagulat naman ako ng bumungad sakin si Veda at naipasa na pala niya yung test paper niya.

"Wag kang kabahan dahil sigurado akong pasado ka sa exam"Seryoso niyang sabi pero gulat pa rin ako sa kanya.

dO__Ob

d-.-b

Tinalikuran naman na niya ako at bumalik na siya sa upuan niya kaya napabuntong na lang ako at saka bumalik na rin ako sa upuan ko.

At sana nga tama kang pasado ako sa exam dahil goal ko talaga maka-graduate at makapagtapos.


PLEASE DON'T FORGET TO
VOTE, COMMENT & FOLLOW!

Thanks a lot!!

d^^,v

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now